After ng pagkamatay ni Brix ay parang nawalan na ako ng gana pang mabuhay. Sakanila lang naman kasi ni Wilbert ako kumukuha ng lakas ng loob e, oh ngayong wala na sila, para saan pa at nabubuhay pa ako.
*One message received*
"Kaya mo yan. Be brave" -Elamae.
Nang mabasa ko yung text ni Ela ay napangiti naman ako.
Ang pagkakaalam ko kasi galit pa siya sakin, pero heto siya ngayon pinapalakas yung loob ko.
"Thank you. Pero para saan pa kung wala nadin naman yung mga taong mahal ko." Reply ko sakanya.
"Para saming mga bago mong kaibigan, para sayo at para magawa mo ang tunay mong pakay dito" -Elamae.
Tunay na pakay? Ohmy. Oo nga pala nandito ako para malaman ang totoong nangyayari at kung sino ang pumatay kay Wilbert.
"Oo nga pala. Marami pa akong dapat gawin kaya dapat akong magpakatatag." Reply ko ulit sakanya.
"Sige ganito nalang. Gusto ko maging mag kaibigan tayo. Uunahan nakita, hindi ako ang Queen. Ako ang '10 of Spades'. Kaya please pagkatiwalan muna ako at matulungan tayo" -Elamae.
'10 of Spades'? Totoo ba to. Mauuna akong mamamatay kesa sakanya. Pero dapat ba akong magtiwala sakanya.-
Bahala na. Kailangan ko ng kakampi ngayon.
"Sige makikipag tulungan ako sayo pero sa isang kundisyon." Text ko sakanya.
"Ano yun?" -Elamae.
"Diba matagal kana dito? At nakasali kadin sa unang laro nung buhay pa si Wilbert at siya pa ang King at nung 'Red of Heart' pa ang ginamit nila." Tanong ko sakanya.
"Oo. At alam ko ang lahat ng nangyari, pati narin ang pagkamatay ni Wilbert" -Elamae.
"Totoo? Sige eto yung kondisyon ko. Gusto kong ikwento mo sakin lahat, lahat-lahat ng nangyari" Reply ko sakanya.
Tutal alam niya pala lahat oh edi sabihin niya lahat sakin ng nalalaman.
"Osige. Sasabihin ko sayo lahat ng nalalaman ko. Simulan natin sa pagpasok ni Wilbert. Nung unang pumasok siya dito ay okay pa naman siya, masayahin at palabiro. Isa nga siya sa mga joker namin dito nun e. Pero isang araw napansin nalang namin siya na parang walang gana, tahimik, mainitin ang ulo at hindi namamansin. Ang laki na ng pinagbago niya, pero ang mas nagulat kami nun nung pinatawag niya kaming lahat. Nasa sala kami nun at nakaupo. At katabi ko siya, napatingin ako sa kamay niya dahil may hawak siyang 'Deck of Cards'. Tapos bigla siyang nagsalita, ang sabi niya 'Maglalaro tayo, at gusto ko lahat tayo ay kasali' Nung pagkasabi niya nun ay nagtinginan kaming lahat. Pumayag naman kaming lahat kasi akala namin ay simpleng laro lang. Pero nung sinabi na niya kung ano ang lalaruin namin ay nagulat kaming lahat. Madaming tumutol at ayaw sumali pero sabi ni Wilbert, pag hindi kami sumali siya mismo ang papatay samin. Kaya no choice at sumali nakaming lahat. Kinuha niya yung 'Red of Hearts' sa 'Deck of Cards' at nilagay sa mesa. Pinakuha niya kami isa isa at yung natira ay sakanya. At sinabi niya samin ang Mechanics ng laro. Kung nakanino ang 'King of Heart' ay siya ang papatay. Ang nakakuha ng 'Queen of Heart' ay siyang magiimbestiga kung sino ang may hawak ng lahat ng baraha at pati narin ang mga sikreto nito, at kapag nalaman na niya ang pagkasunod sunod nila ay magsisimula ng papatay si King. At ang Jack, ang jack ang hahanap sa King at Queen at kapag nalaman niya kung sino ang King at Queen ay dapat maunahan niya itong patayin dahil kung hindi niya mapatay ang Dalawa. May chance na mamatay ang Jack at ang A-10 na mamatay. Takot na takot ako nun kasi hawak ko ang '3 of Hearts' baka kasi mamatay ko nun.- Isang gabi nasa kwarto ako at biglang may nagtext. 'Handa naba kayong maglaro?' Nung na received ko yun ay bigla akong natakot, sino kaya ang unang mamamatay samin. Bigla namang namatay ang ilaw at nakarinig ako ng sigawan sa labas ng kwarto ko, nandun lang ako sa kama at umiiyak, natatakot ako e takot na takot. Bigla namang bumukas ulit yung ilaw, at nung pakabukas nito ay tumakbo ako agad papunta sa labas para malaman kung anong nangyari. Pero bigla lang akong natulala. Nakita ko si Wilbert at si Franz na duguan. At satingin ko ay nagaway silang dalawa at tinangka nilang patayin ang isat isa. Lumabas naman ang iba kong kasama at nilapitan sila. Pero wala ng buhay si Wilbert, patay na siya. At si Franz ay humihinga pa. Nagsalita siya at sinabi niya na si Wilbert ang King at nung nalaman ni Wilbert na susubukan siyang patayin ni Franz ay nalaman daw agad ni Wilbert ito, kaya ayun nagpang abot sila. May sasabihin pa sana si Franz nun pero nawalan na siya ng malay at pulso. Si Wilbert ang King at si Franz ang Jack. Pagkatapos ng gabing yun ay tahimik ang lahat, wala kaming kibo lahat. Akala ko nung pagkamatay nila ay kasabay din na natapos ang laro. Pero nagkamali ako. Dahil sa sobrang galit at sama ng loob ng mga kaibigan ni Franz, itinuloy nila ang laro, pero iba na ang barahang ginamit nila. 'Black of Spades' na ang ginamit nila. Kaya nga nagiba na yung baraha ko. At heto tayo ngayon nagdurusa sa larong ito. Ngayong alam muna lahat. May tiwala kana ba sakin?" -Elamae.
Ganon pala yung nangyari. Oh Wilbert why did you do that. Ikaw pala talaga ang punot dulo ng lahat. Ngayong alam kuna lahat baka sakaling maresolba kupa ito.
"Ela maraming salamat sayo. Wag kang magalala may tiwala na ako sayo" Reply ko sakanya.
"Maraming salamat din. Osige na matulog kana. Umaga na pero gising ka padin" -Elamae.
Oo nga pala.- Wala pa akong tulog buhat ng mamatay si Brix.
"Osige. Tutal wala namang pasok, itutulog ko nalang muna ito." Text ko sakanya.
"Sige" -Elamae.
Pero bago ako natulog tinext ko muna ang lahat kay tita manilyn. Para alam niya ang totoong nangyari kay Wilbert.
Hindi kuna hinintay yung reply niya at natulog na ako.
BINABASA MO ANG
"Card Games" (BecauseOfLove)
Mistério / SuspenseKapag nasaktan ka, kahit ano nalang maiisipan mong gawin para maka move on kalang. Kahit Buhay pa ng ibang tao ang kapalit.