Marame pa ba tayong naniniwala sa Destiny?
Totoo nga ba ang mga signs? Ang soulmates? E ang destiny?
Alam kong isang beses sa buhay mo naniwala ka na din diyan.
Andyan yung papel mo na may FLAMES, kung saan nakalagay ang pangalan mo at pangalan ng crush mo baka sakaling lovers o marriage man ang kahantungan.
Andyan din yung likod ng notebook mo na puro pirma mo gamit ang last name nung taong gusto mo.
Merong iba na ibinabase sa zodiac signs.
Yung iba meron pang listahan ng signs para malaman kung sino yung soulmate nila.
At kung ano-ano pang pakulo na nagawa natin para masabing “kami na talaga”.
Hindi naman talaga natin kayang i-predict kung ano ang mangyayari, kung kailan ito dadating at kung sino ang mamahalin natin.
Sa pag-ibig, mayroon talagang nakalaan para sa akin, para sayo, para sa ating lahat. Kahit ilang emergency pa ang humarang, kahit ilang bagyo pa ang dumating, o kahit ilang oras pa magtraffic,
kung kayo, edi kayo talaga.
(source: Tumblr)