Chapter XXIII. Planned?

99 4 1
                                    

 Dedicated sayo to, anivas05! Haha. In-inspire mo ko mag-update ulit. Actually ng iba rin! Haha, salamat po sa inyo! ^______^ Babawi ako! YAAAAAAY! Hmmm. La lang! XD

Vote.

Comment.

PORO MOSOYO.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

[Elaine's POV]

"Tara Elaine, i-tour mo naman ako sa school natin after nitong last class natin. Haha!" Sinimangutan ko si Lexis. Loko talaga 'to. As if naman na wala siyang kaalam-alam sa school, echusero lang! Nakita niyang seryoso ako kaya agad na bumawi. :P

"Joke lang! Masyado namang seryoso to. May problema ba?"

Oo, ikaw. Gusto ko sana sabihin.

WAAAAAAAH! Ang komplikado na kasi ng lahat! Err. Feeling ko hindi na magiging normal ang buhay ko ngayong lagi na kaming magkakasama dahil nga bago pa lang siya. Lalo lang magugulo ang lahat eh! Naman kasi... >__<

"A-ahm, wala. Tara punta na lang tayo ng library mamaya. Tutal malapit na rin naman mag-dismiss eh. Marami ka pang hahabuling mga lessons."

Sabi ko na lang. Wala naman kasi talaga na akong masabi sa kanya. Tsaka para tumigil na rin siya sa pangungulit sakin sa gitna ng klase. Mamaya mapagalitan pa kami. :P

"Yes mam!" Nag-salute effect pa siya. Lumingon agad ako sa teacher namin para maiwas na yung tingin ko sa kanya. Ang awkward kasi! NYAAAAA.

Bigla namang nalihis ang paningin ko kay Vincent.

(O///O)

HALA.

Nakatingin siya sakin!! >___<

*IWAS*

WHEW!!! Kinabahan naman ako dun!!!  Pero bakit kaya siya nakatingin? Hmmm... Parang gusto ko siyang kausapin. Kaso naisip ko, ano namang sasabihin ko sa kanya? Baka wala akong masabi pag nagkaharap na kami. Tsaka isa pa... Laging nakadikit sakin si Lexis. Parang wala talagang pagkakataon na magkausap kami.

"Class, ang submission niyan is next week na ah! So prepare. You may go."

Natauhan na lang ulit ako nung nag-aannounce na pala at nag-goodbye na ang teacher namin. Yehey. Dismissal na!! Kaso heto naman ako, kasama si Lexis. T__T Hindi naman sa ayaw ko siyang makasama, pero wala lang... Feeling ko kasi hangga't kasama ko siya hindi na kami magkakaayos ni Vincent.

"Yes! Hindi ako napag-intay ng matagal! Shall we?" Ngiting ngiting yaya ni Lexis sakin. Nginitian ko lang siya tapos tumayo na ko. HAAAAY! Kailangan ko nang sanayin ang sarili ko. Habang palabas kami ng room, napansin kong nawala na agad sila Vincent.

Ambilis. :(

Wala namang patid sa pagkekwento si Lexis sakin habang naglalakad kami. Actually, na-miss ko rin naman siya. Pero kapag kasama ko siya hindi ko maiwasang hindi maalala lahat ng pinagsasabi niya lalo na yung sabi niyang "pag-isipan" ko daw. EH!!! Kainis. Siyempre iba na ngayon eh.

Hindi na 'to katulad ng dati. Nung mga bata na kami. Kaya nagtataka nga ko sa kanya, at hindi ako naniniwalang may feelings siya para sakin. Ang hirap lang talagang paniwalaan. =___=

"HUY!! Hindi mo naman ata ako pinapakinggan eh!" Halaa. Sa dami ng iniisip ko hindi ko na naintindihan yung mga sinasabi niya.

"H-ha?! May sinasabi ka ba... S-sorry. Ano nga ulit yun?" Tanong ko, para di naman magtampo.

"Hay. Wala. Wag na nga. Hmmm.. Mukhang... Elaine, tanungin kita. Naiisip mo pa rin ba?" Natigilan naman ako. Anong tinutukoy niya, yung sinabi niya ba saking pag-isipan ko? Yung nangyari sa field? Oh si Vincent? @__@

What a guy really feels...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon