The Untitled Story (ft. Ariane Mishy Sevilla)
"Don't jump and fall. I will not be there to catch you even if I'm your sweetest downfall."
______________________________________________
"Geez. Kailan ba siya titigil? Ang sakit niya sa mata ah, infairness!"
Dalawang tao ang tumitingnan sa dalawang taong nasa may dulo lamang ng classroom ng IV- Gabriel. Hindi naman sila inaano, talagang asiwa lang sila sa presensya ng dalawa.
"Ano ka ba! Mabait naman siya, maganda. Sa katunayan, hindi ka nga niya inaano. Ano bang kinagagalit mo jan?"
"WALA! As in WALA! INIS LANG AKO. ANG LANDI E." Nakabusangot na sagot niya rito.
"Alam mo? Insecure ka lang. Kasi siya ang nilalandi ni Marco. Bitter ka lang teh-"
"HINDI AH! Kailan pa ako naging bitter? LECHE! Sipain ko pa siya ah."
Sa may kabilang banda naman, sa may left side ng classroom, nakalaydown ang tatlong lalaki. Nasa iisang column nga lang sila at nakatingin sa dalawang taong nasa may dulo nga ng room nila.
"Bro, kailan kaya ako ang mapapansin niya?" Tanong nung nasa may dulo. Sinagot naman siya nung nasa harapan, "Bro, ang korni mo." Sabay-sabay naman silang natawa. Oo nga naman, sinong hindi matatawa, e kay laki laki nilang tao, nagkakandarapa sila sa iisang babae lang.
"Pero totoo, kailan nga kaya?" Pinagpilitan niya 'to. Well, beside sa kating kati na siyang kausapin ang dalaga, iritado siya dahil kahit kailan di pa alam ng babae ang pangalan niya kahit nasa iisang classroom na nga lang sila.
"Umasa ka pa. Manalangin ka na lang bro. Ako nga hindi rin kilala e."
Sabay namang bumuntong hininga ang dalawa. Totoo nga naman, hindi sila kilala ng dalaga. Paano makikilala e, hindi nagpapakilala?
"Buti na lang talaga kilala niya ako." Napatingin tuloy ang dalawa sa lalaking nasa gitna nila. "ANG SWERTE MO TALAGA BRO! BUTI KA PA!" Sabay suntok nilang dalawa sa may balikat niya.
"Wala e, gwapo!" Pagmamalaki niyang sagot.
"Iniwan naman." Sabay nilang sabi. Napapikit tuloy yung nasa gitna. Hindi niya kasi tanggap na iniwan nga siya ng dalaga. Ilang linggo nga ba sila naging mag-"kaibigan"? Dalawa? Well, 2 fckin weeks pero sa loob nu'n nasa heaven siya.
"Tss. Ipaalala pa. Atleast ako, kilala. Kayo? Kailan pa?" Nakangising tanong na napasuntok na lang yung nasa dulo sa may armchair niya.
"DAMN!" Kating-kati na nga siya na makausap ang dalaga. Sino bang hindi, diba? Ilang taon din niyang pinagmamasdan 'to tapos... hindi pala siya kilala. Nasa may C Section pa nga siya no'n. Pinag-igi niyang mabuti para lang mapunta sa A Section tapos yun nga.. Di pa rin napapansin ang presensya ng lalaki. Kawawa.
July 23. Tuesday. Naghihintay ang buong IV-Gabriel sa teacher nilang si Mr. Cruz. Economics teacher nila. Lahat may kani-kanilang ginagawa. May nagsusuklay, nagdadaldalan, chikahan ng mga tsismosa't tsismoso, mga lalaking nag-e-emo, naglalaro ng basketball, tumutugtog ng gitara, nagbabasa ng Everyday ni David Levithan na libro, kinakalikot ang cellphone, mga natutulog, kumakain, gumagawa ng reports para sa physics, may nagfefeeling president, nanghihinging ng piso sa iba't-ibang makikitang dadaan sa may pintuan, isang lalaking nakapalumbaba habang tinitingnan ang makapal na libro ng 'The Complete Sherlock Holmes' ni Arthur Conan Doyle and the list goes on... At syempre may dalawang taong nag 'lalampungan' sa may dulo ng klasrum.
BINABASA MO ANG
The Untitled Story
Teen Fiction"...I'm not your sweetest downfall." Paano kung ang babae ang paasa? At lalaki ang umaasa. Reciprocal my ass! Hindi naman kasi niya forte ang love e, kaya hindi yun ang hinihingi niya. She wants friendship. But is there someone who's willing to catc...