Chapter 4:
Anyway, antagal naman ata nina kuya?
Oh ayan na pala sila eh.
May kasama..
Kasama si.......
Si KOLOKOY?!
AsdfghjkLANGYAAA! Anong meron at kasama nila yang Kolokoy na yan?
Grrr. >____<
Aalis na sana ako nang makita ako nina Kuya.
"Oh bunso, san ka pupunta?" sabi ni Kuya Zeke
"Ah--eh wala. Ano.. C-cr lang kuya."
"May sakit ka ba Aya? Anong nangyare sa mukha mo?" --Kuya Zoe
"Para kang nakakita ng multo ahh.*smirk* " sabi ni Kolokoy!!!!!!
"Higit pa sa multo. Nakakita ako ng alien." bulong ko. Nakita kong kumunot yung noo niya.
"Ano bunso? May sinasabi ka ba?"--Kuya Zed
"Ah. wala kuya."
"Ah. Siya nga pala. Aya, si Lee."
Pfft. Lee daw oh. Yuck. Mas bagay ang kolokoy eh. Tss.
"Hi.........Aya *smirk* " Eew. Ang panget pala talaga pag siya ang nagsasabi ng pangalan ko. Tss.
"Kilala ko siya, Kuya =____= "
"Owss? Kilala mo pala siya, Lee eh. Hindi mo sinasabi samin. Sumabay ka na samin dito." Maka-owss si kuya Zed ah.
"Ah.. oo. Ano. Kasi ano.."
"Kasi ano kuya, uuwi na den siya. Diba KOLOKOY este LEE?!"
Sumama ang tingin niya saken. Tss.
"Ah oo. Ge mga bro. Alis na ko. Pinapatawag na din kasi ako ni Lolo eh. Salamat na lang. Sa susunod, sasama na talaga ako." Sabi niya tapos tingin sa akin. Umiwas naman ako ng tingin.
"Ah. Ganun ba? Sige ingat na lang. Next time na lang ulit. Punta ka sa bahay. Hindi ka na namin nakakalaro sa Basketball eh." sabi ni Kuya Zeke.
0____0
A-anong pumunta sa bahay ang pinagsasasabi mo diyan kuya Zeke?! There's no way in the world na makakapunta yan nang bahay. Tss. Mukha niya!
"Sige ba." Tumingin sa akin.
"It would be fun. *smirk* " dagdag niya.
Tss. Tingin tingin ka diyan. Bwiset ka!
"Sige una na ko. Baka naghihintay na si Lolo doon eh. Next time nalang. Ge, alis na ko."
May ginawa silang hand shake, yung manly hand shake para bang kung sa babae beso-beso ang pag maggo-goodbye sa isa't isa. Sa mga lalaki naman ganun.
Umalis na si Kolokoy.
"Aya, paano mo siya nakilala huh?"
"Ah... Kuya kasi ano...Kaklase ko siya."
"Taalaga? Ang liit nga naman ng mundo. Haha."--Kuya Zed
Tss.
"Oh siya, kumain ka na. Eto na po yung order nyo mahal na prinsesa."
"Pffft. Prinsesa daw oh. :p "
"Napaka talaga nito. Kuya oh. Si kuya Zoe, nang aasar >___< Tss."
"Hay nako, napakaisip bata talaga ng mga to--" --Kuya Zed
"NAGSALITA ANG HINDI ISIP BATA." sabay sabay kaming tatlo. Haha.
"Ho-Hoy dadali na naman kayo ng kampihan diyan ha. Lagi nyo na lang ako pinagtutulungan. Tara na ngang kumain."