Chapter One

2.4K 29 7
  • Dedicated kay all ashralds
                                    

"Mommy, what's wrong ? Bakit po ganyan ang boses niyo, parang nanginginig ?", sabi ni Sarah sa ina habang kausap sa telepono.

"Anak kasi nandito kami sa ospital ngayon, na stroke kasi ang daddy mo," hindi pa natatapos ang sasabihin ni Divine sa anak ay napahagulgol na si Sarah.

"Sarah, huminahon ka at baka naman kung ano mangyari sa yo dyan."

"Sorry po my, ano po ba talaga nangyari kay daddy at nagkaganyan siya," tanong niya sa ina.

"Okay naman siya kaninang umaga, nagsa shopping pa nga kami sa grocery store tapos during lunch time sumakit ang ulo niya so umuwi na kami at nang makapag pahinga, nakatulog naman siya pero pagkagising na nung hapon eh nagsusuka at parang nawawalan ng malay kaya dinala naman sa ospital agad. Ang sabi ng mga doctor eh na stroke daw, may nabuo daw na blood clot sa arteries na nagsusupply ng oxygen sa brain," mahabang explanasyon ng ina.

"Ngayon ay may ibinibigay sa kanyang gamot pero kailangan daw operahan sa lalong madaling panahon, pag pray mo ang daddy mo para maka recover sya ng mabilis," patuloy ng ina habang humihikbi dahil sa pag iiyak.

"Syempre naman mommy, lagi ko naman kayong pinag papray, miss na miss ko na kayong lahat, last time na nagkita kita tayo was 6 months ago. Gusto kong umuwi dyan, my, gusto kong makita si daddy," sabi ni Sarah sa ina.

"Sigurado ka ba diyan anak, kaya mo na bang bumalik ? Kung kami ang inaalala mo dito ay okay lang, kasi at least madami kami dito. Nandyan ang mga ate mo at mga bayaw mo, kasama na si Gab at mga pamangkin mo."

"Pero mommy, gusto ko din na nandyan ako karamay nyo," pa ngumbinsi sa ina.

"Ikaw lang kasi inaalala ko dahil 3 years ka ng wala dito, kaya mo na bang harapin ang lahat? kaya mo na ba syang harapin ?"

"Hindi ko alam mommy pero ang importante ay makasama ko kayo lalong lalo na si daddy, gusto ko syang alagaan. Baka siguro ito na yung time na ituwid ang lahat."

"Ikaw ang bahala, Sarah, malaki ka na , ikaw lang ang makakapag desisyon nyan."

"O sige na mommy, basta take it easy ka lang dyan ha, i kiss mo ako kay daddy at syempre sa mga kapatid ko, i will be there tomorrow at tawagan mo ako ha kung ano pang developments, i love you, bye." paalam ni Sarah sa ina.

"I love you too, anak, ingat ka."

Pag kababa ng telepono ay diretso si Sarah sa kwarto nya at kinuha ang kanyang rosaryo at patuloy na nagdasal para sa kaligtasan ng ama at katatagan ng loob para sa kanyang pamilya.

**********

"Bro,alam mo ba na nasa ospital ang tatay ni Sarah ?" tanong ni Fred sa kaibigang si Gerald.

Kasalukayan silang nag iinuman sa bahay nila Gerald kasama ang iba pa nilang barkada.

"Hindi ko alam, wala naman akong balita kahit ano sa kanila eh. Bakit ? ano nangyari at paano mo nalaman ?", balik tanong ni Gerald sa bestfriend.

"Sinamahan ko kasi si mommy sa ospital kanina dinalaw namin yung tita kong inoperahan at tamang tama naman na nakasalubong ko si Shine sa hallway, yung panganay na sister ni Sarah, kaya ayun nabanggit nya na stroke daw si tito delfin."

"Sana maging okay lang siya, may nabanggit ba si ate shine tungkol kay Sarah ? hindi daw ba uuwi para dalawin ang daddy nya ? ang tagal na rin niyang nawala." Bakas sa mukha ni Gerald ang lungkot.

"Wala namang sinabi eh."

Simula nung umalis si Sarah, mga 3 taon na ang nakakaraan ay hindi na ito nagparamdam pa. Kahit na sino ay wala ng alam kung ano ang nangyari sa kanya o saan ito nagpunta. Tanging ang pamilya nya lang ang nakakaalam nito at ibang malapit na kaibigan.

Ang paalam ni Sarah sa lahat nuong siya ay na interview sa TV ay sya muna ay magpapahinga at itutuloy ang kanyang pag-aaral. Subalit alam ng pamilya ni Sarah at ng mga kaibigan kung bakit talaga siya aalis.

Alam din ito ni Gerald, alam na alam niya dahil siya ang dahilan kung bakit biglang napagdesisyunan ng dalaga na umalis na muna.

Nasaktan ito ng sobra sa nangyari sa kanilang relasyon. Nasaktan niya ito ng sobra.

<end of chapter>

A/N

I hope you like this story, i'm not a writer but since i read ashrald fanfics on watty everyday i might as well try.

Feel free to comment or make any suggestions.

Thank you again for reading.

One More TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon