Labing Tatlo

2.3K 79 1
                                    

[Laureen's POV]




"Alam mo yung kaibigan mo, may pagkatorpe ah." pagkekwento ko kay Keith




"Bakit naman?"




"Nagpadala ng prutas para kay Leigh tapos ang sinabi niya ipinadala ko raw yun. HAHAHAHA! Baliw lang siya? Uuwi naman ako sa bahay namin tapos kailangan ko pa ba ipaabot yun? Nakakaloka." natatawang sagot ko




"Kahit di naman sabihin nung Jace na yun, alam ko at alam nating lahat na nasasaktan siya ng sobra sa setup nila."




"Yes, I know. Kilala nating lahat si Jace at si Jace yung tipo ng tao na di pinoproblema ang problema. Kaya kahit nakikita nating nakangiti yun, alam pa rin nating nasasaktan siya."




"Kasalanan ng Kyle na yun."




"Kung sana may magagawa ako para sakanilang dalawa. I would really love to help them." sagot ko naman




"Uy! What's up?" napatigil kami sa pag-uusap ng may dumating sa table namin.




"Uy, Tristan." pagtawag ni Keith sakanya




I think kaorg to ni Keith. Madalas ko rin kasi tong makita tuwing iniintay ko si Keith matapos sa meeting nila.




"Kain daw sa labas mamaya sabi ni Sir Guazo." nakangiti niyang sabi




"Ah sige sige." sagot naman ni Keith




Tumingin naman sakin si Tristan tsaka tumango.




"Una na ako." pagpapaalam niya




"Kakain sa labas?" tanong ko kay Keith pagkaalis na pagkaalis ni Tristan.




"Oo. Kakain lang sa labas yung buong officers ng org." nakangiting sagot niya sakin




"Ahhh. Eh akala ko ba lalabas tayo?" tanong ko naman




"Ayyyy. Sorry, nakalimutan ko."




"Hindi, okay lang. Next time nalang." sagot ko naman sakanya. Pero deep inside naiinis ako dahil nakalimutan niya.




"Sorry." malungkot na sambit niya




Tumango lang ako sakanya.




"Sige na, mauuna na ako. May klase pa ako." pagpapaalam ko tsaka kinuha ang gamit ko at lumabas sa canteen.




"Laureen." pagtawag niya sa pangalan ko kaya liningon ko siya.




"Ano?" tanong ko




"Next time. Promise."




Wow! Talagang pinili niya ang orgmates niya kesa sakin na girlfriend niya? Iba ka keith!




"Okay." walang buhay kong sagot




***



"Nakakainis ang kaibigan mo!" sigaw ko kay Clyde




Saktong nandito kasi siya sa may park ng school kaya ayun at kinausap ko na.




"Ano nanamang ginawa ni Keith?" natatawang tanong niya sakin




"Wala. Hindi ko alam kung ako ba ang mali o siya eh. Iniintindi ko naman ang pagiging president niya sa org niya. Pero minsan nakakaselos na. Nakakaselos ng pinagpapalit niya ako sa org niya. Kung selfish man ako, edi sorry."




The Clash 2: Stay Or Let Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon