I.S.A.

7.9K 151 4
                                    

[Leigh's POV]





"Kain tayo sa labas, babe." tinignan ko si Jace atsaka ipinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit ko.




Magkablock kaming dalawa ni Jace. We took the same course, and luckily blockmates kami.






"Kakain? Lunch? Or after class?" tanong ko sakanya





"Lunch, babe." nakangiti niyang sambit




Napailing ako. I have so many requirements to pass this time. May hinahabol pa akong kailangan ipasa sa dean ng college namin.






Student council officer kasi ako sa college namin, and we have an upcoming event na kailangan ng approval ng dean namin.





Plus! We are already 2nd yr college students, medyo busy and hassle na rin sa sched.





Medical Technology ang course na kinuha namin. Actually, almost saaming walo puro nasa medical field. Pero di naman lahat kami. Pero we are still in the same university. Ayaw namin maghiwalay na walo, or should I say na kaming apat na girls. Hahaha!




"Ehh! Miss na kita kasama kumain. Kahit 30 mins lang siguro, babe." paglalambing niya sakin





"I have to pass something kasi kay dean, babe. I need to talk with my co-officers. I'm sorry." pagcocomfort ko sakanya





"It's okay, babe. Pero just want you to know that I missed you so much. As in!" sabi niya naman sakin. I know na malungkot siya. Start kasi ng sem na ito, lagi na akong busy, bihira nalang talaga ako makasabay sakanya maglunch, laging yung barkada namin this college ang kasabay niya kumain.





"Babawi talaga ako, babe. I promise." sabi ko naman sakanya




"Sure yan ah!" sabi niya naman sakin tsaka ako nginitian.




Kinuha ko na ang mga gamit ko sa desk ko.





"I need to go, babe. I'll see you later." sabi ko naman, tsaka nagbeso sa sakanya at tuluyan ng umalis para dumalo sa meeting.

The Clash 2: Stay Or Let Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon