Chapter 4 (Goodbye)

28 4 3
                                    

Pagkatapos naming magusap ni Brix ay dumeretso nakami sa Campus. Pag dating sa Campus ay agad din kaming naghiwalay, baka kasi mahalata kami ng mga kadorm namin sa school.

*Fast Forward*

After ng class namin tinext ko si Brix para sabihing pauwi na ako.

"Brix pauwi nako. Nasaan kana?"
*Message send to Brix*

*One message received*

"Sige mauna kana, susunod nalang ako" Reply niya sakin.

"Ahsige. Umuwi ka agad, wag kang papagabi"
*Message send to Brix*

Nung sinabi ni Brix na mauna nadaw ako, sinunod ko naman siya. Umuwi ako agad sa dorm.

Pag dating ko sa dorm dumeretso agad ako sa kwarto ni JM(Jae) para kamustahin siya.

*I Knock the door*

"Jae" Tawag ko sakanya.

Pero walang sumasagot kaya kumatok ako ulit at tinawag siya.

"Jae? Nandyan kaba." Sabi ko habang kinakatok ang pinto niya, pero wala talagang sumasagot.

"Baka nasa school pa siya, o kaya pauwi palang" Sabi ko sa sarili ko at umalis nalang ako at pumunta na sa kwarto ko.

7:30pm na pero wala parin akong natatanggap na text mula kay Brix, o kahit kanino man.

Tinitext ko si Brix pero hindi siya nagrereply. Hindi niya rin sinasagot yung mga tawag ko.- Gusto ko siyang puntahan pero bawal. Hayyyy.- Namimiss kuna siya.-

Nabobored ako kaya kinuha ko yung headset at ipad ko at nagpa music nalang.

Habang nag music ako hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

*11:11pm. Nagising ako*

"Hmmmpppffftt." Napagising ako bigla dahil sa lakas ng music na pinapakinggan ko, at narealize ko na nakatulog na pala ako.-

Oh my gosh! Nabigla ako ng makita ko yung phone ko.

143 Messages.
69 Miscalled.

At ang lahat ng yun ay galing lahat kay brix.

Pero may isang text message na hindi galing kay Brix. At kaka received ko palang nito.

Nang makita ko yung pangalan kung kanino galing, nagulat ako bigla lalo na nung nabasa kuna yung text niya.

"Handa naba kayo.? Ang susunod na laro ay magsisimula na. Ang may hawak ng "2 of Spade" ay maglalaho na. Pero maliligtas niyo siya, pero kailangan niyo munang sagutin ang isang palaisipan. Kung may lakas kayo ng loob para iligtas siya, pumunta kayo sa budega, sa may ibaba. Nandun ang isang kahon na may kasamang tanong. Hihintayin ko kayo" -King♚

Nang mabasa ko yun ay bigla akong natakot at kinabahan. Ewan kuba pero parang may mali. Bumibilis ang tibok ng puso ko.

Pero hindi ako dapat matakot, kailangan kong kumilos para walang mamatay. Kaya naglakas ako ng loob at bumaba ako papunta sa budega, pero bago ako pumasok tinawagan ko muna si Brix.

*Calling Brix Quiazon*

*Did not answer*

5 beses ko siyang tinawagan pero hindi niya sinasagot. Kaya tinext ko nalang siya.

"Brix nasa budega ako ngayon. Nareceive ko yung text ni King kaya naglakas ako ng loob para tulungan yung susunod na biktima. Tawagan moko pag nabasa mo agad itong text ko."
*Message send to Brix*

Pagkatapos kung I text si Brix, pumasok na agad ako budega.

Ang dilim wala akong makita, kaya in open ko yung flashlight ng phone ko.

"Card Games" (BecauseOfLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon