2. Mute

156 1 0
                                    

Isa ako sa mga DJ sa Radio Club namin dito sa school. Ang dami ngang nag tataka kasi ang tahi-tahimik ko pag kaharap ko sila personal pero ang daldal ko raw pag na sa harap ko na daw yung microphone.

Iba iba din kasi yung ginagawa namin, minsan nag aannounce ng news, nag babasa ng confessions live, nag interview din kami parang may mga guessing guessing din at syempre nag play kami ng mga songs kadalasan request. Kung ang typical na radio ay about sa ng yayari sa buong bansa o minsan rin ay sa ibang bansa, sa amin ay about lang sa loob at labas ng school.

Kilala ako sa school sa tawag na 'M' 'Ms. M' or 'Mute'. Ganun ako katahimik yung tipong senyas-senyas lang kadalasan minsan nga akala nung iba pipe na ako kasi sobrang dalang ko talaga mag salita yung tipong pag nag salita ako napapasabi silang ng 'Hala nag sasalita ka pala'.

Minsan hindi ko na din alam ang irereact ko, kung mabibwiset ba ako kasi minsan parang lait pero minsan parang opinion lang naman.

Pala ngiti naman ako, makulit din, may mga kaibigan naman ako, actually marami din sila. Hindi naman ako snub one's you approach me naman bibigyan kita ng time ko.

Hindi normal yung pag katahimik ko yung iba kasi since birth tahimik na sila, ako hindi. Back then, when my Mom still alive I'm very talkative yung halos parang nag rap na ako, sobrang energetic ko at bibo akong bata.

Sabi ng Dad at ng Sister ko na trauma daw ako, that's why I can't remember the whole thing.

When I was a kid I'm with my Mom and my Sister sa bahay namin, I'm 8 years old noon, grade 3 at yung Sister ko ay 15 years old noon, 4th year high school.

Ang saya saya daw namin noon ng biglang may pumasok na isang lalaking nakatakip ang muka, naka suot ng all black at may hawak na kutsilyo.

Me and my Sister saw the whole thing, kung pano daw kami iprotect ng Mommy ko, kung pano hatakin ng lalaki yung Mom ko at tutukan ng kutsilyo. Hinihingi daw nung lalaki yung mga pera, jewelrys at mga gadgets na meron sa bahay.

Akala ni Ate nun swerte na kami kasi sa may gilid kami ng book shelf napunta at napindon niya don yung white botton na pang emergency yung parang kusang mag send sa mga police na may ng yaring masama.

Masyado daw mabilis ang mga pangyayari nun. Nang mabigay na nang Mom ko lahat ang hinihingi nung lalaki akala ni Mom okay na, na aalis na yung lalaki at hahayaan na kami pero ng papunta na yung Mom ko sa amin sinaksak nung lalaki yung Mom ko sa likod.

Ilang beses yun at kahit bumaksak na yung Mom ko sa sahig may pahabol pang saksak, dapat nga wala na din kami sa mundong ito dahil after saksakin ng lalaki yung Mom ko dapat kami na ang susunod dahil papalapit na siya sa amin pero biglang dumating yung mga police, naligtas kami pero yung Mom ko hindi, nakita ko daw na nakahandusan sa sahig ang Mommy ko at punong puno ng dugo. Sobrang takot na takot daw ako noon, iyak ng iyak.

Tapos nagulat na lang isang araw yung Dad ko hindi na ako nag sasalita akala nga nila pipe na ako o nabaliw na noon kasi lagi akong tulala tapos tahimik at halos lahat na ginawa nila pero hindi ako nag sasalita at walang imik.

Sabi daw ng doctor non sobrang na trauma daw ako na parang lagi ko daw sinasabi sa sarili ko na kalimutan ko na yung ng yari kaya halos lahat ng nakaraan ko nakalimutan ko kasi parang laging may nag send or nag uutos sa utak ko na kalimutan mo na yun na wag mo na alalahanin.

Kahit ganun daw yung ng yari sa akin pinapasok pa rin daw ako ni Dad sa normal school, I just continue kung ano yung normal thing na ginagawa ko every day pero parang naging ibang tao daw ako parang new me, new version.

Nang maka recover ako sa ng yari unti unti akong nakapag salita ulit pero yung bibong dating ako nawala yun pero minsan medyo na balik naman pero hindi na katulad dati.

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon