Chapter XVII. Hopeless

162 5 0
                                    

I dedicate this to you, sorry kung late pero nakakatuwa kasi ung mga comment mo! hehehe. medyo naging busy rin kasi ako kakanuod ng City Hunter! WAAAAAHHH!!! Lee Min Ho *u* wahahahah! SHARELANG GM. XD

Si Lexis nga pala :3 ----------------------->

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

 "Vincent.. Ayos ka na ba?"

Tanong sakin ni Chase. Ang sarap sanang sagutin nang "OBVIOUS BA" kaso hindi dapat. Si Chase na lang ang nag-iisa kong karamay sa inabot ko kanina, gaganunin ko pa ba?

"Sinusubukan ko."

Gusto kong mag-cutting. HAAAAAAYY!!! Iba nararamdaman ko. Parang gusto kong magwala na para na akong sasabog! Ampanget naman ng araw na to! >.< Si Chase parang tuliro na rin na hindi maintindihan. Naapektuhan na rin sa nangyari..

"Uhmm.. Vincent. May gusto sana akong sabihin eh."

 Mababaliw na ata ako. Ano na kayang ginagawa ni Elaine ngayon? Sobrang galit na kaya sakin yun? Kakausapin pa kaya ako nun? AYYYYT. Para talagang galit na galit siya.. at parang may kung ano na sa kanila nung lalaking yun dahil ganun na lang ang care niya. Tsk. AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA >.<

"VINCENT!!!"

Napalingon ako kay Chase, kanina pa ba niya ko tinatawag?

"Sorry pre. Ako ang may kasalanan nito eh."

Huh?? Anong ibig niyang sabihing---teka. Bigla akong naguluhan ah.

"Anong ibig mong sabihin??"

"Pre. Sinet-up ko yun. Palabas lang lahat yun eh... pero napag-alaman kong childhood friends pala sina Lexis at Elaine. Pre sorry. Hindi ko alam na magkakaganito.. Ang gusto ko lang nama---"

*BLAM!!!*

Napatingin lahat ng nasa canteen sakin nang ibagsak ko ang mga kamay ko sa mesa at tumayo. >.< GRABEEEE!!!!!!!!!! Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Palabas pala. NAGING PARTE AKO NG ISANG NAPAKAGANDANG PALABAS  >.<

"Vincent.. Makinig ka muna sakin pre."

Sinubukan niya akong habulin nang umalis ako pero pinigilan ko siya. HAY. Sa tingin ko kailangan ko munang mapag-isa!!! MAG-ISA!!

"Pre, lumayo ka muna. Baka hindi ako makapagpigil."

Umalis ako agad-agaran pagkasabi nun. Huminto rin naman agad si Chase, oo alam ko si Chase na lang ang tanging makakaintindi sakin, pero naman. SIYA RIN PALA MISMO ANG MAY GAWA NUN. Kung gugustuhin ko nga lanag ayokong makaramdaman ng galit sa kanya eh! Kaso hindi ko makagawa. Hindi ko mapigilan kasi yun talaga ang nararamdaman ko ngayon. Bestfriend ko siya, siguro may dahilan siya kung bakit niya ginawa yun pero...

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ganun pa at kung bakit ganito ang nararamdaman ko!! Nasabi ko pa sa kanyang baka hindi ako makapagpigil. Grabe. Nagawa ko yung sabihin sa kanya... Pero hindi niyo ko masisisi! Wala kayo sa lugar ko! Hindi niyo nararamdaman ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko nawala ang lahat sakin.

HAYYYY! AYOKO NA NGA!!!

MAGKA-CUTTING NA TALAGA AKO.

BAHALA NA.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

[Elaine's POV]

"Uhmm. A-ayos ka na ba Lexis?"

Pinupunasan ko pa rin ng cold compress yung pasa niya sa may bandang lips pagkatapos siyang sapakin ni Vincent. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Bakit sinabi yun ni Vincent? Na mahal niya ko... (-///-) Nakita ko.. Nakita ko pa naman si Clarice na narinig siyang sinabi yun. Siguradong nasaktan si Clarice nun. Haaaaaaay. Tapos ako naman bigla kong sinabi sa kanya na sino ba siya sa akala niya! Halaaaa. Pakiramdam ko ang sama sama ko.. Parang naramdaman ko tuloy yung pagkapahiya ni Vincent sa napakaraming tao :(

What a guy really feels...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon