Apatnapu't Pito

1.6K 48 9
                                    

[Laureen's POV]



Hindi ako okay. Kahit na nakauwi na kami sa Manila di pa rin ako okay.



Mahal ko si Keith pero masakit pa rin para sakin. The fact na magiging tatay na siya pero di dahil ako yung buntis.



Wala na sigurong sasakit pag alam mong yung boyfriend mo nakabuntis ng ibang babae. Patunay yun ng kataksilan niya.



Aksidente man o hindi, masakit pa rin kasi nagbunga.



"Wala ka bang napapansin? Parang ang bilis naman malaman ni Yuna na buntis siya? Like wow kakagawa palang nila kagabi tapos may result. Excited?" tanong naman ni Leigh sakin



"Hindi ko alam. Basta buntis siya. Malaki ang posibidad na kay Keith yun, may nangyari sakanila."



Tumango-tango naman siya tsaka ininom ang juice niya.



Iniintay namin ngayon si Yuna, since ako nga ang kasa-kasama niya na magpunta sa ospital para sa check-up niya.



Maya maya lang ay dumating din naman siya.



"Nasan si Keith?" tanong niya sakin



"Wala siya, di yun kasama sa usapan. Ang usapan ako lang ang sasama sayo." sabi ko naman sakanya.



Mukang wala siyang magawa. Hindi siya makapalag sakin. Hahahah.



Pagdating namin sa ospital ay binigyan kami ng number. Bale pang-35 kami. Sa ngayon nasa number 28 palang.



Nag-iintay lang kami dun, di namin kinakausap si Yuna. Ayoko makipagplastikan sakanya. Hindi ko kaya.



"Bat ba kasi di ka nakipaghiwalay nalang kay Keith? Biruin mo nakipag-ano siya sa iba, naatim mong magstay? Kung ako sayo, baka hiwalay na kami ni Jace." pabulong na sabi naman ni Leigh



"Hindi ko rin alam. Parang may pumigil sakin na makipaghiwalay sakanya. Pero di maiaalis ang sakit na nandito sa puso ko. Kapag nakikita ko si Keith, di ko maiwasang mainis at magalit. Kahit sabihing one week na ang lumipas simula nung mareveal yun satin, masakit pa rin." sabi ko naman sakanya. Tinapik naman niya ang balikat ko.



Napatigil kami ng biglang magring ang phone ko.



"Si Keith. Sagutin ko lang."



Tumayo ako atsaka sinagot ang phone ko.



"Bakit?"



[Nasa ospital ka?] tanong niya sakin



"Oo. Bakit?" tanong ko naman



[Ahhh. Balitaan mo ko tungkol sa baby ah.]halata sa tono ng boses niya na medyo excited siya. Alam kong ganun talaga kasi tatay siya eh. Hindi ko alam pero naiinis ako sa pagkaexcite niya.



Kasalanan mo yan sakin pero bat excited ka? Bat ang saya mo? Alam kong walang kasalanan ang bata rito kaya di ko magawang magalit sakanya. Galit ako kay Keith at Yuna. Ang sakit sakit.



[Hello? Nandiyan ka pa?]



"Balitaan kita. Sige na, bye."



[I lov----]



Hindi ko na siya pinatapos dahil binaba ko na agad ang phone. Naiinis ako.



"Number 35." pagtawag ng nurse sa number namin



The Clash 2: Stay Or Let Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon