Chapter 16: Nightmare's Pain

109 4 0
                                    

Chapter 16: Nightmare's Pain

It's impossible to bear the unbearable.

-Writress

***

Rose's POV

Tahimik lang akong nakaupo sa isang gilid habang naguusap-usap sina Skyler. It's been almost an hour magmula nang umalis si Jasmine dito sa bar ni Chase at nag-aalala na ako. I know her. Her system can't handle alcohol very well. Sinusubukan kong tawagan ang phone niya pero cannot be reached. Wala pa rin naman daw siya sa kanila sabi nila tito at tita.

"Hon, is something bothering you?"

Napaangat ang tingin ko nang lapitan ako ni Sky with a worried look on his face.

"Di ko pa rin ma-contact si Jaz.. Baka kung ano nang nangyari sa kanya."

Sabi ko sabay tayo para masubukan kong tawagan uli ang babaeng iyon. Magsasalita pa sana si Sky nang bigla na lang siyang inunahan ni Nightmare,

"Let her be. Malaki na siya. Kaya na niya ang sarili niya."

He coldly said pagkatapos ay nilagok ang laman ng baso niya. Napailing sila Chase at Dream sa inaasal ng kaibigan nila. Ako naman, halos sugurin ko na ang bwiset,

"ANG BITTER MO!" Inis kong sigaw sa kanya. "Wala tayong kaalam-alam kung nasaan ang nililigawan mo, pero ikaw 'tong si 'let her be-let her be' you dumbass! Para wala kang pakialam sa bestfriend ko ah!"

Inawat ako ni Sky at tinapunan naman ako ng masamang tingin ni Night. He stood up from his seat too and towered over me.

Look, alam kong medyo masama pa ang loob niya sa naikwento niya kanina saming ginawa ni Jaz. Pinapaasa siya ni Jasmine eh! Syempre, sino ba naman ang matutuwa dun? Pero he doesn't need to act like he doesn't care about her!

"Stop acting like a war-freak!"

I glared at him.

"Stop acting like a fucking bitter melon! Wala ka na ba talagang pake kay Jasmine Cruz?! Kasi kung wala, sabihin mo lang! Para maitaboy ko na siya kay Mars! Ano?! Susuko ka na, Nightmare?! Susukuan mo na siya porke't may emotional confusion siya ngayon sa nararamdaman niya? Ang babaw mo!! Well, FYI, hindi lang ikaw ang tao sa mundo, you jerk!!"

"Tsk! You know nothing woman!"

"Talaga?! Wag mo'kong maEnglish-English ha! Ano? Wala akong alam?! Eh sa ikaw nga, hindi mo man lang alam na ang bestfriend ko, nasa kung saang lupalop ng NCR at lasing na lasing!! Kapag may nangyari talaga aa kanyang masama, tingnan natin kung wala ka pa ring pakialam!"

"Rose, tama na babe..." pag-amo ni Sky sakin.

Nakita kong nakakuyom na ang mga kamao ni Night. Alam kong nagpipigil na lang siya ng galit niya. He turned his eyes at my boyfriend,

"Nepomuceno, pagsabihan mo lang yang syota mo.."

After that, he grabbed an empty bottle at ibinato niya ito sa may pader.

CRASH!

Nilapitan siya nila Dream para pakalmahin. Sa di kalayuan, narinig ko ang pagrereklamo ni Chase about the unpaid bottles or something. I rolled my eyes.

"Night, saan ka pupunta?"

Napatingin ako sa kanila nang magtanong si Dream. Nasa exit na pala ng bar si Nightmare at hindi na niya kami nilingon pa. Inwardly, napangiti ako.

He really does love my bestfriend.

~*~

Nightmare's POV

✔Sold! To The Gangsters 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon