1. Confession

352 3 2
                                    

Busy ako ngayon, kaylangan ko pa nga mag paalam sa Prof. ko sa last class ko para lang maasikaso ko yung pinapagawa sakin ng isang Prof. Na head ng college namin para sa pag susukat ng jersey ng mga magiging players sa college namin. Halo halo yun, may babae may lalaki, merong players sa basketball, volleyball, badminton at iba pa.

Pabalik balik ako sa iba ibang room, may kinakausap akong ibang makakatulong ko at iba ibang players.

Isa ako sa mga nag aayos, nag papalista ng pangalan ng mga players, nag papasulat ng number ng jersey at iba pang info na kaylangan.

Ako din yung labas pasok para tawagin yung mga players ng mga courses sa college namin para sa pag sukat. Nakakapagod pero masaya sobra. May mga bagong nakikilala kasi may mga nag tatanong sa aking mga ngayon ko lang nakita, meron ding mga kaibigan mo na makakakwentuhan mo na hindi mo literal na nakakausap palagi.

Kahit sobrang busy ko meron akong napansing babaeng nakatayo ng medyo malayo sa akin at nakatingin lagi sa direction ko. Tinitingnan ko nga kung sino tinitingnan niya pero kada hahanapin ko kung saan siya nakatingin laging nag tatama yung tingin namin.

At first I thought nag kakataon lang o kaya may tinitingnan siya sa may likod ko pero ang weird kasi kada titingin ako sa kanya nag tatama talaga yung tingin niya sa akin at sabay kaming mag iiwan ng tingin. Napapaisip tuloy ako na baka namumukaan niya lang ako o kaya may nag sabi sa kanya na isa ako sa nag aassist at sa akin mag tanong, na baka nahihiya lang siya kaya nakatingin siya sa akin.

Halos one hour na silang nag hihintay, napansin ko din yun dahil palabas labas din ako dun sa room na pinagsusukatan ng jersey. Kung titingnan ay bagot na bagot na siya at medyo naiinis na din.

Gusto ko siya lapitan kaso baka sabihin fc lang ako o breezy lang kaya nag dadalawang isip din ako. Bawat minutong lalabas ako at titingnan kung saan siya nakatayo ay laging wala na siya sa pwesto niya. Palipat lipat siya ng pwesto minsan nakatayo, minsan naman nakaupo.

Umandar ang oras na naging ganun ang sistema. Lalabas ako may kakausapin, papasok mag hihintay, minsan tatawagin ako para utusan, nakikipag kwentuhan, sasagot ng mga tanong at kada lalabas ako hindi ko nakakalimutang igala ang mata ko at hanapin kung saan ang bago niyang pwesto, kung naka tayo ba siya o naka upo.

Lumipas ang dalawang oras at hindi ko pa rin sila natatawag. Lumabas ako saglit para lang sumilip kung nandun pa rin siya o umalis muna dahil sa inip. Tiningnan ko siya sa kinauupuan niya kanina pero pag baling ko ng tingin doon ay wala na siya. Iginala ko ang tingin ko at nakita ko siya malapit sa may staircase pababa. Nang kanina ay tatlo lang silang nag hihintay, ngayon ay higit na sa lima ang kasama niya. Puro sila babae, merong may hawak ng beat box, merong dalawang nag uusap at ang yung isa ay nakikinig, may nag cecellphone lang at siya naman ay mayroong kasama, tumutugtug sila ng gitara at ang isa pa nilang kasama ay kumakanta naman.

Pinag masdan ko lang silang tumugtog, ang graceful lang tingnan, nakakaamaze, hindi ko first time makakita ng babaeng nag gigitara pero ngayon ay parang first time ko lang.

Hanggang sa hindi ko na namalayang nakatitig na ako sa kanya at natauhan na lang ako ng mag salita ang kaibigan ko. "Gree, kanina ka pa hinahanap ni Sir bigla ka kasing nawala." Narinig ko at naintindihan ko ang sinabi niya pero hindi ko maalis ang tingin at pakikinig sa tinutugtog nila.

Tamang tama at saktong sakto ang pag hambas sa beat box. Kahit dalawa ang nag gigitara ay hindi natatabunan ang tunog ng beat box. Hindi ko pa naririnig ang medley na tinutugtog nila, kaya baka ginawa lang nila iyon at ang sarap pakinggan.

Naagaw nila ang pansin ng halos lahat ng nag hihintay. Halos lahat ay nakatingin sa kanila at nakikinig, pati ang mga napapadaan ay napapatingin din at kung minsan ay napapahinto pa.

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon