Tatlumpu't Lima

1.7K 46 2
                                    

[Fiona's POV]




Binitawan niya ako ng makarating kami sa garden ng school.




"Layuan mo si Xander."




Hindi ko alam kung bakit, pero nainis ako sa inasta niya. Ang gulo gulo niya.




Nakipagbreak siya then ngayon aasta siya na parang boyfriend ko.




"Bakit mo ko sinasabihan ng dapat kong gawin?" naiinis na tanong ko sakanya




"Dahil kilala ko si Xander. Kilala ko kung anong klaseng tao siya." naiinis na sambit niya




"Ayoko! Di ko siya lalayuan. At isa pa, wag mo na nga ako pakealaman. Stop acting as if you care kasi simula nung nakipagbreak ka, nawalan ka na ng pake."




"Don't make this hard for me, Fiona. Do you think gusto ko itong nangyayari? No! Nahihirapan din ako. Hindi lang ikaw ang nasasaktan, ako rin."




"Nasasaktan? Ikaw lang ang nagbibigay ng dahilan para magkasakitan tayo. Do you think aabot sa ganito kung di ka nakipaghiwalay? Whatever your reason is, ang childish nun para hiwalayan ako."




"You don't know anything. But please, layuan mo si Xander. Kahit wag na para sakin, para sa sarili mo nalang. O kaya naman isipin mo nalang na may pake ako sayo bilang kaibigan mo."




Naglakad na siya palayo sakin pagkatapos niya sabihin yun.




Kaibigan. Haha! Oo, kaibigan niya nalang ako. Napakahirap para sakin tanggapin.




Hindi ko yata kayang isipin na kaibigan ko lang siya.




****



"Sumama ka na, Fiona!" pagyaya ni Leigh sakin




Pinapapunta kasi kami ni Ate Gee sa restaurant ni Kuya Adam.




Gusto ko naman sumama pero alam ko kasing sasama si Dex. And oo, inaamin ko na iniiwasan ko siya.




"Walang mangyayari kung iiwasan mo siya." sambit naman ni Trish




"Oo nga! Ipakita mo sakanya na wala lang sayo." pagsang-ayon ni Leigh




"Okay! Sasama na ako." sabi ko naman




Nag-ayos na kami ng mga sarili namin atsaka nagpunta sa restaurant ni Kuya.




Inaamin ko na pagdating palang namin at pagkakita ko palang sa boys ay ang awkward na. Sobra.




"Okay! So anong gusto niyo orderin?" tanong ni Jace. Halata namang pinapagaan niya lang ang atmosphere.




"Ito nalang sakin!" sagot naman ni Leigh sabay turo sa carbonara na nasa menu




Nagsabi na rin naman kami ng mga order din namin. Habang iniintay yung order ay ang awkward na naman ng atmosphere.




"Sooooo. Kamusta?" si Ate Gee ang bumasag ng katahimikan.




"Okay naman kami. Sabi ni Laureen, okay din siya sa New York." sagot naman ni Keith




Arggghhh. Di ko na talaga matake ang awkwardness.




"Hey guys." napatingin naman kami sa lalaking nagsalita. Si Xander. Anong ginagawa niya rito?




The Clash 2: Stay Or Let Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon