Matapos ng event ay agad ako dumiretso ng room kung saan ako nagbihis kanina. Pinayagan ako gumamit ng comfort room para makaligo. Nanlalagkit na kasi ako sa mga kaek-ekan dito sa costume ko. Aaminin kong maganda siya at hindi man lang ako nakapagselfie sa itsura kong ito pero kailangan ko na talaga maligo dahil hindi na ako kumportable.
Umabot ako ng dalawampu't-lima sa pagligo. Matagal ba? Syempre matagal, matagal din kasi tanggalin ang mga glitters at mga body paint. Medyo nabawasan pa nga kasi may binigay sa akin na oil ba iyon para madaling matanggal ang mga pintura. Siguradong marami na naghahanap sa akin lalo na ang bestfriend ko.
Matapos ang mahaba-habang paliligo, nagsuot na lang ako ng white v-neck shirt at fitted jeans. Sarap sa pakiramdam.
Hindi naman na ako nagtagal at lumabas na para dumiretso sa classroom dahil alam kong doon ko sila makikita.
"Abbyyyyyyy" bungad ni Icah. Sabog na naman toh.
Nandoon rin halos lahat ng kaklase ko. Nakatingin sila lahat sa akin. Ehem dyosa here.
"Anong pagkain?" tanong ko sa kanila. Namataan ko kasi ang mga nakahilerang pagkain sa mesang mahaba do'n. Parang tradisyon na ang may ganitong handaan thing may event sa school.'Dapat busog sa katapusan lahat' ang motto ng school.
"Ganda ng bungad mo noh?"sarcastic na sagot ni Abby. "Anong—bakit ganyan suot mo?!"
Highblood si Ateng...
"Sorry nangangati na kasi ako kaya naligo muna ako"
Nakabusangot akong tinitigan ni Icah.
Sayang nga daw komento ng ilan."Pinaghandaan pa naman namin ang group pic para sa bulletin board natin for first event ng school" nanghihinayang na sabi ni Icah.
Ay may ganon ba?
"Sorry naaaa. O sige, tutal pagmumukha ko lang naman ang inaantay niyo. Tara na group pic!" sabay kong hinila si Icah at pumunta ng gitna. Sumunod naman ang iba naming kaklase na excited magpose, may nagwacky agad. Madaming natuwa sa camera na pinahiram ng homeroom teacher namin. Maganda kasi ang brand kaya maganda din daw ang kakalabasan ng picture namin.
Dalawang tao lang ang hindi ko napansin na sumali sa group pic. Sina Rhaze at Croix. Hindi ko na pinagkaabalahang tanungin ang tungkol sa dalawa. May mga dahilan ang mga taong ayaw magpakita.
Nag-boodle fight kami pagkatapos. Nakaupo kami sa sahig dahil doon nakalatag ang mga pagkain. Pinagkrus ko ang mga paa kong nakaupo don. Ang saya talaga sa pakiramdam na magkakasama kaming ganito lalo na pagkain ang kaharap.Sobrang nabusog talaga ako sa sarap ng mga pagkain. Yung mga iba ko namang kaklase pumupunta ng ibang room para alamin kung ano ang mga handa nila. Sus, siguradong manghihingi ang mga yon. Ganon din kasi ang gawain ko pag madaling maubos ang mga handa namin at kapag may pagkain sa kanila na wala kami hehe.
Sabay pa kami nagtawanan nang may dumighay ng malakas. Nag-excuse pa ito.
Kalaunan ay nauna na akong lumabas para maglibot-libot sa paligid. Hindi ko kasama si Icah dahil may gagawin daw ito.May mga booths kasi don na related lahat sa science. Mayroong DNA Test,hindi talaga literal with bahid ng humor lang. DNA stands for Destiny Never Alter. May tagline pa sila nakasulat sa poster na "Find your true love with our DNA Test". Lumapit ako dito dahil agaw atensyon iyon. Nakipagsiksikan pa ako sa mga estudyante na karamihan couples don para makita kung paano ang ginagawa ng mga charoterang Scientists kuno.May mga test tubes sila doon na iba-iba ang kulay tapos naglalatag sila ng malinis na white paper na parang cotton. Pinagtalikod nila iyong magjowa habang nasa harapan nila ang mga test tubes.
"Okay umpisahan na natin mga bagets"sabi nong bakla habang tinitingnan magkabilaan ang dalawang couple. "Oo nga pala bago ko makalimutan sa mga couples dito. Ipinaalala ko lang na wala sanang maghihiwalay sa inyo dahil dito, huwag niyo naman isapuso ang lalabas na result. At sa mga naghahanap diyan ng jowa hindi kami si Cupid para i-match kayo. This is more like a chance kasi malay niyo dito niyo makilala ang the one niyo"nasa boses ang panunukso. Tumawa na lang ang ilan at ako naman ay napangiti lang.

BINABASA MO ANG
Dreaming of You
Novela JuvenilSometimes, what you dream is what you encounter and sometimes dream lead us to reality. At ng lumingon ako............ "Ay kabayo!"muntikan ng malaglag ang puso ko sa gulat. Sinamaan niya ako ng tingin saka may dinampot sa bulsa at binigay yung love...