LIfe Verse

291 5 4
                                    

Matthew 5:8

King James Version (KJV)

Blessed are the pure in heart: for they shall see God.

In Christian beliefs ang Life verse ay ang verse sa bible na parang naka laan lang para sa iyo. Maaaring ang verse na ito ay ang verse na natutuhan mo nung nasa DVBS ka palang. Maaring itong verse na ito ang nagtouch sa buhay mo. Maaari din naman ang verse na ito ang isa sa pinaka madaling mamemorize na verse.

Kahit ano pa man iyan ang Life verse para sa akin ay ang natatanging verse na pakiramdam mo ay para sa iyo ginawa. Parang nangungusap ang bawat salita sa iyo at ito ang sinasambit.

Mathhew 5:8 ang life verse ko, kung bakit ito ay dahil sa unang-una ito ang memory verse na pinaka una akong natandaan nung bata ako. 5 years old palang ako tanda ko na ito. By that time hindi ko pa naiintindihan ang memory verse na ito. Ang alam ko lang ay Mapalad ang may mabuting puso dahil sa nakikita nila ang Diyos, maliban doon ang buong konteksto nito ay hindi ko maintindihan.

Habang ako ay lumalaki nakita ko ang ibig sabihin nito, Hindi ito para talaga sa tao ngunit para sa mga taong nakakasalamuha ko. Silang mga nakakasalamuha natin ang dapat makakita na si God ay nasa atin bilang isang Kristyano.

Tayo ang representatives ni Lord, ni Jesus Christ kung hindi malinis ang ating puso paano natin maaakay ang mga tao na lumapit sa kanya. Sa sandaling napupuno na ako sa mga callers ko (sa trabaho sa call center) Iniisip ko na pag nagpa apekto ako sa stress at ginawa ko ang kaparehas ng mga unbelivers gaya ng imute sila at magmura ay parang hindi ko narerepresent si Lord ng maigi sa mga kasama ko. Sila ang makakakita sa Diyos sa pamamagitan natin kaya kailangan nating mag-ingat at sympre kelangan  nating I glorify si Lord sa ating ginagawa.

Kayo ano ang life verse nyo? Paano mo naman nasabi na ito ang life verse mo?

Weekly DevotionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon