Zhey's PoV
Sino ba 'tong tumatawag ng ganitong oras na ng gabi?? Ay umaga na pala. 1am na eh. Tsk unregistered number.
Baka client kaya sinagot ko nalang hoho.
"Hello?"
[ Hello, ito po ba si ms. Zhey? ]
Babae. Sino kaya to?
"Yes it's me, who's this?"
[ Uhm, miss kase po may costumer kame dito sa bar. Kanina pa po sana kame magsasara pero ayaw nyang umalis. Paulit paulit nya lang po na binabanggit ang pangalan nyo. May mga naka away nga rin po sya eh. Pero lagi nya pong sinisigaw na gusto ka daw nyang makita At ahm.. nahulog nya po kase tong cellphone nya at nasa home screen po mismo yung contact nyo kaya agad ko kayong natawagan. Miss Zhey, please pakipuntahan naman po sya dito ] mahabang sabi nito.
Sino kaya ang tinutukoy nya? Tsk, malay ko ba kung isa sa mga ex ko yun last month.
"How would I know you're not lying?"
[ Eh basta miss pumunta ka nalang dito kase nakakaawa naman tong lalakeng to ngayon eh. Dryle ang pangalan.. andito po sya sa P-Bar, I'm expecting you ma'am. Thanks and bye ] sabi nito sabay end call. Aba sya pa talaga ang may ganang mang baba!
Si Dryle pala.. Tsk. Baka pakana nya lang to. Di ko nalang pinansin at nahiga na sa kama ko.
Ilang minuto ang nakalipas pero di pa rin ako nakakatulog. Di rin kase mawala sa isip ko yung pakikiusap ng babae.
Aish! Bahala na nga. Pag nalaman ko lang na plano lang to ni Dryle, bubugbugin ko sya. Hayst nakakastress talaga pag maganda. Cheret
Di pa rin kase maka get-over sakin si Dryle.. sabagay nung isang araw pa lang naman pala kame nagbreak.. nambubulabog tuloy to imbis na dapat tulog na ako (-__-)
Nagbihis na ako tapos lalabas na sana ako ng pinto nang..
"San ka pupunta sa ganitong oras??" nagsalita si Art..
Naalala ko tuloy bigla yung nakaraan. Nung kame pa ni Art.. ganitong oras kase kami madalas nagkikita.
Kase kahit saang banda kame maghalikan, okay lang kase wala naman ng tao. Kaya sa mga oras na yun lang kame malayang nagmamahalan. Chos
Pero ako lang pala ang nag iisip na nagmamahalan kame. Ang tanga ko lang. Pero iba na ngayon. Di na talaga ako magpapagamit sa kanya.
"Tulala ka na naman" nabalik ako sa sarili ko ng nakita kong nasa harap ko na sya.
"Gising ka pa pala. Magpapahangin lang ako. Di pa ako inaantok eh" sagot ko sakanya.
"Delikado" maikling sabi nya. Lagi naman talaga maikli eh.
"Oh tapos?"
"Sasamahan na kita" sabi nya tapos nauna ng lumabas.
"Ano pa nga ba! Nauna ka pa nga sakin lumabas eh (-__-)"
"Aminin mo na kase! Di ako tanga Nirvana. San ka pupunta?" madiin ang boses nya ng tinanong nya sakin yan nung nasa elevator na kame.
"Wala kang pakialam. Ngayong nabisto mo naman na ako, ikaw magdadrive. Sasama ka na talaga" sabi ko tapos sakto namang bukas ng elevator sa parking lot kaya lumabas na ako.
"Sa P-Bar tayo" sabi ko pagkasakay nya sa driver's seat ng kotse ko.
"At ano naman ang gagawin mo sa bar?"
"Pakshet naman oh! Wag ka na ngang tanong ng tanong at magdrive ka na lang! Bwisit!" sigaw ko sakanya pero blankong mukha at matalim na titig lang ang isinagot nya sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/9717270-288-k308475.jpg)
BINABASA MO ANG
Ten Days Lover
RomanceBecause of her friend's addiction in human auctions, She never thought she'll find the man she's been waiting for years. The man whom she made a promise when they we're young and when they still both love each other.. But it is really true that when...