Ang Ikalawang Linggo

182 2 0
                                    

Lord God you know how much I love you and you know the ways of my heart. Lord as I embarked on a new journey on pursuing intimacy with you make this clear. Reveal your plans for me wether kung dito na ba ako mag serve or kailangan ko paring maghintay ng Go! signal mo in other teams or church. -Amen

Ayan ang prayer ko on the second week na nag attend ako ng service sa church. First of all welcome back to me sa Wattpad. Sorry po talaga if ever that I have some readers na nagbabasa nito and looking forward on my post. I cannot promise but I will be consistent on writing from now on.

Quick recap di po ako isang Pastor, isa lang po akong regular na Christian na gaya mo ay nagpapagal para maging intimate pa ang relasyon kay Lord.

Second week ayun pagdating ko ng church around 9 o'clock ng umaga feeling ko late na ako kasi sabi sa akin ay 9 daw ang umpisa ng service pero for my suprise wala pang masyadong tao.

Nanduon na ang Pastor pero ang mga members ay wala pa. Dahil sa galing ako sa call center industry ang bawat minuto ay importante. Every minute na masasayang ay mahalaga for us. Around 9:30 am nakarating ang mga myembro ng church at nagumpisa na ang service.

Mga napansin ko sa service (Observant Mode Activate)

1. Wala silang usher, dumating ako ng church at umalis ako ng si Kuya Jez lang ang kausap ko, Wala man lang nag assist sa akin nor nakipagusap talaga. Kung di mu sila i approach di kanila i aapproach.

2. Nung nagpakanta ang Praise and Worship team parang ang lungkot nila. Parang di ko maramdaman yung joy na kinakanta nila ang Praise song.

3. Yung mga youth panay daldalan lang di man lang sila nakikinig sa mensahe ng pastor,

4. Yung hymnals hindi sila sabay-sabay basta ang gulo nakaka distract.

So ayun kung irerate ko ang whole service medyo di pasa. Kung may Cons sympre may Pros.

1. Maganda ang kanta, ang mensahe ng kanta siguro kasi baka hindi napractice maigi ang kanta kaya parang malungkot sila.

2. Kahit na napapalingon ako sa youth nakapag notes ako sa message ng Pastor at masasabi ko na maganda ang message ni Pastor kaso nga lang yung paraan ng pag deliver ay hindi lively compare sa ibang churches na na attendan ko.

Hindi parin ako sigurado kung ito na ba ang church ko na pagseservan pero may kung anung nagsasabi sa akin na may magagawa ako sa church na ito, at oras ko nang mag serve naman sa isang malapit na church, Sabi nga diba unahin muna natin ang Nazareth and in my case ito ang Nazareth ko.

Lord ikaw na ang bahala sa akin kung ito naba talaga ang bago kong bahay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Weekly DevotionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon