Sa sumunod na araw mukhang di ko na alam gagawin ko.Akala ko nung una matatakasan ko pa ang pangyayaring iyon pero akala ko lang pala dahil ngayon kahit saan ako pumunta pinag-uusapan na ako este ako daw yung babaeng nareject. Goodness ganon na ba kaviral yung nangyari? Masyado bang big deal?
Kaya nga hanggat maaari umiiwas ako kay Blaze Croix Brillantes. Yes that's his full name (Croix pronounced as Croy).At isa pa sa gulo. Grabe di ko talaga inakalang yung lalaking yun may mga fangirls. Nung nalaman nila na may nagkacrush daw sa kanya at nagconfess, naku bigla-bigla na lang silang nagsidatingan at aba akalain mo nga namang may banner pang dala na nakasulat '#Croixters', "Girls should know their places when seeing King Croix. He's only ours not yours but for Croixters! "-huh ano daw?
Balita ko galing pa ang mga yun sa one of the most elite School in the Philippines.Di wow! So ibig sabihin kung kilala nila si Croix e di sikat siya? Pero grabe naghirap pa silang pumunta dito para lang don.Hay naku Kalabaw este Croix kung alam mo lang gaano kahirap maging isang biktima ng walang kaalam-alam.Gwapo ka sana kaya lang sobrang snob at sungit mo-wait! Erase erase! Gosh di siya gwapo mukha siyang kalabaw noh!
Hayss siguro kung totoong confession ko yon malamang rejected na rin siguro ako. Waah!!!no way noh! Di ako magcoconfess sa kanya ever! Pero nagawa ko na pero pero di naman akin yun napagkamalan lang ako.
"Huy! "biglang may nagsnap malapit sa mukha ko.
"Ha-huh? "
"Anong Huh? Di mo ba alam kanina pa ako nagkwekwento pero ikaw tulala ka lang diyan"ang sabi ni Icah habang sumusubo ng kanin.
"Sorry"sabi ko sabay peace sign. Wehe wala talaga akong narinig at naintindihan kahit isa sa sinabi niyang kwento noh.Sorry talaga Icah.
"Tingnan mo pati pagkain mo di pa nababawasan"sabi niya sabay turo dun sa plato ko. Onga pala nasa Canteen kami ngayon. Dahil lutang ako nawalan ako ng gana kumain. Ayst ano na ba ang nangyayari sa akin.
Matapos ang ilang minuto nagbell na rin para sa 3rd subject.Palakad na ako ng hallway pabalik sa classroom ng makita ko si Croix kasama ang isa pa naming kaklase na palakad sa direksyon namin na may dala-dalang paperworks.Bigla naman akong nagtago sa likuran ni Icah.
"Ginagawa mo?"
Di ba obvious malamang nagtatago.
"Ha a-ano kasi uhmm...sobrang bagal mo kasi maglakad kaya itutulak na lang kita"pagsisinungaling ko.Tinulak-tulak ko naman yung likod ni Icah hanggang sa malagpasan kami ni Croix.
Whoo salamat makahinga na rin ng maluwag.
Nang mapansin ni Icah na di ko na siya tinutulak biglang kumunot ang noo nito.
"Bakit? "
"Ikaw ah ginagamit mo pa ako.Hay naku Abbigail siguro may tinatago ka na sa akin noh? "mapanglokong ngiti nitong sabi.
"Ano? Wala ah! Grabe ka sa akin"nakakainis naman tong si Icah. Alam na nga niyang umiiwas ako kay Croix e.
"Sus ito talaga oh parang yun lang e"sabi nito sabay hugot ng kamay ko. "Tara na"
Nagpatuloy lang sa paghaharutan at pagtsitsismisan ang mga kaklase ko nang mabalitaang wala ang next teacher para sa next subject.May meeting daw kasi kaya ganon.By the way kanina pa ako ditto di mapakali.Hello sino ba namang di mapakali noh kung grabe akong titigan ni Jhayzel.Spell awkward......tinititigan ako ni crush.Pssh! normal naman magkacrush sa babae noh sepecially sa kanya.
"Are you okay?" Siomai!
"H-huh?"
Siomai talaga kinausap niya ako ngayn lang.
"Tell me if someone bothers you okay?"nakangiti nitong sabi.Omaghad para siyang anghel.Pero gosh tingin ko pati siya naniniwal na may gusto ako sa kakambal niya.Kaya siguro panay tingin niya sa akin kanina kasi curious siya o nagke-care siya sa akin.
"Wa-wala naman at salamat"balik-ngiti ko ring sabi sa kanya.Tumango na lang siya bilang tugon.
Hays kung siguro lalake ako baka niligawan ko na ito ngayon.Pero asa pa ako,at isa pa maraming may gusto sa kanya.Pati na rink ay Croix.
Speaking of him mas lumalala yung mala-deadly glare niya sa akin.Ano bang problema niya? Hello kung tungkol ito do'n sa confession na kumalat na lang bigla sa fangirls niya,masasabing mas kawawa ako kesa sa kanya.Me versus them kasama ang hari nilang kalabaw edi wow talaga.
Lumipas ang ilang oras ng bumalik si ma'am sa room.Ewan ko pero parang kinakabahan ako sa presence niya.
"Okay class, eyes and ears on me"pagsisimula niya"Today I have an important news and this is sure an exciting event for the month"aba loko ngumiti pa.Mas kinabahan ako sa sumunod niyang sinabi."Since we already have famous students here in our class, I would like to represent them as our class candidate for Mr. and Ms. Periodic Table for this coming week".
Lahat naghiyawan ng marinig yung announcement pero ako sabog dahil sa kaba.Parang alam ko na kasi-
"So are you ready to announce our Ms and Mr P.T??"
"Yessssssss!!!!!!"sabay-sabay na sigaw ng mga kaklase ko.
"Okay"nakangiti pa ring sabi nito sabay biglang tigin sa akin."Miss Mendes?"
O.
M.
G.
Why....
"And Mr. Brillantes you will be representing our class"
Me? And Him..??
"What the!" Somebody.please..kill me...now.
A/N: Hi po sa inyo sorry sa grammar at sa short update.Sorry din po kung boring ang mga part....

BINABASA MO ANG
Dreaming of You
Teen FictionSometimes, what you dream is what you encounter and sometimes dream lead us to reality. At ng lumingon ako............ "Ay kabayo!"muntikan ng malaglag ang puso ko sa gulat. Sinamaan niya ako ng tingin saka may dinampot sa bulsa at binigay yung love...