Chapter XIV. Thinking

157 6 2
                                    

 Dedicated sayo to! Hahahaha. Thanks sa pagvote ^_______^

 <3

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

[Vincent's POV]

Hays. Pagkauwi na pagkauwi ng bahay, hindi ako nagbihis agad. Diretso sa kama. Sumasakit ulo ko >.<

Ano ba toooooooooo. Hindi ko lubos maisip. Si Clarice????? Ano ba yung sinabi niya. Bakit? Hindi ko lubos.. Nagtataka ak.. SERYOSO BA SIYA???? ARGH! Hindi ako sanay. Hindi ako sanay na sabihan ng isang babae ng bagay na katulad nun! Ako? Bakit ako pa? Ang dami diyan na di hamak mas gwapo sakin, oh mas bagay sa kanya. Tsss. bakit ako pa??

ARGH. Ang astig naman ng araw na to.

Hindi nanaman ako nakahanap ng tiyempo, tapos si Clarice naman, ayun. Naunahan pa akong umamin. Ang masaklap pa dun, sa akin siya umamin eh!

WAAAAAAAAH! Naguguluhan ako. Tsk.

VINCENT.. MAHAL DIN KITA EH.

VINCENT.. MAHAL DIN KITA EH.

VINCENT.. MAHAL DIN KITA EH.

VINCENT.. MAHAL DIN KITA EH.

WAAAAAAAAAAAH! Nagrereplay sa utak ko! Tae!! Ano ba to >.<

Oo. Alam ko, maganda rin naman si Clarice... Mabait, nangangagat nga lang! Pero iba pa rin talaga si Elaine. Ibang iba. Kaya nga sa lahat diba, si Elaine ang bukod tanging nagustuhan ko diba? Si Elaine.. malumanay. Si Clarice, strong ang personality. Si Elaine, sweet face. Si Clarice, nakakaakit...

AYYYYY!!! Teka! Iba na ang naiisip ko ah! ERASE! ERASE! ERASE! POTEK. Ano ba yan! Kadiri men. Bakit ko naman kasi pinagkukumpara si Elaine at Clarice? Magkaiba ang dalawang yun. Tsss.

Unang una sa lahat, si Elaine ang mahal ko. MAHAL NA MAHAL NA MAHAL!

Masyado lang siguro akong na-shoshock sa mga nasabi ni Clarice. Kung anu-ano tuloy napapansin ko. Whew =_______=

*PIKIT*

.....

.....

*flashback*

*KLENG! KLENG! KLENG!*

*end of flashback*

*DILAT*

Yuung kalderong nalaglag kanina.

Hindi kaya.....

SI ELAINE YUN?

O.O

Teka teka!! Isipin nga nating mabuti. Diba nga lumabas si Elaine, tapos.... Si Clarice nagsimulang magalit sa kaingayan namin ni Chase, tapos si Knicole dumating, umalis si Chase at hinabol siya ni Knicole. Naglayasan na yung ibang cleaners, natira kami ni... Natira kami ni Clarice. Nagka-aminan xP TAPOS.. may bumagsak.. kanino galing yun??? Kay Elaine nga kaya??

AYY. Hindi ko na kasi nakita eh, sa sobrang awkward kasi umalis na ko. Grabe. Hindi ko na rin kasi nakayanan yung sitwasyon naming dalawa ni Clarice dun. WAAAAAAAAAAH!!!! Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.

Kung si Elaine nga kaya yun... Uhm. Bakit siya aalis??

Hayyys. Pero siguro naman wala nanamang meaning yun. Ako lang naman tong mahilig mag-isip eh. Bahala na nga! ARGH. >.<

*PIKIT*

*BLAGAMMMSHHHHKJLDHSKJL!!!!*

WAAAAAH! Ano yung kalampag na yun??? Tae. Nalooban ata ako ah. >.<

DUG.DUG.DUG.

Kinakabahan ako. Eto pa naman ang kinatatakot ko. Na isang araw pasukin ako ng magnanakaw dito sa bahay! SHET. Wala kasi akong kasama dito sa bahay. Si Mama at bunsoy, sa Makati nakatira kaya ako lang ang nakatira dito, minsan lang sila umuwi, pag napag-tripan. Pagkatapos kasing mamatay ng totoo kong papa... May nahanap dun si Mama eh. Pero hindi ko kilala, ayokong kilalanin. Tss. hehe. Eh syempre dahil si bunsoy eh bata pa napapasama kay Mama.

Dibale, kaya ko naman sarili ko eh.

HOOOOH. Anyway, kinuha ko yung panungkit ko na stick. (OO MAY PANUNGKIT AKO XP)

Mabigat bigat to, at hindi basta basta! Siguradong lintik lang ang walang pasa pag hinambalos ko nito! >.<

Dahan dahan akong gumilid sa may pintuan. >.< WAAAAAAAH. Kinakabahan ako. Lord kayo na po ang bahala sakin >.<

1...

2...

3...

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!!!"

"AYY LINTEK KANG BATA KA!!!!!!!!"

O__________________O

Si Mama pala! WHEW!! Muntik ko nang maihambalos sa mukha ni mama. Buti na lang nakailag! Kung nagkataon, ako ang mabubugbog nito! >.< Pero mabuti na rin at si mama yun, kung magnanakaw yun at nakailag, siguradong yari ako. Good bye world na ang drama ko. T__T

"S-sorry po ma.. Akala ko kasi magnanakaw eh!"

"Mukha ba kong magnanakaw? Diyos ko kang bata ka! Muntik na kong atakihin sa puso!!"

Umupo muna kami sa may sofa at pinaghanda ko ng makakain sina mama. Pampa-good shot! HEHEHEH! Si bunsoy tahimik! Aba. Binata na rin kasi. Gwapong gwapo mana sa kuya! HAHAHAH!

"O hijo, kamusta ka na pala? Aba, halos.. Halos mag iisang taon na rin pala tayong hindi nagkikita ano."

Medyo nabago yung itsura ko. Kapag ganitong usapin kasi, naapektuhan ako eh. Hah. Parang kanina lang binanggit ko tong mama ko, saktong sakto sila pala ang dumating. Ayt. Ibahin ko na nga lang usapan.

"Oh, ang laki na pala nitong kapatid ko ma. Uhm. Ano nga palang sadya nyo, himala dumalaw kayo?"

"Dito na ulit kami titira. Wala na eh.."

Nagbago ang itsura ni mama. Tssssss. Mukhang alam ko na to ah! BADTRIP >.<

1 and a half year matapos mamatay ni papa, umeksena yung lalaking yun. Dahil tutol nga ko, hindi ako pumayag sa relasyon nila! Pero si mama mapilit. Mahal niya daw yung lalaking yun at yun daw ang nagbibigay sa kanya ng kaligayahan at panibagong pag-asa. Ano pa nga ba? Mahal ko rin naman ang mama ko kaya napilitan ako. Pero hindi ako sumama sa kanila. Si Dave (bunsoy) lang ang sumama, bata pa kasi eh. Pinilit kong mabuhay mag-isa dito, paminsan-minsan dumadalaw sila. Pero minsan lang. Medyo nakakalungkot pero kayang tiisin. 

Pagkatapos ng lahat, ano? Wala rin!! Walang kwentang lalaki!! Kaya ako? Di bale nang ganito ako basta pagdating sa babaeng mahal ko, mahal ko talaga at hinding hindi ko iiwanan! Hindi ako katulad nun. Sabi ko na nga ba eh, umpisa pa lang alam ko nang may hindi maganda sa lalaking yun. Tss.

"Ganun po ba ma. Sige po, ahm. Nakaayos pa rin naman po yung kwarto niyo diyan. Magpahinga na po muna kayo, bukas na lang po tayo mag-usap."

Pinilit kong magpaka-pormal. gusto ko rin namang maramdaman ni mama na welcome pa rin siya at na "miss" ko sila. Maya-maya, pumasok na ng kwarto sina mama. Nagkahalu-halo yung emosyon ko. >.< Kanina para akong nagpapanic na natatakot tapos pagdating naman ni mama natuwang nalungkot na ewan. Buhay nga naman no? Napapraning na ata ako. O_____O

HAHA! EWAN KO!!! Pero basta. Siguro mabuti na ring nandito sila, para naman hindi ako mabuang ng husto sa mga nangyayari sa buhay ko. HAAAAAAAAAAAY! At least pakiramdam ko hindi ako nag-iisa. :')

Pumasok na rin ako sa kwarto. Sa wakas nagpalit na ko ng damit. HAHAHA! Masyado kasi akong nawiwili kakaisip. Haha. Matutulog na rin ako! Marami pang kailangang harapin bukas.

Itutulog ko na lang lahat ng to.

WHEW.

=_______=

__________________________________________________________________________

A: Dumating na mama at kapatid ni Vincent! May something kaya? HMMM. hahahahhaa epal lang.Please do VOTE and COMMENT! THAAAAAAANKS! :*

What a guy really feels...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon