Chapter Five

770 29 6
                                    

Hindi niya namalayan na nakarating na siya sa lugar na ito. Ilang oras na ang nakakaraan ng umalis ang kanyang mga bisita sa bahay at naiwan sya sa bahay na nagiisa. Nagmumuni muni sya sa likod ng kanilang bahay at pinipilit na pakalmahin ang sarili at ipaintindi sa kanyang utak at puso na dumating na ang taong pinakahihintay nya, pinananabikan at higit sa lahat pinakamamahal niya. Hindi niya namalayan na lumabas na siya ng bahay at sumakay sa kanyang kotse na hindi alam kung saan pupunta. Natagpuan na lang niya ang sarili na nagpunta sa lugar na ito. Nagbabakasakali na makita ang matagal na niyang hinihintay.

Dito sa Hospital, dito nagpunta si gerald. Hindi napigilan ang sarili na pumunta sa ospital para makita nya si Sarah. Hindi nga siya nagkamali, nakita nga niya ito na nagkalakad sa hallway.

Nagtago muna siya dahil alam nyang hindi pa panahon para mag kita sila. Kadarating lang ni sarah at alam nyang maraming iniisip ito ngayon.

'Oh my God, babe, i missed you so much, ang ganda ganda mo pa din, i wish i can hold you right now,' ito ang nasa isip ni Gerald habang tinititigan ang mukha ni Sarah.

Kung gaano siya kaligaya at nakita nya ulit ang dalaga ay ganun din kasakit na makita itong may kasamang ibang lalaki.

Mukhang close na close ang dalawa sa isat isa. Kitang kita nya ang pag akbay ng lalaki kay sarah at si sarah din naman ay may pag ka sweet din sa lalaki. Napakaganda ng mga ngiti nito sa lalaki habang nagyayapusan paminsan minsan.

Nakaramdam si gerald ng halong galit, selos at hinayang. Hindi nya na makayang tignan ang dalawa kaya napagpasyahan ng umalis na at baka may makakita pa sa kanya.

********************

"What are you looking at Yaki ?" Tanong ni Rob kay sarah.

"Nothing, i thought i saw somebody i know." sagot naman ni sarah.

Kanina pa si Sarah parang hindi mapakali, magmula ng bumalik sila dito sa ospital at naghihintay ng elevator, ay para bang pakiramdam niya ay may palaging nakatingin sa kanya.

Kanina ay may nakita siyang isang lalaki na nakatayo sa isang sulok na parang pamilyar ang itsura sa kanya. Sa palagay nya ay nakatingin ito sa kanya. Pumikit sya sandali at binalikan ng tingin pero wala ng tao duon.

'Namamalikta mata lang ako siguro.' Ang nasa isip nya, at hindi pinansin pa.

*********************

Nasa pribadong kwarto ang mag iinang Divine, Shine, Johna at Sarah, kasama din nila si Rob. Kakatapos lang nilang mag rosaryo at magdasal at kasalukuyang nasa operasyon si Delfin.

Habang hinihintay matapos ang operasyon ay nagpahinga muna at humiga si shine at johna. Pinilit din ni Sarah na paidlipin ng konti si Rob, alam kasi nito na pagod na rin ito.

Nagusap naman ng mahina ang mag ina sa isang sulok ng kwarto para hindi makaistorbo sa mga nagpapahinga.

"Anak, boyfriend mo na ba yang si Rob ?" Tanong nya kay sarah habang nakatingin sa direksiyon ni Rob.

"Mommy naman." sabi naman ni sarah sa ina.

"Anong mommy naman, tinatanong ko lang kasi obvious naman na may gusto sa yo eh."

"Nako mommy hindi po, bestfriends lang po talaga kami."

"Kung sa iyo best friends lang , sa palagay ko sa kanya hindi, nararamdaman ko na may lihim na pagtingin nyan sa yo."

"Nako mommy mabait lang talaga yan noh."

"Well anyway, talaga namang mabait sya at talagang very supportive sayo at mahal pa nya ang mga apo ko."

"Mommy tama na nga yan."

"Sinasabi ko lang sarah, na okay lang sa akin si Rob kung sakasakali."

"Wala pa po sa isip ko yang bagay na yan, marami pa akong kailangan pag desisyunan bago ako mag isip ng mga ganyang bagay."

"Eh ngayong nandito ka na, balak mo bang mag stay or babalik ka pa sa new zealand."

"Pag iisipan ko pa pong mabuti yan, parang gusto ko muna ienjoy na magkakasama tayong lahat dito ngayon, sobra ko po kayong namiss. Maski nag kikita kita tayo paminsan minsan, iba pa rin yung malapit lang sa isat isa." sabi ni sarah na sabay yakap sa ina.

"At gusto ko din pong alagaan si daddy at mas maging close sa pamilya natin especially sa mga pamangkin ko, lumalaki na silang wala ako sa tabi nila, at kailangan din ng kambal ko ang mga pinsan nila." dagdag ni sarah.

"Speaking ng kambal, ang laki na nila, talagang ang bilis ng panahon, ang ku cute nila."

"Oo nga mommy eh, naalala ko tuloy nung ipinanganak ko sila."

*****Flashback Starts*****

"Aaahhh, ang sakit sakit mommy," wika ni Sarah habang humihilab ang tyan.

"Kaya mo yan anak, just do your breathing exercises," sabi naman ng nanay ni sarah na si divine.

Nasa isang ospital sila sa new zealand dahil manganganak si sarah. Nahihirapan sya sa mga contractions na nararamdaman.

Dalawang oras na din syang in labor at pagod na pagod na. Buti na lang dumating ang kanyang mga magulang para sya ay samahan sa kanyang panganganak.

Pagkatapos ulit ng tatlo pang oras na napaka hirap na labor ay nanganak na nga si Sarah.

Kasalukuyang namamahinga si Sarah at ang kanyang Mommy Divine at Daddy Delfin sa kanyang pribadong kwarto.

Nakita nya ang ama na nakatulog na sa maliit na sofa at ang mommy naman nya ay nakaupo sa silya na malapit sa kama niya na nagbabasa na magazine.

"Mommy" sabi ni sarah.

"Sarah, may kailangan ka ba ? May masakit ba sa yo ?." Tanong ng ina na tumayo sa upuan at lumapit sa kanya.

"Wala naman mommy," hinawakan ni sarah ang kamay ng ina inilagay sa kanyang dibdib.

"Mommy, thank you ulit sa lahat ha, hanggang ngayon nandyan pa din kayo para sa akin. Alam kong na disappoint kayo dahil nagbuntis ako ng wala sa panahon, sinira ko ang tiwala na binigay nyo sa akin. Sorry talaga ha, my. Sobra talaga pasalamat ko kay God na kayo ang binigay nilang magulang sa akin dahil kahit na anong nagawa kong mali ay mahal niyo pa rin ako at nararamdaman kong buo ang suporta niyo sa akin." Bigkas ni sarah na puno ng emosyon habang napapahikbi sa iyak.

Puro naman yapos at halik sa ulo at mukha si Divine sa anak. "Anak, talagang ganuon yun, ikaw ay anak ko, namin ng daddy mo at mahal na mahal ka namin higit pa sa aming mga buhay, wala kang kayang gawin para tumigil kami ng pagmamahal sa iyo. Lagi naming pipilitin ni unawain ka kahit gaano kahirap dahil ikaw ay sobrang halaga sa amin. At ngayon anak, isa ka ng ina, napakasaya ko para sa iyo dahil mararamdaman mo na ang feeling ng isang ina. Isa ito sa pinakamahalagang katungkulan sa mundong ito. Ang maging nanay mo at ng mga kapatid mo ang pinaka magmamalaki ko sa buong mundo."

*****Flashback Ends*****

"Anak ano nga pala ang balak mong gawin tungkol sa mga bata ? Kaylan mo sasabihin sa ....," hindi na natapos nang kanyang ina ang tanong dahil biglang.

"Excuse me po ."

Naputol ang usapan nilang mag -ina at hindi na nakasagot si sarah at napatingin sa nagsalita na nurse.

"Ma'am, tapos na po yung operasyon at papunta na po yung doctor dito." Wika ng babaeng nurse.

"Maraming salamat, miss nurse." Sabi naman ni divine.

"Hay salamat at nakaraos ang ama nyo sa operasyon , i hope okay lang ang lahat at maka recover sya ng maayos." Sabi ni divine na may halong saya at kaba na makikita sa mukha nito.

<end of chapter>

One More TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon