Chapter Six

866 31 14
                                    

"Sarah, anak nandito ka pala," wika ni delfin na kagigising lang pagkatapos ng mahabang pagtulog kasunod ng operasyon.

Lumapit si sarah sa ama at hinalikan sa noo at niyapos.

"Daddy, mabuti naman po at nagising na kayo, pinagalala nyo po kaming lahat at syempre naman po nandito ako, saan pa ba ako pupunta kundi sa napakagwapo kong daddy." Sabay ang tawa at luha ni sarah habang hawak ang kamay ng ama.

"Aalagaan kita at ako magiging nurse mo, at magpagaling ka kaagad ha daddy para makalaro mo na ang kambal, miss na miss ka na nila." Yakap ulit ni sarah sa ama.

Naging successful naman ang operasyon ng ama ni sarah at pagkatapos ng isang linggo ay na discharge na rin ito at naka uwi na sa bahay. Ang laki ng pasasalamat ng lahat dahil unti unti ng gumagaling si Delfin. Ngayon ang kailangan na lang ni daddy delfin ay therapy para bumalik ang kanyang dating lakas.

Si sarah naman ay tinupad ang pangako na alagaan ang ama, tuwang tuwa naman ito dahil na miss din nya ang kanyang prinsesa at ang dalawang apo.

Wala namang naging problema si sarah except na paminsan minsan ay may nag hihintay na reporter sa kanya sa harapan ng hospital para sya ay ma interview. Hindi naman nya ito pinauunlakan.

Minsan din ay pakiramdam nya na may laging nakatingin sa kanya pero wala naman siyang nakikita, naisip nya siguro mga reporters lang iyon kaya binale wala na lang niya.

******************************

"Anak bakit hindi kayo mamasyal ng mga bata sa labas, hindi yung palagi na lang kayong nakaburo dito sa bahay." wika ni delfin sa anak na si sarah habang sila ay naka upo sa sofa sa kanilang sala.

"Eh dad kaya nga kami nandito eh para alagaan kayo di ba." katwiran naman ni sarah sa ama.

"Alam ko yun pero hindi naman pwede na all the time ay nandito lang kayo sa bahay, lalo na yung mga apo ko, maski kalaro nila ang kanilang mga pinsan eh hindi pa rin sapat yun. Kailangan nilang mamasyal sa labas, hindi pa nila nakikita ang pilipinas hindi ba ?"

"Nakakalabas naman po sila kasama sila Rob and Gab, minsan sina mommy at syempre sila ate, hindi nga lang ako makasama kasi im sure may makakakilala sa akin at pagtsitsismisan pa pati mga bata." Malungkot na sabi ni sarah.

"Anak hindi habang buhay na magtatago ka at maitatago mo ang mga anak mo."

"Alam ko naman yun dad, kung ako lang sana okay lang ako pero inaalala ko si colin at sophie, tiyak na magugulo ang buhay nila." katwiran ni sarah sa ama.

"Kaya nga eh, sa palagay ko ay wala ka namang choice eh , hindi ka naman nila titigilan dito unless aalis kayo ulit at bumalik sa new zealand para doon na manirahan. Ang ibig kong sabihin ay kung dito ka titira sa pilipinas tiyak na pag uusapan ka at ang mga apo ko, hindi mo naman pwedeng itago sila hanggang malaki na sila. Basta pag isipan mong mabuti, kung sa doon ba or dito kayo titira, isipin mo ang makakabuti sa iyo at sa mga bata, at kung media lang ang iniisip mo, nandito naman tayong lahat para protektahan sila."Seryosong pangaral ni delfin sa anak.

"Thank you daddy, pag iisipan ko talaga ng mabuti yan."

"At isa pa nga pala anak, may isa pang dapat ikunsidera, alam kong ayaw mong pag usapan pero para din ito sa mga bata, dahil kahit ano gawin mo kailangan sya ng mga anak mo."

Nagkatinginan ng mabuti ang mag-ama.

*******************************

"SSSSIIIIISSSS !"

"SSSAAARRRSSS !"

"SHIN, YENGGAY ! "

"Kumusta na kayo, miss na miss ko na kayo," sabi ni sarah sa mga kaibigan sabay yakap at halik sa mga ito,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One More TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon