Kabanata 6

3 0 0
                                    

Simula ng mapili ako at siya este kami puspusan na ang pagmememorize,pagrereview at pagdugo ng utak ko. Shocks ang hirap kaya.Lalo na yung mga symbols at pag-iisip kung anong object ang gagawin naming costume. Dapat daw related dun sa gagawin namin.Oh my goddess! Bakit pa kasi ako ang pinili pwede naman si Icah. Pero sabagay tingin ko siya ang ipanlalaban namin sa susunod na event. Pero urggh why me? Sa dinami-dami ng babae sa classroom ako pa pinagkakainteresan nila. Aish!

At lalo akong ninenerbyos kasi urgh kasama ko siya magreview. You know teamwork daw kuno. Teamwork daw sus Kalabaw nga yun eh di siya tao kaya mahirap siya maging kateamwork sa pagrereview. Pwede lang siya sa pag-araro. Unga!!!

Andito pala ako ngayon sa library. Dito raw kami magreview dalawa kasi mas tahimik daw. Yung totoo? Trip ba ng mga guro toh? Mamaya niyan kalbuhin pa ako ng mga fan-ewan niya.

"Oh i-memorize mo yan tapos tatanungin kita then vice versa"bigay niya sa akin ng Periodic Table. Waah I'm dead. R. I. P to Twayne Abbigail Mendez.Found dead on a library at exactly 11:45 a.m.Murdered by the Periodic table,Blaze Croix Brillantes and her adviser. Cause of death (memorize).

"Hey! Are you deaf?"whatda! Sinabihan pa akong bingi. Galing ah.

"Hindi ako bingi noh"aba tarayan lang ba problema e di tarayan ko din.

"Tss... You're always spacing out. I told you to memorize this"sabi niya habang nakatingin ng masama sa akin. Inabot ko naman yung periodic table at ayun nagmemorize.

Siomai walang pumapasok sa utak ko.Arrgh kagutom.

"Time's up"sabi niya sabay kuha sa akin ng Periodic Table.

"Eh? Five minutes ko pa nga lang narereview yan"Grabe ah. Paano ako makakasagot sa kanya kung kukunin niya din agad? Wow ah grabe.It is not enough to memorize that 😂.Nosebleed again.

"You think you need more time? The hell Twayne.Its a competition,we only need a second to answer each question"

Blah blah blah.... Eiiii sarap niyang hambalusin. Kainis! Di pa naman toh competition but he act like one.

Napansin niya ata yung tingin ko na masama kaya tiningnan niya din ako ng masama.

"What? Hard feelings? I'm just saying the truth.We are practicing and it's better to be ready"

"Whatevur~ sige na" dami pang satsat e.

"What?"

Anong what? Wag niyang sabihin pati isip ko nababasa niya? Tao pa ba toh? Well hehe hindi pala tao yan kalabaw pala yan. Yeah kalabaw.

"May sinabi ako?"

"Yes and I heard it all"

All daw. Iba talaga siya.

"Oo na po kaya pwede po bang simulan na natin? "sabi ko sabay ngiti ko pa.Ghad hate ko maging plastic pero dito sa taong toh? Grabe parang dinaig ko pa yung mga plastic.

"Tss.."

Tss ng tss. Parang kasintunog na tuloy ng ahas.

"Magsisimula tayo sa symbols then sa atomic numbers and so on"

Omahghad. Ayoko na. Ayoko na talaga. Sa sinabi pa lang niya di ko na kinaya.

"Okay start tayo sa basic under ng Alkali metals. Exempted na yung Hydrogen cause it's too piece of cake"

O and k. Okay.

"Rubidium"

"Uhmm...Rb"

"Cesium"

Banda sa last....

"C...uhm s"

"Francium"

Alam ko ito yung last.O yeah.

"Fr"

"Good. Proceed tayo sa Alkaline metals"

So ayun nagtuloy-tuloy yung symbols hanggang sa atomic number at sa so on niya.

Feeling ko maalisan na ako ng kaluluwa.Grabe daig niya pa ang mga guro dito.Biruin niyo pinapagalitan niya ako kasi ang bagal ko daw sumagot. Aba malamang! Five minutes ko lang minemorize eh. Anong akala niya alam ko na agad-agad?

Pagkatapos ko sa review siya naman ang tinanong ko. Oo na aaminin ko ang galing niya. Halos ma-perfect niya na lahat. Sus e di siya na.

Pagkatapos ng review e pinauna na kami umuwi para daw makapagpahinga ng mas maaga. Kasi sa susunod na review eh labis-labisan na.

Ayoko na talaga sumali. Di pwede mag-quit kasi ako na lang daw sa girls yung 'the only choice' kuno.Oo di naman sa pagmamayabang pero nakakakuha ako ng mataas na marka sa Science subject namin. At isa pa pandagdag grades na din daw yong makasali ako don. Sus kung alam ko lang. Pinagtitripan lang talaga ako ng adviser namin dahil lang dun sa sulat. I mean sa lintek na love letter na yun. Hays Laurice humanda ka dahil sisingilin pa kita. Di pa tayo tapos.

Mabait ako wag kayong ano. Di ko naman siya papatayin o pahirapan sa nagawa niya sa akin. Maniningil lang ako ng utang. Hehe

Nakahiga na ako nun sa kama ko ng biglang tumunog yung cellphone ko.

🎶Shy shy shy🎶

Lol yan yung ringtone ko. Haha.Ganda noh?

Tiningnan ko naman kung sino yung tumatawag. Si Blueberry lang pala. Blueberry yung pangalan niya sa phone ko kasi dahil sa pangalan niyang 'Bluebell'.Oo at siya ang nag-iisang Icah.

"O bakit?" tanong ko dito.

"Uhmm.. How's your day with ano? "

"With ano who? "minsan talaga di ko maintindihan toh.

"Wow ah Abby. Malamang si Croix. Siya lang naman kasama mo buong araw eh"

"Loka. Ayun sobrang ganda. Sa sobrang ganda ready na ako mamunit ng mukha"

"Grabe ah. Punit talaga. So ano? May nangyari bang kakaiba? I mean sa inyong dalawa ayieee! "

"Siomai the heck Icah! Kung ano-ano na lang iniisip mo"

"Malay natin di ba? "

Grabe siya oh. Di ako makapaniwala sa mga iniisip ng baliw-ng toh.

"My Goddess! Di ako pumunta don para makipaglandian noh! Pumunta ako don para magreview. Ghad Icah tigilan mo ako kundi papatayin ko tong tawag"

"Chill Abby. Ikaw naman parang yun lang.Kinakamusta ka lang kasi namiss kita sa klase"

Awts answeat ni girl bestfriend noh? Pagkatapos niya akong asar-asarin naging sweet.

"Oo na oo na namiss din kitang lokaret ka"

Pagkatapos nun nagkekwentuhan lang kami. Yung topic namin nagsimula kay Croix. Todo kinig at kilig naman siya sa mga kuwento ko. Loka-loka talaga. Kwinento ko lang naman yung mga baliw niyang fans sa ibang school at yung mga nagka-crush sa kanya tapos kung paano sila magrally ng mabalitaan yung piece of trash na love letter na yun.Todo asar pa nga niya sa akin ng 'Kalabaw'daw yung tawag ko kay Croix. Like duh...

Napunta ang usapan namin sa school events,projects,etcs. At kay ultimate crush niyang si Quinn. Grabe di ko keri. Mas naging baliw siya.

At dun natapos ang pag-uusap namin ng maramdaman kong pabagsak na ang talukap ko sa kwento niya.


Dreaming of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon