Chapter 4

25 0 0
                                    

Chapter 4

*****
ELLY
*****

"Buti nalang nakita ka namin," saad ni Gino. Mabuti nalang nandito siya.

He's in the front sit,beside Mr. Sungit.

"Uy salamat talaga,ah? Akala ko kasi mabubulok ako doon. Wala pang masyadong sasakyan." Sabi ko habang pinapagpag ang damit ko na medyo nabasa, "Saka utang na loob ko ito sa inyo" dugtong ko saka sumulyap sa harap,sa lalaking masungit. "Kahit na hindi niyo ako kilala pero tinulungan niyo pa din ako. Salamat talaga!"

"Elly,right?" Tumango ako nang sumulyap sa harap ko ang mukha ni Gino, "It is not necessary to help people you only know. No worries,my girl."

Nagulat nalang ako ng biglang magpreno so Mr. Sungit. Mabuti nalang nakahanda ako at naisangga ko agad ang braso ko sa upuan ni Gino.

Hanggang ngayon hindi ko pa din siya kilala! Kaya Mr. Sungit nalang itatawag ko sa kanya. Pwede ding Mr. Snob.

"What was that?" Sabi ni Gino na tumitingin sa harap ng windshield. Nagbabasakaling may dumaan na pusa o kung anuman.

"Nothing." Sagot niya.

'Nothing? Kung wala bakit siya nagpreno? Ang weird naman' bulong ko sa isip ko.

Dahan dahan lang ang takbo nitong sasakyan dahil malakas pa din ang ulan. Baka mapano pa kami sa daan.

Nang matanaw ko na iyong lugar na kinatitirikan ng bahay na tinitirhan ko ay ipinatabi ko na iyong sasakyan.

Hindi ko alam kung papaano ako lalabas. Wala akong payong.

Hay! Bahala na nga!

Kinuha ko na iyong mga gamit ko saka aakma na sanang lalabas ng biglang nagsalita si Gino

"Wait. May payong ka ba?" Umiling ako. Ayoko namang magsinungaling matapos ang ipinakita nilang kabutihan.

"Wala eh. Kaya hindi ko alam kung paano ito. Bahala na." I unlocked the door and just when I push it,bigla nalang itong bumukas.

Inaasahan kong matutuluan ako ng tubig pero hindi. Tumingala ako saka ko nakita sa harapan ko ang isang taong may dalang payong at nakalahad ang kaliwang kamay habang ang isang kamay ay nakahawak sa payong.

"Take it." Was all he could say.

Without hesitation,I accept his invitation.

Kahit na Hindi niya ako pinansin kanina nung ako yung nag-aalok.

"Salamat." Saka ko siya nginitian. Kinuha niya sa isang kamay ko iyong gitara at hinatid ako hanggang sa pintuan. "Salamat ulit." Nagbow ako saka tumalikod upang buksan sana ang pintuan nang wala pa akong naririnig na mga yabag palayo sa akin.

Liningun ko ang lalaking nakatayo pa din sa likod ko.

I expected him to walk away.

But why he is still here?

My eyebrows furrowed "Nauuhaw ka ba? Halika. Pasok ka muna."

With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon