Labing Apat

2.3K 78 3
                                    

[Laureen's POV]




Naging okay naman ang lahat between me and Keith. Humahanap na talaga siya ng oras para sakin kahit na busy pa siya dahil sa org na sinalihan niya.




"Laureen, I have to go ah. May meeting pa kasi kami. Sorry." pagpapaalam niya sakin




"Sige lang." nakangiti kong sagot sakanya




Hinalikan naman niya ako sa noo bago tuluyang umalis sa harap ko.




Naiwan akong mag-isang nagbabasa sa may park ng school namin.




"Lagi ka nalang iniiwan ng boyfriend mo." napatingin naman ako sa babaeng nagsalita.




Napakunot ang noo ko ng makita siya. Sure akong nakita ko na ang babaeng ito. Hindi ko nga lang alam kung anong pangalan niya.




"Okay lang yun. Naiintindihan ko naman siya."




Umupo naman siya sa tabi ko kahit na di ko pa siya pinapaupo.




Hindi ko alam, pero I feel uncomfortable right now. Sana umalis nalang siya kasi naiilang ako sa presensya niya.




"I'm Bianca by the way." pagpapakilala niya




"Laureen." pagpapakilala ko rin




"I know. Ikaw yung girlfriend ni Keith."




"Pano mo kami nakilala?" nagtatakang tanong ko




"Kaklase ko si Keith. He's one of my kabarkada sa room. We're close, really. Parang siya na nga ang boy bestfriend ko eh." nakangiting pagkekwento niya




Kung hindi ako nagkakamali, pinagseselos niya ako. I feel it. Gusto niya akong inggitin kaya niya ikinekwento ang mga bagay na ito sakin.




Hindi ako judgemental pero yun naman ang ginagawa niya talaga ngayon.




"Let's be friends too! Tutal friend ko rin ang boyfriend mo." nakangiting sambit niya




"Sige." plain na sagot ko naman sakanya.




"O sige. Alis na ako ahh." pagpapaalam niya naman sakin. Tumango lang ako sakanya.




Buti naman at umalis na siya. Actually, naiinis na ako kanina kasi ang insensitive niya. Hindi niya naman kailangan ikwento sakin ang mga bagay na iyon. She wants me to get jealous. Kaya niya sinasabing close sila ni Keith at magbestfriend sila.




Sana hindi na kami magkita ulit. Hindi ko talaga feel ang ugali ng babaeng iyon.




****




Nandito ako ngayon sa floor ng Opto. Sabi kasi ni Keith intayin ko nalang daw siya rito sa floor ng college niya.




Umupo lang ako dun sa may bench na nandun malapit sa room nila Keith ngayon.




Napatingin naman ako sa pintuan ng kwarto ng bumukas ito at unti unti ng naglalabasan ang mga estudyante. Uwian na rin pala nila.




Nakita ko na si Keith na papalabas. Napangiti ako, pero agad ding napawi ng mapansin ko ang pagkapit ng isang babae sa braso ni Keith.




Si Bianca.




Hindi naman tinanggal ni Keith ang kamay ni Bianca hanggang sa makalabas sila. Ganun talaga si kaclose?




The Clash 2: Stay Or Let Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon