Being Under Satan's Yoke kaba? O B.U.S.Y in short?

264 3 1
  • Dedicated kay Jhayke Mesa
                                    

First of all dine-dedicate ko ang post na ito sa kapatid ko sa Panginoon na si Jhayke. Kanina mo pa siya binabasa habang naka draft pa siya sa notebook ko kaya heto na. Ewan ko lang kung may wattpad ka pero anyhow really appreciated kung mababasa mo ito dahil dito tapos na yung mga scribbles na ginawa ko kanina di na sya magulong basahin :)

At dun din sa walang sawang sumusubaybay ng post ko si Sweetblackcoffee, si TeenyTInyYnk at si Bigpoopyface di nyu lang alam kung gaano kasaya ako everyday na mababasa ang bawat comments nyu sa sinulat ko. It uplifts me! Nawa'y maging successfull ang wattpad project ko sa pagshare ng Gospel sa ibang tao. To share the goodness of our Lord to others too. Naway di kayo magsawang basahin ang mga devotions at I'll make a commitment din na kahit 3x a week ako makapag update kung talagang sobrang busy.  Anyhow share parin natin ang Gospel ni Lord offline di lang online para mas madaming makakilala sa kanya. Godbless sa ating lahat. 

Umpisahan na po natin :)

*******Being Under Satan's Yoke kaba? O B.U.S.Y in short?*******

Bagong term ano? O luma na? Yung term na busy gamit na gamit na iyan sa atin.. Ito ay ang pagiging abala natin sa mga bagay-bagay na umuubos na sa ating panahon at lakas. Ngunit kailan ba natin masasabi na Busy ka o B.U.S.Y. kna pla?

Matanong ko lang kailan ka huling nanalangin kay Lord? Kailan ka huling nagmeditate sa kanyang mga salita? at Kailan mo naramdaman na sobrang lapit ni Lord sa iyo at pakiramdam mo ay kasama mo siya ngayon?

Kanina lang ba ito kasi araw ng Linggo at nakapagchurch kana? O araw-araw mo itong na eexperience?

Kung araw-araw nating nararamdaman ito, mainam ay masaya ako para sa iyo  ngunit paano naman kung hindi. ANO ANG PALUSOT MO? Este dahilan pala.?

Isipin na natin na ganito. Mayroon tayong 24 na oras sa isang araw, may 7 na araw sa isang Linggo at sa 1 buwan may 4 na Linggo. Kung 12 ang mga buwan so 12 times 4 ibig sabihin sa isang taon halos may 48 araw ka lang nakakaexperience ng rest at kasayahan kay Lord? So Paano na yung 317 na araw. Medyo-medyo lang ganun?

Usually ang Palusot ng mga believers aminin na natin (EHEM isa na ako diyan) ay ang pagiging BUSY natin. 

Pag sinabi nating busy sobrang focus tayo sa isang bagay na hindi natin namamalayan na naubos na pala ang oras natin dun at wala na tayong nagawa. Ayun lang ang nagawa natin halimbawa hindi mo nasipot ang fellowship nyo ng mga kasama mo sa church kasi Busy ka sa kakanood ng anime (sa akin nangyari to ah ewan ko lang sa inyo). Lumipas na  lonras sobrang tagal na ikaw naka tunganga sa computer mo pero sila di mu man lang naalala.( Dati nangyari talaga sa akin ito. )

Marami pang pinagkaka busyhan ang isang tao,, maaaring busy ikaw sa trabaho yung tipong mag start ka ng trabaho ng 10 ng gabi tapos matatapos ka ng 9 ng umaga o dba nakakapagod yun tapos daldal kapa ng daldal sa telepono pigang piga na ang dila mo sa kaka Ingles kaya pagdating mo sa bahay bihis ka lang ng kaunti ayun bagsak na sa higaan (Muli sa akin nangyari ito ewan ko lang sa inyo :))

At sa kung ano-ano pang mga bagay pero naisip ko lang habang nagbubulay bulay ako sa word ni God ako na laging abala sa buhay ko naiiisip ako ni Lord at may pakialam sya sa buhay ko ang kailangan nya lang ay makausap ako everyday at makasama sya sa bawat sandali ako paba ang may ganang magpalusot na busy ako? E andaming pagkakataon naman na pwede ko syang kausapin. Gaya nalang pag Lunch di ko naman nauubos ang 1 hour na lunch e yung iba i dadaldal ko lang sa kasama ko sa table bakit instead of makipagdaldalan ako ay bakit di ko gamitin ito as a quiet time para sa kanya.? Pag nasa byahe ka papasok at pauwi sa bahay Instead of palinga linga ka sa mga sasakyan edi magpray ka basa ka sa Daily Bread o kaya naman for sure kung medyo HI tech na ang cellphone na gamit mo read mobile bible o yung wattpad din na inspirational ang theme at yung ganitong tema diba?

Sabi nga sa kasabihang Pinoy pag Gusto may paraan kung ayaw maraming dahilan.

Wala tayong memory verse sa hapong ito pero isang tanong nalang ang iiwan ko sa inyo.? Bakit ka nagiging busy at ano naman ang steps na ginawa mo para ma overcome ito. Comment below po 

At muli kung kelangan nyo ng prayers wag kayong mahiyang itext ako super happy pa ako na ipagpray ko kayo maging financial, spiritual, emotional, physical man iyan o sa work maari nyo akong makontak sa 09984948488 o kaya sa comment box din. 

Salamat sa pagbabasa at Godbless sa inyong lahat! Kita kits!

Weekly DevotionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon