My Friend God Loves You.

394 5 1
                                    

John 3:16

New International Version (NIV)

16 For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life.

First things first. I know for sure na nabasa mo na ito sa Bible at ito ang isa sa mga verses na saulado mo. This is one of the most well loved verses ng mga Christians dahil dito malinaw na pinapakita kung gaano tayo kamahal ni Lord even na napakadami nating pagkukulang sa kanya.

I encountered this verse nung bata palang ako sa DVBS, wala pa akong masyadong idea kung ano ito basta saulado ko lang sya. May prize kasi if ever na may memory verse kang alam.

During that time 6 years old yata ako nun basta early days di ko pa naiintindihan ang salvation at yung personal relationship kay God ang mahalaga every day mayroon akong star na makukuha kay ate Joy at yung promise nila na mayroon daw medal na ibibigay pagkatapos ng isang linggo ng pag attend. Wala namang ginagawa sa bahay nun panay laro lang at nakita ko na masaya naman sila sa ginagawa nila at nagkwekwento kaya ayun napa sali ako at dun na nagsimula.

Masarap kung malalaman mo na may nagmamahal sa iyo hindi ba? Sagutin ka lang ng nililigawan mong babae o kahit sabihin lang sa iyo ng parents mo kung gaano ka nila kamahal hindi ba't napakasarap marinig.

Paano na kaya kung si Lord pa ang nagmamahal sa iyo. Diba mas matindi ito dahil minsan na te take for granted natin siya. Most of the time nga naaalala lang natin siya pag may trials tayo pero pag may triumph wala naman siya sa mga naaalala natin.

At one point in my life minsan naramdaman ko na parang walang nagmamahal sa akin (teenager issues). Busy ang parents sa trabaho para sa ikabubuhay, basted sa nililigawan tapos yung mga kapatid pa na pasaway. Pero as I read my bible tapos ito  yung verse na nabasa ko (di pa ako Christian nang time na ito) tears fall on my eyes literally. Madaming Christian ang ganitong experience after reading verses in the bible without them knowing lumuluha na pala sila.

And then I realize na may nagmamahal pala sa akin at mas higit pa sa girlfriend or parents ko o sa kapatid ko. Mahal pala ako ni Lord and he is waiting for me, waiting na makipagusap ako sa kanya at I share ko ang pinagdadaanan ko sa kanya.

Jeremiah 31:3

New International Version (NIV)

3 The Lord appeared to us in the past,[a] saying:

“I have loved you with an everlasting love;

    I have drawn you with unfailing kindness.

My friend alam ko na hindi aksidente ang pagkakahanap mo sa post kong ito sa wattpad. If ever na di mo pa tinatanggap si Lord as your personal saviour at feeling mo ay parang nag-iisa ka lamang bakit di mo subukang lumapit kay Lord, Kausapin sya heart to heart at sabihin mo na gusto mong ma experience ang pagmamahal nya at gusto mo ring maibalik ang kanyang pagmamahal. Malaya kang ipahayag ang iyong nararamdaman sa kanya dahil bago mo pa lamang sabihin ay alam nya na kaagad ang nangyayari.

Bago tayo magtapos nais kong magpasalamat sa iyong oras na binigay sa pagbabasa ng first post ko sa wattpad naway magkaroon ka rin ng isang personal na relasyon kay Lord, Kung mayroon na ay mabuti sabay sabay tayong magpatuloy sa pagsamba at pagbalik ng kanyang pagmamahal para sa atin, Godbless sa inyong lahat!

 Hanggang dito na muna, Kung ninanais mo na mayroong magdasal para sa iyo, Ipag pray ka para sa iyong financial, personal, physical, emotional at spiritual problem maaari mo akong ma kontak sa aking telepono 09984948488. Salamat ng marami at Godbless kita kits ulit sa susunod

Weekly DevotionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon