Chapter 1

36 1 0
                                    

Art Gallery, Los Angeles, California, USA.

"Habulin niyo 'yan! Ninakaw niya ang paintbrush ko!" Sigaw ng isang ale na may ari ng Art Gallery. Tindahan ng mga tools para sa mga taong mahilig sa Arts.

"Ha? Nasan?"
"Eh araw araw naman yang nandito, imposibleng nagnanakaw yan!"
"Hindi naman ata totoo ang binibintang nung matandang yun."

Yan ang mga bulung bulungan na narinig ko habang tinatakbo ko ang mahabang daan na ito. Shit naman kasi. Ang tagal ko nang nangungupit ng mga canvas at paintbrush dito, ngayon pa ko nahuli.

Tumutulo ang pawis ko noong nakakita ako ng wheelbarrow na may lamang mga kamatis. Tinakbo ko ito nang mabilis at Tinapakan ko ito para malaglag yung mga kamatis at magpagulong gulog yung pulis na humahabol sa'kin.

Hindi ko akalaing expert pala ako pagdating sa mga ganito.

Lumiko ako at may nakitang "Sun and Shades" na isang fashion store. May mga nakadisplay na wig sa labas kaya di na ko nag-atubiling kuhanin ang isang kulay black na may straight hair na wig roon. Hinubad ko rin ang aking jacket at tinapon sa kabilang kalye para di ako matunton nung pulis na humahabol sa'kin.

Halos nagkanda-leche leche ang converse kong sapatos pagkatapos ko tumakbo. Kahit ang sintas nito ay nawala sa pagkaka-ribbon. Hindi pa naman ako sanay magsintas ng sapatos.

Hingal na hingal kong narating ang hotel na tinitirhan ko sa Ritz Carlton. Nakakahiyang pumasok dahil nanlilimahid ako sa pawis. Puro pa man mayayaman ang nandito. Nagmukha akong gusgusin dahil sa painbrush na 'to.

Dere deretsong na sana akong papasok nang nakapa ko sa bulsa ko na wala ang aking room card. Pano ko papasok nito? Shit talaga.

Hindi naman na nakapagtataka na nawawala ang kanyang room card dahil sa sobrang kaburaraan nito. Kaninang umaga nga'y natagpuan niya ito sa ilalim ng basurahan sa kanyang suite.

Luminga linga ako sa paligid nagbabakasakaling nalaglag ang ang aking room card ngunit nakita ko ang isang lalaking mukhang kasing edad ko lang. He's wearing a black v neck shirt, black Nike jacket, black skinny jeans at black Nike air max. Nakapatong ang kanyang matipunong braso sa itim na 488 GTB Ferrari.

Yup, he's drop dead gorgeous but fuck. I think that car's more jaw dropper than him. That's my dream car for pete's sake.

Lilinga na sana ako ulit pero biglang itinaas ni kuyang naka-itim ang isang card. Holy! That's my room card.

Am I really this stupid?

Dere deretso akong naglakad at unti unting napansin ang features nung mukha niya. He has thin lips, pointed nose, blue eyes and a motherfucking jaw. Hindi ko masyadong napansin ang buhok niya dahil sakanyang hood. But i think the color's chocolate brown.

Dere deretso na sana ako pero may sumigaw na bata sa kanan ko kaya bigla akong napatingin. He's crying kasi nalaglag yung icecream niya. Ugh, stupid toddlers. Napapikit nalang ako sa inis. Ito ang dahilan kung bakit ayoko sa mga bata. Sobrang pabebe.

Pagtingin ko dun sa lalaki..

Shit he's gone.

Pero yung room card ko, nakapatong sa hood ng ferrari na yun. Tinakbo ko ang kotse at kinuha ka agad ang card at daling daling pinindot ang button ng 11th floor sa hotel. Dammnit, kinikilabutan ako.

Where's the guy? Is he a pyscho? A ghost? I hate this. Almost everyone knows na duwag ako, yet that scene did just happened in my life!

Imbis na dumeretso sa room ko, tinungo ko muna ang room ni Rain.

Katok ako nang katok pero walang nagbubukas ng pinto. "Shit, Rainbow Fray, open the damn door!

Mamamaga muna yata ang kamay ko bago ako pagbuksan ng pinto ng bruhang 'to.

Morgan Starr: The InitiationWhere stories live. Discover now