Chapter 10

4 0 0
                                    


Chapter 10

******
Elly
******


"Hahaha nakita mo yun Bes? Ang epic ng mukha niya!" Sabi ni Sharlotte sa pagitan ng pagtawa niya

"Ang bad mo bes" paano ba naman kasi ay pinagtatawanan niya si Dwayne dahil sa reaksyon niya.

"What? Bagay lang sa kanya 'yon,'no!"

May reporting kasing magaganap sa Humanities namin at by pair iyon. Nag-anunsyo si Ms. Sanchez ng mga magkakapair tapos nang nabunot si Dwayne ay kasama niya iyong isa sa pinakamaingay na kaklase namin.

"Kawawa nga siya eh." Naawa talaga ako sa kanya. Pero mas naaawa ako doon sa babae kasi baka may gawing hindi mabuti si Dwayne sa kanya. Mabilis pa man din mairita iyon.

Naalala ko din noon,napasobra ata ako sa pagkukwento tapos maya maya pa ay umalis ba naman siya! Hindi na siya nakinig sa akin. Napakatopakin niya.

"Duh! Kawawa ka diyan!" Sabi pa ni Sharl nang pinaikot niya iyong mga mata niya. "Bagay lang iyon sa kanya. Napakasungit at suplado kasi. Mabuti nga sa kanya" sabi niya pagkatapos ay tumawa na naman siya.

"Shit!" Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit ko ng bumalik sa upuan si Dwayne.

"Makamura ka naman wagas" sabi ko saka binalik ang ginagawa ko.

"I hate by paring. I can do this by myself actually." Hay naku! Ikaw na matalino.

"Ano ka ba! Para na din yan sa life socialization mo. Para may makasama ka namang iba." Pag-eencourage ko pa.

"Just pair me with someone else not Sharlotte or that girl. Why can't it be you?" Walang preno niyang sinabi habang inaayos din ang bag.

"Sure ka? Ako gusto mo makapares? Hay naku Dwayne! Baka mahila ko pa pababa iyong grade mo,'no! Sisihin mo pa ako."

"I don't mind at all."

Kahit kailan talaga napakastubborn nitong supladong ito! Sa pagkakaalam ko naman sa kasama niya ay mabait tsaka matalino din. Yun nga lang maingay at madaldal.

"Hey. Huwag ka namang ganyan. Pagbigyan mo siya. Baka naman tumatahimik siya kapag ginawa niyo na iyong reporting niyo. Saka isa naman siya sa nagha-high score sa atin. Baka nga mas mapapaganda at mapapadali-"

Hindi talaga maipinta ang itsura niya. Pinaghalong inis at dismaya and makikita sa mukha niya.

"Fine!"he cut me off. "I'll go with her to make you stop talking." Yes! Nanalo na naman ako.

"Thank you!" Binitbit ko na ung bag ko saka nilagay iyong mga libro sa braso ko.

"Bes! Tara na." Anyaya sa akin ni Sharl. Napadako ang tingin niya sa lalaking katabi ko na nakabusangot na naman ang itsura.

Ilang sandali ay bigla nalang siyang napatawa. Baliw talaga itong kaibigan ko!

"What are you laughing at?" Tanong ni Dwayne na salubong ang kilay.

"Condolence." Saka na naman tumawa si Sharlotte pagkatapos sabihin non.

Akma ng magsusuper saiyan si Dwayne kaya hinili ako bigla ni Sharlotte palabas ng pinto. Hindi ko na din tuloy maiwasan ang matawa dahil nong sumulyap ako kay Dwayne ay para talaga siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Hahaha grabe! Ang sarap talagang pagtripan ng supladong iyon!"

Sumilay sa labi ko ang nakakatuksong ngiti "Ikaw ha,napaghahalataan ka na."

"Halla! Sakalin kaya kita? Sinabi ko ng hindi ako magkakagusto sa kanya no!" Sabi niya then she rolled her eyes.

Sadista!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon