Chapter 5: The Key

110 4 0
                                    

Chapter 5: The Key

"Having a chain on your neck isn't that fun, now is it?"

-Writress

***

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Tumatakbo ako pero paulit-ulit lang ang mga nakikita ko sa paligid. Isa ba ito sa mga cliche na panaginip na nababasa ko sa mga libro? May lalabas ba mamayang ahas dito at tutuklawin ako? O baka naman may halimaw na bigla-bigla na lang susulpot sa harapan ko?

I am aware that this is a dream.

Alam kong isa lang itong panaginip dahil ramdam ko naman ang totoo sa hindi. Ninteen years na kaya akong nabubuhay sa malupit na mundo.

But why does this all feel so new?

"JASMINE!"

I stopped. Tumatagaktak ang pawis mula sa aking noo. Nanginig ako lalo na noong kay naramdaman akong humahaplos sa hita ko. Nagsitayuan ang mga balahibo ko lalo na nang tumaas ang misteryosong kamay papunta sa dibdib ko.

Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko kung kaninong kamay iyon.

"T-Tyler..."

There he is. In his fully naked glory. He inched closer at mas inilapit ang bibig sa tainga ko.

"Shhh... wag kang maingay. Maririnig ka nila."

Suddenly, nagbago bigla ang setting. I felt my back touch something soft. Noon ko lang narealize na kama na pala ang nasa likuran ko.

And when Tyler started kissing my neck, doon na ako naluha. Pinipigilan ko ang impit kong mga iyak.

I tried.

Pero noong mapatingin ako sa lalaking nakatayo sa may pintuan, hindi ko na napigilan ang sarili kong humagulgol. I know this is a dream, but why does it feel so real? Just like the night na pinagsamantalahan niya ako.... naroon siya.

Si Mars.

He was only staring at me habang binababoy ng hayop na ito ang katawan ko. Kahit ilang ulit kong banggitin ang pangalan niya para hingan ng tulong, no to avail. Para lang itong statwa at wala kang makikitang ekspresyon sa gwapo niyang mukha.

Why? Bakit nauulit na naman ito?!

"M-Mars...he-help.."

Sinampal ako ni Tyler. And just like that, mas lalo niyang diniinan ang pagkakahawak sa akin sabay baling kay Mars with an irritated expression. "O? Ano pang tinatayo-tayo mo diyan?! Leave us!"

Mars nodded and slammed the door. And that's when I scream at the top of my lungs..

"MAAAAARRRRRRSSSSS!!!"

~*~

I opened my eyes at pabalikwas akong bumangon sa kama. Pawis na pawis ako at hinihingal pa. Dali-dali kong sinilip ang suot ko ang saw that I'm still wearing my pajamas. Napabuntong-hininga ako.

I knew it was all just a nightmare.

Ilang sandali pa, napansin kong madilim pa rin sa labas. I checked the time and it says 2:56 am. Napailing na lang ako at nahiga uli sa kama. Ang kaso, nang tingnan ko ang nightstand ko ay natigilan na naman ako.

"What the heck?"

Okay, sa totoo lang hindi na ako nagtaka nang may makita akong red rose na naman doon. But what caught my attention is the neatly-wrapped box with a note on the side.

I picked up the box at binuksan ito.

It was a necklace. Parang katulad nitong ibinigay sa akin ni Night, pero ang ipinagkaiba ay ang pendant nito.

Kung kay Nightmare ay padlock ang pendant ng kwintas, eto namang hawak ko ay susi naman ang palamuti.

"Ano ito, lokohan?" Naitanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang kwintas.

Okay, isang padlock galing kay Noctis and then now isang key from an anonymous person? Tsk. Life must be enjoying this fucked up situation.

I sighed at iniabot ang note na nasa mesa. I read it,

I am the key.
The answer to your questions.
Happy birthday, Jasmine.

----C.

Mas lalo akong naguluhan. Siya ang susi? Saan? Sa mga tanong ko? "Fuck! Ang gulo.." tumayo na ako sa kama at tinungo ang pintuan. Doon ko na lang sa basurahan sa ibaba itatapon ang mga ito.

Dala-dala ang bulaklak at kwintas, along with the note, bumaba na ako nang kusina. The lights were off pero medyo may liwanag naman dahil sa ilaw na nang gagaling sa buwan. It's full moon.

Pababa pa lang ako, huminto na ako agad.

Ipinikit ko ang mga mata ko at kinapa ang pocket knife kong nasa bulsa ng pajamas ko. Hindi ako pwedeng magkamali, may tao sa sala. May napansin akong silhouette ng isang lalaking nakaupo sa may sofa.

When I reached my pocket knife, ibinato ko ito sa lalaki.

Sling!

I heard the sound of metals clashing.

"Shit!" Mahina kong mura. Ibig sabihin lang nito ay armado ang lapastangan! Tinapon ako ang mga hawak ko sa sahig at mabilis na tinakbo ang distansya namin nung lalaki. Mabuti na lang tinuruan ako ni Chase ng hand-to-hand combat.

"Haahh----!!"

"Shhh..."

I froze. Hindi pa man ako nakakasuntok sa kanya, ay naramdaman ko na agad ang malamig na bagay na nakatutok sa leeg ko. Napalunok ako. Damn, Jasmine! Ang tanga mo.

"Sshh... wag kang maingay. Baka magising ang parents mo."

Kumunot lalo ang noo ko, if that's even possible.

Ano daw? Ugh! Sino ba kasi ang lalaking ito?! It's still dark outside kaya hindi ko makita ng malinaw ang mukha. Hindi rin naman pamilyar ang boses niya.

"What do you want?" I asked.

He chuckled, softly. "Secret."

"Tsk. Iniinis mo ba ako? At sino ka ba!"

Napabuntong hininga siya. "Hayy.. di ka talaga marunong makinig. I said wag kang maingay, right? And to answer your second question.."

Mas lalo kong naramdaman ang init ng hininga niya. It's fanning my face at alam kong ang bibig niya ang nakatapat na ngayon sa kanang tainga ko while the blade of his knife is still at my neck.

"...Ako ang susi."

And with that, nabigla ako. I hurriedly stepped backwards at di ko sinasadyang natabig ang isang vase.

CRASH!

Maya-maya pa, ay bumukas ang ilaw.

At naglaho na lang bigla yung lalaki.

"Jasmine? Bakit nandiyan ka? Anong nangyari?"

Shit! Sina mama!

Dali-dali kong hinanap kung saan napunta yung pocket knife kong nadeflect nung misteryosong lalaki kanina pero wala. Nawala yung pocket knife ko. Buti naman. I took in a deep breathe at sinagot sina mama at papa na mukhang nagtataka sa nabasag na plurera.

"Ahh.. kasi po, iinom lang sana ako ng tubig sa kusina.. but then I saw a cat at habang tinataboy ko ito, I accidentally bumped into the vase. S-Sorry po." Nahihiyang sabi ko.

I saw relief in their eyes.

Pasimple ko ring nilapitan at tinago sa aking likuran yung rose, note at kwintas na nakakalat sa sahig. Buti na lang nasa taas ng hagdan pa sina mama.

"Ay, ganun ba? Tsk.. irereklamo ko na talaga ang kapitbahay nating iyan! Perwisyo na lagi ang mga alaga niyang pusa." Dad said.

Mom nodded and looked at me,

"Oh, nasaan na ba yung pusa?"

Hayy.. buti sana kung pusa nga yung hayop na 'yon.

"Ah, wala na po. Naitaboy ko na." Sana nga.

Then I remembered what he said. Ako ang susi.. I am the key. The heck? Anong ibig sabihin nito?

***

✔Sold! To The Gangsters 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon