Chapter XX. Torete!?!

171 4 3
                                    

 I dedicate this to you... Kasi excited ka na! hehehehe! Thanks sa pagbabasa :3

MWAH :*

Vote. Comment.

Para masaya lang ang buhay! Wahahaha! ^____^V

(Ang sad ni Elaine, naguguluhan na yan---------------->)

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

[Elaine's POV]

Two days nang hindi pumapasok si Vincent ah? Ano kayang nangyari dun. Masyado ba akong naging harsh sa kanya? Ang feelingera ko naman. >__< Si Chase naman sinubukan kong tanungin pero ayun, kibit-balikat lang. Mukhang hindi rin sila magkaayos eh. Ano ba naman yan. Kasalanan ko ata to eh :(

Dito muna ako nag-stay panandalian sa canteen para makakain ng noodles. Wala lang, nagutom kasi yung utak ko.. Maya-maya may naramdaman akong force sa tabi ko.

Haaaaaay >___<

"Busy ka?" Tanong ni Lexis. Sulpot na naman eh :( Nararamdaman ko na naman tuloy tong something na nagpapagulo sa puso ko >___<

"Uhm.. Hindi naman... B-bakit?"

"Wala naman.. I just wanna spend time with you here :)" Hinawi niya yung buhok ko na nagpatindig balahibo naman sakin. Ayoko ng mga ganitong ginagawa niya eh! Hindi na ako sanay.. Syempre matagal na ring panahon nung huli kaming nagkasama no. Parang naiilang naman ako...

"Oh? Haha! Bakit ayaw mo magsalita diyan? Oo nga pala, magiging classmate niyo ako starting next week. Hindi pa ako regular student dito eh, pinayagan lang ako ng school na magligalig dito tutal diba kilala naman ng family namin yung may-ari nitong school natin." Tumango lang ako at ngumiti..

"Hi Lexis!"

"Hi! :)" Bati naman niya dun sa chorus ng mga girls na napadaan at nagpa-cute sa kanya. YAAAAAY! Naiilang ako.. At naiinis.... Ang hilig niya talagang mag-entertain ng mga babae! >3<

"Sikat ka agad ah. Hindi ka pa nga pumapasok..."

"Hahaha! Ganun talaga! Kasi naman eh. Bakit kasi kilalang kilala yung pamilya namin. Tsk." Sinabi niya na ay halong pagpapa-cute :P

"Ang yabang mo! UHM!!"

*BATOK*

Haha. Grabe.. Ang hangin pa rin nitong taong 'to! Kung ikukumpara mo si Vincent eh, napaka-simple... Maamo... Tahimik... Humble... Hindi gaya nito! Ewan ko nga eh, ginayuma siguro ako nito noon o masyado lang talagang bata yung isip ko. =____=

"OH EM GEEEE!!!!"

"Sino yan???"

"ANO KA BA!! Si Vincent Sebastian yan!!!"

"Ows?? What happened to him??? YAAAAAY!!! Gumwapo siya!!!!"

"Oo! Nadala siguro dun sa nangyari nung isang araw!!"

"I gotta go meet him!!! *u*"

Sabay kaming napalingon ni Lexis dun sa mga babaeng bigla na lang nag-ingay. Kailangan i-broadcast talaga? Huh?? Pero... Teka teka teka.. 

*LINGON*

Ano tong nakikita kong.........

O///O

Si Vincent nga...

.....At mukhang ang laki ng pinagbago niya ah...

Ano to.... KYAAAAAH!!! Parang kanina kakasabi ko na si Vincent kung ikukumpara mo eh simple lang... Bakit.. Bakit ganito?? Nag-iba yung kulay ng buhok niya.. Yung pananamit niya... Tapos may hikaw?? Anong ibig sabihin nito? Balak ba niyang sumali sa mga popularity contest ng school? Hindi ako makapaniwala... O sige. Gwapo na kung gwapo pero.... Bakit parang negatibo yung dating sakin? May nararamdaman akong mali sa ikinikilos niya...

What a guy really feels...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon