Sa mundong ito, hindi lang ako ang may best friend o may matalik na kaibigan. Nakilala ko siya nung 1st year high school kami. Nag transfer siya ng school dahil kakauwi lang nila galing ibang bansa at dito na sila mag stay for good.
Lagi kaming magkasama noon, pag bibili kami ng bag, ng tshirt o ng mga bagay madalas parehas kami lagi. Kinaiinggitan kami ng marami, ang solid daw kasi ng friendship namin kasi kahit nag college na kami magkasama pa rin daw kami.
Maluwag lang kami sa isa't isa pati ang family namin sa amin. Kaya nakakapag travel kami kung saan saan, nabibili namin kung ano gusto namin. Kung anong meron ang isa, dapat ang isa ay meron din.
Lahat ng ginagawa namin dati ay unti unting nawala. Yung closure parang unti unting lumalabo. Yung oras sa isa't isa unti unting nawala na parang ang dami dami naming ginagawa kaya wala ng oras sa isa't isa.
Lahat ng iyon hindi lang basta basta na wala. Hindi lang lahat ng mga dahilan na iyan ay naging normal lang. Bawat araw pahirap ng pahirap, bawat araw parang gusto ko na lang tumakbo kada may maririnig akong masasamang salita galing sa mga tao. Bawat araw na makikita ko siya, parang nawawalan ako ng gana at para akong nananamlay dahil kusa na lang siyang lalayo sa akin na para bang isa akong virus at baka siya ay mahawa. Bawat araw pasikip ng pasikip ang dibdib ko, para akong sinasakal at parang wala na akong karapatang huminga.
Pag nag dedate ang best friend ko at ang boyfriend niya, hindi pwedeng hindi na ako kasama. Kahit saan sila pumunta lagi akong 3rd wheel dahil hindi pinapayagan si Abi na makipag date pag walang kasama dahil baka kung ano daw ang gawin ng dalawa at yun ang iniiwasan ng mga magulang ni Abi, nung una ay ayaw ni Abi ang laging may nakabuntot sa kaninala dahil wala daw silang time mapag isa at saka wala naman daw silang gagawing masama, pero sa huli wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod. No 3rd wheel, no date yan ng rule na binigay ng Parents ni Abi dahil sakatunayan ay bawal talagang mag boyfriend si Abi.
Habang tumatagal mas nabibigyan ni Abi ng oras at panahon si Kieran, yung tipong pag may usapan kami ay nakakalimutan niya yun, ako. Pag mag kasama kaming tatlo at nag dedate sila, para akong hangin, nararamdaman pero hindi pinagtutuunan ng pansin. Narerealize lang ni Abi na kasama nila ako pag napapansin ako ni Kieran. Tuwing naiiwan ako sa pag lalakad lagi niya akong tinatawag at sumabay daw ako sa lakad nila o kaya binabagalan ni Kieran ang lakad para bumagal din ang lakad ni Abi para makasabay ako.
Pagkakain kami, si Kieran na mismo ang nag tatanong sa akin kung ano ang bibilhin ko dahil laging nakakalimutan ni Abi na kasama nila ako. Laging si Kieran ang nakakaalala sa kanilang dalawa sa akin at lagi niya rin akong tinatanong kung okay lang ako dahil kung minsan talaga ay siguro halata na din na hindi ako okay pag kasama ko silang dalawa.
Okay lang lahat sa akin dahil alam kong gusto talaga ni Abi na mag karoon sila ng time na sila lang talagang dalawa. Iniintindi at naiintindihan ko naman yun kasi pag nasa school naman kami ay okay naman kami ni Abi at lagi naman siyang nag sosorry sa akin, na gusto niya lang daw na mafeel na wala ako, na walang 3rd wheel at doon siya nasanay dahil yun daw ang sinabi sa kanya ni Kieran noong una nilang date.
Habang tumatagal at nag stay strong ang relationship nila ay ang friendship naman namin ang nawawala. Nag papasalamat talaga ako dahil laging nandyan si Kieran para ipaalala na kasama pa nila ako. Siya din ang dahilan sa paggaan ng pakiramdam ko sa tuwing nararamdaman kong hindi ako belong sa kanila.
Nakakatuwa dahil hindi lang siya gwapo at maganda ang pangangatawan, napaka gentleman niyang lalaki at napakabait din.
Sa mga simpleng pag pansin niya sa akin lagi at pag aalala, pag na out of place ako sa date nila ay parang pakiramdam ko ay nahuhulog ako. Unti unting parang nararamdaman ko ng nagugustuhan ko na si Kieran. Hindi ko pinansin iyon hanggang sa tumagal at lumalim yung nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
One Shot Compilation
Ficção AdolescenteIba't ibang angkop ng storyang ang nakapaloob dito. May tungkol sa pag ibig, kaibigan, pamilya at kung anong ma tripan kong plot na one shot. Kayo na po ang humusga at sa po ay suportahan nyo ito at subaybayan ang mga iaapdate ko, Thank You!