So embarassing moment......
Grabe mamatay na talaga ako.
Bakit ako pa.....
Shungak malamang Abby ginusto mo!
Kasi naman ako pa pinili niya.
Kasi nagpadala ka sa sinasabi niya!
Kasi naman dahil sa siomai na yun...
I hate you huhu ('_`。)
Siomai kasi......kasalanan ng siomai...
Ahhh!!!! paano ko siya haharapin????
"Ate 'wag ka ng mag-alala, I'm sure makakalimutan rin niya agad 'yun"sabi ni Laurice."Salamat ah pero nakakaselos yung kanina ah"
Baliw talaga toh e...siya kaya papuntahin ko sa unahan tapos ikaw ang topic at malala pa dahil sa sulat na hindi ko naman alam.Pagpilitan daw bang paaminin ako sa harap ni Blaze.Numero uno pa yung teacher namin.Sa tingin niyo sinong may gusto non? Yan tuloy kanina ang sama-sama pa ng tingin sa akin ni Blaze.Parang isang tingin lang niya akala mo gusto na niya akong patayin eh...Anong akala niya sa akin ako may gusto non? Yung siomai lang gusto ko noh!
"Bakit kasi di mong inamin na ikaw may ari nung love letter? Bakit kasi di mo sinulat pangalan mo? Ayan tuloy ako napagkamalan"mangiyak-ngiyak komg sabi.
"Ah....ka-kasi nahihiya ako kapag ako mismo mabibigay sa kanya eh"
"Ikaw kasi may nalalaman ka pang palove-letter-letter eh"
"Uyy crush niya si Blaze"sabi nung dalawang dumaan na babae saka tumawa.
"Upakan ko kaya yun"naiireta kong sabi" huwag mo nga kong pigilan"
"Ikaw naman sineseryoso mo yung mga bagay bagay na ganon eg di pinapakita mong guilty ka"sabi niya,
"Huwag mo akong biruin ah"
"Beastmode ka naman agad'paglalambing niya.Teka kaclose ko ba ito?"Bilisan na nga natin maglakad baka maubusan pa tayo ng siomai eh"pagakasabi niya hinila niya agad ako patakbo.Akala ko lakad lang eh..abnormal talaga ang babeng toh.Ako naman pinipigilan ko siya.
"Ayoko na"sabay hinto sa pagtakbo .
"Bakit naman?"
"Ayoko di ko tanggap yung nangyari kanina"
"Eh pano yung siomai mo? Pinangako ko pa naman sayo"
"Ah basta ayoko! Dahi kapag tinanggap ko ang alok mo para ko na ding inamin na may gusto ako sa kanya.Na parang-"natigilan ako sa pagsasalita ng ngumunguso-nguso siya.
"Tigilan mo nga yan"para kasing ewan tapos nagpacute pa"hindi ka naman ata abno noh?"
"Adik...lumingon ka"bulong niya habang nakangiti pa.Sinunod ko naman ang sinabi niya.
At ng lumingon ako......
"Ay kabayo!"muntikan ng malaglag ang puso ko sa gulat.
Sinamaan niya ako ng tingin saka may dinampot sa bulsa at binigay yung love letter sa akin.My Goodness kamatay kaharap ang lalaking ito.
"Ano ito?"
"Ikaw nagbigay tapos di mo alam"sabi niya with right hand in his pocket and left hand holding a backpack.Wow nosebleed sa sariling words."Pssh pasensya Miss di ko matatanggap ang feelings mo"saka lumakad palayo.
"Aba't ambis-syop!"
"Ano?"sigaw niya palingon sa akin.
"Ah.........ahaha wala....sabi ko pupunta kami ni Laurice sa Amby Shop!"sigaw ko pabalik."Di ba Laurice?"He he.
Hinigit ko si Laurice para umalis.
"Ano bang nangyayari sa'yo?"
"Tinanong mo pa"
*~..........Bahay..........~*
Nasa kwarto ako ngayon.Nakahiga sa kama habang nakapatong ang unan sa mukha.
Grabe di ko talaga makalimutan ang nangyari kanina.Huwah!!!
Nakakahiya grabe! Huwah!!! Okay tama na,mukha na akong nagwawalang bata.
Pero naman kasi HUWAH!!! Di ko talaga matanggap na nangyari yun sa akin! First day of School pa naman Hu hu hu
(つд⊂) (つд・) (ㄒoㄒ)
Sinipa-sipa ko yung yung isa ko pang unan hanggang tumalsik sa may pintuan.Sakto pa naman na may pumasok kaya nasapol sa mukha.
"Ay pwe!"mukhang nakain niya yung unan haha.Sakto ata sa pagbuka ng bibig niya eh hehe."Abby ano bang ginagawa mo diyan? Papatayin mo ba ako?"
"Ay abugh ateng...OA?? papatayin agad? Nakakamatay ba ang unan?"
"Sorry naman..kasi naman pagpasok yung unan agad tumambad sa maganda kong mukha.So be careful Bes baka masira ng beauty ko"pagrereklamo niya sabay tawa.Hay baliw.
"Haha sorry din"sabay peace sign"Di naman sinadya 'yun, nagkataon lang na sinipa ko yung unan papunta sa pinto"
"Ah ganon ba? Okay nevermind"sabi niya sabay ngiti.
"Bakit ka pala napadalaw?"tanong ko naman.
"Kasi-uhm gusto kong makinig sa kwento mo"sabi niya sabay higa sa kama ko at nakapangalumbaba na.
"Anong kwento ang pinagsasabi mo?"Nakakunot-noo kong tanong.Baliw kasi toh e........
"Yung kwentong nangyari kanina sa may School.Yung tungkol sa inyo ni Bl-A-ayoko na Ha ha!"Yan napala mo.Binato ko nga sa kanya yung unan ko pang isa kaya ayan napaayaw.'Pano pinapaalala pa yung nangyari kanina.Kita na ngang nakapagmove-on na ako ng isang minuto tapos ngayon papaalalahanin pa ulit?
"My Goodness pati ba naman ikaw?"
"Hindi ah...sadyang gusto ko lang malaman yung feelings mo sa kanya"Ay abugh!
"AYOKO Ah!!!!!!! lumabas ka na nga kung gusto mo pang mabuhay!"(>﹏<)
A/N:Hi guys,happy reading sana naintindihan niyo po yung story.Just comment or vote po.
Sorry kung may typo's at maling grammar...wag kayong mag-alala,gagawin kong interesting yung story ^_^ ...don't hate me po sa mga casts...salamat

BINABASA MO ANG
Dreaming of You
Novela JuvenilSometimes, what you dream is what you encounter and sometimes dream lead us to reality. At ng lumingon ako............ "Ay kabayo!"muntikan ng malaglag ang puso ko sa gulat. Sinamaan niya ako ng tingin saka may dinampot sa bulsa at binigay yung love...