Chapter Eight

146 29 24
                                    

"K-KENDRICK..." Napahawak si Cassandra ng mahigpit sa doorknob. Hindi niya akalaing magkikita sila ni Kendrick sa ganitong pagkakataon.

Pinagmasdan niya ito. Sa loob halos ng apat na taon ay wala man lang pinagbago ang itsura nito.

Same cold eyes. Thin and sexy lips. Pointed nose. Napansin nga lang niya na may mga stubbles ito sa mukha. Parang namayat din ito.

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?"

His eyes are as cold as a sheet of paper.

Ken. God! Gusto niya itong yakapin at halikan ng mga oras na iyon. She missed him so much. Ngunit hindi pwede ang nais niya. Kailangan niyang pigilan ang anumang damdaming nais kumawala sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" She narrowed her eyes in anger. Gusto niyang ipakita rito na hindi na siya ang dating Cassandra.

Kukunin ba nito si Nathan? Paano nito nalamang doon sila nakatira? Shit!

Tiningnan siya nito ng matagal. Para bang kinakabisa ang hugis ng kanyang mukha. Biglang nangislap ang mga mata nito.

"Why did you leave me?" mapait na tanong nito. His voice is hoarser than before. She can feel his pain. Kalokohan. Napaismid siya.

"Kailangan ko pa bang sagutin 'yan?" matapang niyang saad pero sa totoo lang ay nangangatog na ang mga tuhod niya. Pakiramdam niya ay babagsak siya anumang sandali.

Naningkit ang mga mata nito.

"You've change."

"Apat na taon na ang nakakaraan, aasahan mo pa bang ako pa rin ang dating Cassandra na madadatnan mo? Shit ka, Ken!"

Imahinasyon niya lang o hindi pero biglang lumambot ang ekspresyon nito. Ngunit sandali lamang iyon. Nagtiim ito ng bagang. He also clenched his hands in anger.

"Can I come in? Hindi ka naman yata nakakalimot ng magandang asal mahal kong asawa," patuya nitong sabi. Hinigpitan niya ang hawak sa doorknob. 

No! Not my baby, Ken. Not Nathan.

"Kung may sasabihin ka, sabihin mo na ngayon dito." Lalo itong nagalit sa tinuran niya. He grabs her arm.

"Bakit?! Tinatago mo ba sa loob ang lalaki mo ha, Cassandra?" nag-aapoy sa galit na singhal nito.

"Ano bang pakialam mo kung may lalaki ako?"

"Damn you, Cassandra! Asawa mo pa rin ako."

"Wow, ha? Hindi ba't ikaw ang hindi tumuring saakin na asawa? Baka nakakalimutan mo, Ken. Halos araw-araw ay ipinamumukha mo saakin kung gaano mo ako kinamumuhian."


NASAKTAN si Kendrick sa mga sinabing iyon ni Cassandra. Mas doble pala ang sakit. Akala niya ay handa siya sa ganoong sakit. Akala niya ay maibabalik pa ang lahat. Pero ibang Cassandra ang nasa harapan niya ngayon. Alam niya namang ang gago niya. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya rito na hanggang ngayon ay pinagsisisihan niya ng labis, ano pa nga bang inaasahan niya?

Hinintay niya ito noon. Inabot siya ng gabi sa paghihintay sa airport. Halos awayin na rin niya ang piloto ng eroplanong sasakyan dapat nito.

Inaamin niya na mahal niya si Cassandra. Mahal na mahal. Noon pang nagsasama sila bilang mag-asawa.

Siguro noon niya pa iyon nararamdaman. Hindi niya lang pinagtutuunan ng pansin dahil sa galit niya rito. Ginawa niya ang lahat para saktan ito. Pero kahit kailan ay hindi siya nambabae. It's just that hindi niya sinusuot ang wedding ring nila noong mga panahong iyon. Kasi nga ay 'di pa rin niya matanggap na niloko siya nito. Yes, nakikipag-flirt siya pero hindi niya ginawang makipagrelasyon sa mga ito. Si Cassandra pa rin ang inaalala niya.

Making You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon