*KRINGGGGGG* *KRINGGGGG*
Pagkabell diretso ako tumayo at lumabas.Nagulat nga sila eh,bakit daw ang bilis kong umalis ng classroom.
Pagkalabas ko hinabol ako ni Icah.
"Huy!"tawag niya sa akin.
"Huy! Anong nangyayari sa'yo?"tawag sa akin ni Icah.
"Abbbbyyyy!"sigaw niya. Galit na ata siya sa akin di ko kasi pinansin.
Paglingon ko nakataas yung kilay niya at napakamewang.
"Ano bang nangyayari sa'yo Abby?"galit nga siya.
"Uh-uh" ano nga ba nangyayari sa akin? Dahil ba ngayon ka lang nakatabi ng ganong kagwapong guy Abby?.Nakatayo lang si Icah doon,mukhang nag-aantay siya ng susunod kong sasabihin.
"Kasi Icah.."
Wala pa rin siyang kibo,mukhang seryoso siya.
"Ok ka-kasi naiihinaakopwedebangmag-crmuna!"mabilis kong sabi.
"Uh I see"sabi niya tapos tumalikod na siya at bumalik sa classroom.
Sorry talaga Icah nasabi ko iyon.First time kong magsinungaling sa kanya.Baliw ka talaga Abby bestfriend mo di mo pinagkakatiwalaan.
Saan kaya ako didiretso ngayon? Baliw kasi ako eh.
Sa di inaasahan pumunta na lang ako sa C.R at naghugas ng kamay pati mukha.Kung ano ang sinabi ko kay Icah kanina ay naging totoo kaya napa-ihi na rin ako.
Haay worth it naman ang pagsisinungaling ko kay Icah.Alam niyo ang ibig kong sabihin?...hay meaning non di na ako nagsisisnunggaling hehe ...ang saya.
xxxxxxxx
Pagkatapos ko mag-cr ay dumiretso naman ako sa canteen.Bumili ako ng paborito kong siomai-sarap kasi.
Hinanap ng mata ko yung nawawala kong bestfriend.Asan na kaya yun?
Naglakad-lakad ako para hanapin siya ,bitbit-bitbit ng kamay ko yung siomai.Kada limang lakad subo.Nabibilang ko na nga yung pag-apak ko sa sahig.Baliw na talaga ako.
Ano ba'yan iisa na lang tapos di ko pa rin siya nakikita.Hay pasensya Icah mamayang lunch na lang tayo magsabay.Sinubo ko na yung isang natitirang siomai,medyo mas malaki yun kaya yun ang inihuli ko.Nagmukha tuloy akong may beke.Maya-maya may biglang nag-flash.
"Uy!"napanguso ako.
Nagulat na lang ako ng makita ko si ano....si-
"Blaze!?"napasigaw kong sabi.
May hawak siyang camera at -at teka! Huwag niyang sabihing pi-pinicturan niya ako?!
Oh-my-Goddess! Pinicturan niya ako? kilig ako pero kapalmuks ko para mag-assume.
"Ba-bakit mo ko pinictur-an?"Oh my goddess nauutal ako.
"Are you kidding me?"sabi niya ng seryoso habang naka-kunot noo.Wow*tulo dugo sa ilong*
"Di-di ba pinicturan mo ako?"siomai nauutal ako.
"Don't dream"makahulugan niyang sabi.OUCH!
Lumakad siya paalis at patuloy kumukuha ng picture.Ambisyosang palaka pala ako e noh? sa magiging project pala namin yon sa 1st qtr.Haay galing talaga ng first day may project na agad binigay.Pero atleast para mapaghandaan namin.Tsk buti pa si Blaze ang sipag sobrang aga gumawa.
Pero teka! napicturan niya ako.Sa pagkabaliw ko nakalimutan kong-
"Blaze! Wait teka! yung"Ay~wa-wala na siya.Ambilis naman niya.
Yung picture ko di niya naidelete......... (つ﹏<。)
XXXXXX
Natapos na ang recess at resume na ng third subject.Naman! reklamadora talaga.
Kapag nasa gitna nila ako palagi feeling ko hindi ako komportable.Malamang hindi talaga.Kapag kaharap ko si Jayzhel natitibo ako pero kapag si Blaze naman sobrang pusong babae ako.Huhu anong gender ko ba?
"Kuya pakibilisan!"bulong ni Jayzhel.Natauhan tuloy ako sa pag-iisip-isip ko.Tiningnan ko ang reaksyon ni Blaze sa sinabi ng kapatid niya pero wala epek eh,todo sulat pa rin.Ni isa sa pagkukulit ni Jayzhel dinededma lang.
"Kuya naman eh"halatang naiiretang sabi ni Jayzhel.Teka nga pala.....Bakit kaya kuya ang tawag niya kay Blaze? wala curious ako eh.
Baka naman mas naunang lumabas si Blaze.Pwede..............Wow ah! tanong ko pero ako rin simagot.Haha galing ko naman.Ngayon ko lang nalaman na dalawa na pala ang utak ko.
"Kuya bi-"
"Oh!"nakakunot-noo niyang bigay kay Jayzhel tsaka nagpasa ng papel sa teachers table.
"Salamat"malambing niyang tugon.
"Kailangan mo pala ng ballpen sana sa akin ka na lang humiram"
"Ha? ah eto ba? akin toh.Nakalimutan kasi ni Blaze yung ballpen niya kaya sa akin siya humiram"sabi niya ng nakangiti.Bakit napakamo ng mukha niya? ang sarap sa pakiramdam."salamat sa pag-alok mo ah"
"A-e di mo naman nahiram kaya di mo na kailangan magpasalamat"sinuklian ko din siya ng ngiti.
"Ah ganon ba,okay!"masaya niyang sabi.
Bumalik na sa upuan niya si Blaze.Sinamaan niya ako ng tingin nang tumingin ako sa kanya.
: P *Bleh* akala niya ah.
"Abby!"Bigla na lang akong kinalabit ng babae sa likuran ko kaya napalingon ako.
"Bakit?"pabulong kong tugon.
"Pwedeng favor?"nakapout niyang sabi.
"Pwedeng malaman muna?"
Inabot siya sa akin yung papel na nakatupi kaya ako naman bubuksan ko sana ng-
"Huwag!"natarantang bulong niya.
"Ano bang gagawin ko dito?"
Ngumnguso-nguso siyang magturo.
"Sino?"pag-uulit ko.
Tinuro naman niya yung katabi ko.
Si-siya?? Yah no way!
"What?! Ayoko nga"
"Please"pagmamakaawa niya.
"A-Y-O-K-O"saka ako tumalikod.
Kinalabit niya ulit ako.
"Pssh"pagsisista ko.
"Sige di kita ililibre mamaya ng siomai"bulong niya.
Tinakam naman ako sa sinabi niya.
Wait pa'no niya nalaman??
Speaking of siomai......bakit yun pa?
Nag-isip-isip ako saka bumaling sa kanya.
"Okay.....Deal basta mamaya ah"Huhu na dis.Nahulog ako sa patibong niya.Siomai kasi eh alam naman ng lahat na paborito ko yun.
"Promise"abot langit niyang ngiti habang nakapanatang makabayan.
Kinuha ko ulit yung binigayniyang papel. Humahanap ako ng paraan na hindi ako makikita ni Ma'am na nagtuturo ngayon at ni Jayzhel na nagsusulat ngayon.
Anong gagawin ko? Sasbog puso ko nito eh.
Habang linalapag ko sa tabi ni Blaze yung papel tumtingin-tingin muna ako sa paligid ko.Buti na lang pinakamalapit kami sa likod.
Sa wakas nabigay ko ri-
"Miss Mendez give me that paper right now!"
SI-SI MA'AM! PATAY!

BINABASA MO ANG
Dreaming of You
Teen FictionSometimes, what you dream is what you encounter and sometimes dream lead us to reality. At ng lumingon ako............ "Ay kabayo!"muntikan ng malaglag ang puso ko sa gulat. Sinamaan niya ako ng tingin saka may dinampot sa bulsa at binigay yung love...