Chapter Seven

152 29 20
                                    


I wish I never opened up my heart
I didn't mean to love you baby
I wish I never let it get this far
I didn't mean to love you baby
If I could have a single wish
I'd turn back time
I didn't mean to make you
I didn't mean to make you
I didn't mean to make you mine

-I Didn't Mean to Make You Mine
(Nina)-


4 YEARS LATER

"CASS, can you help me with this jam?"

"Sure." Nginitian ni Cassandra ang binata. Kinuha niya rito ang inabot nitong garapong may lamang jam. Nagtaka pa siya nang hindi nito bitiwan agad ang kamay niya.

"Sir?"

"Oh, yeah. Sorry." Binawi nito ang mga kamay mula sa pagkakahawak sa kanya at bahagyang napakamot sa batok.

Binuksan naman niya ang garapong ibinigay nito at kumuha roon ng strawberry jam gamit ang kutsarang hawak niya. Tumikim siya ng konti at hinayaang ma-absorb ng kanyang dila ang lasa niyon.

"So?"

"This tastes good, sir. Sweeter than yesterday." Tumango lang ito sa naging tugon niya.

"Uhmm, Cassandra..."

"Yes, sir?"

"Can I drive you home?" tanong nito. He smiled boyishly showing his perfect set of teeth.

"Uhmm..." Nag-aalinlangan pa siya.

"Please?" Nagsusumamo ang mga matang pakiusap nito. She sighed before nodding.

"Alright!" parang wala sa sariling sigaw ng binata. Gulat na napalingon siya. Pati ang ibang mga katrabaho niya sa farm ay napalingon din dito. Bahagyang nanlaki ang mga mata nito at agad na pinamulahan ng mukha.

"Sorry," nahihiyang saad nito sa kanya.
Pagkatapos ay pumasok na ito sa loob ng opisina nito.

"OY, CASS. Mukhang ang lakas ng tama sa'yo ni Sir Jonas." Kalabit sa kanya ni Sheena. Kasamahan niya sa trabaho.

"Trulalu! Sa wakas, nagkalakas loob na rin ang torpeng si Fafa Jonas na pormahan ang pabebeng gagita na si Cassie," segunda naman ng baklang si Lucky. Nakapamaywang ang isa nitong kamay habang ang isa naman ay pumipilantik na itinuro siya.

Napailing na lamang siya sa mga ito.

"Hindi ako pabebe at lalong malabo 'yang mga sinasabi ninyo dahil may asawa at anak na ako."

"Weh?"

"Peyk nyus yan! Bakit 'di man lang namin masilayan ang feslak ng asawa mo? Kahit nga dead na hairlalu niya ay di namin maseen. Aba ateng, ano siya? Invisible hubby?"

"Saka kung may asawa ka na ay bakit 34-24-36 pa rin ang vitals mo? My God, Cass! Ikaw ang pinakasexy at pinakamagandang nilalang na nakita ko."

"Exagge ka na huh." She giggled.

"Totoo kaya. Psh, I wonder kung bakit hindi ka na lang nag-artista. Hindi bagay ang beauty mo rito sa farm." Kung alam lang sana ng mga ito na dati siyang sikat na modelo.

Ngumiti na lang siya sa mga ito. Kahit naman anong paliwanag ang gawin niya ay hindi nila paniniwalaang may asawa na siya. Napagod na nga siyang magpaliwanag sa mga ito dahil wala naman siyang maipakitang ebidensya.

Asawa... Tsk! Napangiti na lang siya ng mapait. How many years have passed since then? Ah, it was four years she guessed. Nathan is already four. She smiled at the thought of her son.

Malusog na naisilang niya ang batang dinadala niya noon. Pinalaki niya itong puno ng pagmamahal na galing sa kanya.

Madaldal ito at bibo. Dahil sa may isip na ay naghahanap na ito ng isang ama. Wala siyang maisagot ng maayos dito. Tanging palusot niya ay nasa abroad ang daddy nito at nagtatrabaho. Lagi niyang iniiwasan ang topic na iyon. Ayaw naman niyang paasahin ang bata na babalikan pa sila ng magaling niyang asawa. Una sa lahat, siya itong nang-iwan.

Making You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon