Chapter 5: I don't know why

126 6 5
                                    

Chapter 5:

Aya's POV

"It's her hair and her eyes again

That will simply take me away

And the feeling that I'm falling further

In love makes me shiver

But in a good way."

I turned off my alarm.

Uggh. Monday na naman. -_- Pupungas pungas akong naglakad papuntang banyo. Naligo na ako at nagprepare para sa school. After 20 minutes of magic, tapos na ako. Bumaba na ako para kumain, nakita ko yung tatlo sa dining table nakaupo. Lumapit ako and gave them a peck on the cheeks.

"Si mama?" tanong ko.

"Good morning den, bunso! ^___^"tss. Si kuya Zeke talaga oh.

"Nasa kusina." sagot naman ni Kuya Zoe. Tumango lang ako. Umupo ako sa tabi ni Kuya Zeke. Sa tapat namin si kuya Zoe at Zed.

Bale ganito ang pwesto namin:

Zeke|   |Zed

Ako |   |Zoe

Napansin kong kanina pa tahimik si kuya Zed. Parang malalim ang iniisip.

"Huwag mo na munang pansinin. Masama ang gising eh."bulong ni Kuya Zeke.

Nagshrug na lang ako. Pumasok si Mama ng dining room dala dala ang almusal namin. Nagdasal muna kami at kumain na din. At dahil maaga pa, at maaga ko nagising, kasabay ko sina Kuya sa pagpasok. Kakulitan ko si Kuya Zeke habang papunta sa kotse at hanggang sa makapasok sa loob.

"Ano ba bunso? Lakas ng trip mo ngayon ah. Haha. Ikaw ha.."

"Haha. Ku..Hahaha. Kuya! Tama na. Nakikiliti na ako. Aaaaaa! Hahaha. Kuya!"

Nagkulitan lang kami ng nagkulitan ni kuya Zeke nang...

"Aish. Tumahimik na nga kayo. Ang ingay nyo!" inis na sabi ni kuya Zed na nasa driver's seat. Marunong siya magdrive at may lisensya na rin sya. Si kuya Zoe naman tahimik lang na nakaupo sa tabi ng driver's seat habang nakasalpak ang earphones. Napatigil kami ni kuya Zeke. Hay nako. Sinusumpong na naman si kuya. Bakit na naman kaya? Umayos na lang ako ng upo at tumahimik. Mahirap na baka masigawan ulit kami eh mukhang BV si Kuya Zed eh. Tsk. Ano ba yan? Kung kelan trip ko makipaglokohan, saka siya ganyan. Nakarating kami sa school after 15 minutes.

Naunang bumaba yung dalawa, si Kuya Zeke at Zoe. Nikiss ko muna sila sa cheek bago sila umalis. Hindi pa rin bumababa si Kuya Zed sa kotse at nakatingin sa malayo.

"Kuya? May problema ka ba?" tanong ko.

"Wala." tipid na sagot nya.

"Eh bakit ganyan ka?"

"Wala to, bunso. Pumasok ka na at baka malate ka pa. Ayos lang ako."

"Sigurado ka ha?"

"Oo. Oo. Sige na. Bye"

"Okii. Bye kuya!" kiniss ko din siya sa cheek. Bumaba na ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng school.

Zed's POV

Bumaba na ng sasakyan si Aya. Tsk. Di mo lang alam, Aya. Ang laki ng problema ko ngayon. Hay nako! Bakit ba kasi ako naging panganay?! Psh. Pinaandar ko na ang sasakyan ko patungo sa isang lugar na ako mismo hindi ko alam.

Matapos ang 45 minutes na paikot ikot, tumigil na ang sasakyan. Napadpad ako sa isang bar.

BAR?!Ang aga pa. Pero bukas na? Tss. Pwede na.

The Only ExceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon