Chapter 2

45 0 0
                                    

Ritz Carlton Hotel, Los Angeles California, USA

Pagpasok ko sa elevator, pinindot ko kagad ang ground floor. It's 6:25 am at naghahadali akong pumasok. Ala-syete pa ang pasok ko pero magpapalista nalang ako ng attendance sa president.

Sino ba naman kasi ang gaganahan pumasok kapag ang unang subject mo eh about sa History. Ang topic namin ay si Pablo Picasso. Although, he's great, pero tinatamad talaga ko.

Pagkalabas ko sa elevator muli ko namang tinahak ang hagdan pababa ng hotel.

Ito ang hirap kapag walang kotse eh, mano mano sa pagsakay ng taxi.

Gustong gusto ko magkaroon ng sarili kong kotse pero kapag 22 na ako, saka palang ito ibibigay sa akin ni sister. Yup, you're right. Isang madre ang naka ampon sa akin.

Marami ngang malalaking kompanya ang kumukuha sakin pero ayaw ako pag trabahuhin. Dahil dapat raw ay hindi na ako mag alala sa mga gagastusin ko araw araw. Ugh, eh pano naman yung mga gusto kong bilhin?

Kahit na nakakatanggap ako ng $75,000 a month, ayoko pa rin bumili ng sasakyan na alam kong hindi ko pinaghirapan. Duh, ang laking pera kaya noon.

Pagkalabas ko ng parking lot, napatingin ako sa katapat na Starbucks. Nagdadalawang isip ako kung mag didine-in ba ako or hindi since marami pa akong oras before pumasok.

Ang tagal kong nakatingin sa pinto hanggang sa may shadow akong nakita sa gilid. Pagtingin ko ay nakita ko na naman ang lalaki kahapon.

Kinikilabutan ako. Pero, tumawid pa rin ako sa pedestrian lane just to know if this is a coincidence or not.

Naka-red pa ang light kaya hinintay ko muna saglit. Bago ito mag green light, may dumaang isang bus. Pagkaraan nito'y nawala na naman ang lalaki.

SHIT.

Pero kahit ganoo'y dere deretso pa rin akong tumawid dahil nakakahiya naman kung hihinto lang ako sa gitna dahil sa pagkagulat.

Bago ako pumasok ay nilibot ko muna ang labas Starbucks at nagbabakasakaling nandun pa rin siya.

But fuck, mission failed.

Pumasok ako sa Starbucks at tumunog and wind chimes sa taas ng pinto, senyales na may taong pumasok.

Umorder ako ng isang Caramel Macchiato at umupo sa isang tabi na malapit sa bintana.

Pagkaraan ng ilang minuto, napagdesisyunan kong umalis kahit hindi ko pa ubos ang macchiato ko.

Pumasok na ako sa school at nagpalista ng attendance. Pagkaraa'y umalis ako ka agad. Tumambay ako sa music room at nagpatugtog ng piano.

Tinugtog ko ang This I Promise You by N'SYNC. Best band, still.

Hindi ko akalaing matututo ako magpiano. Naglesson kasi ako last summer at nanood nalang ng tutorials sa Youtube.

Masasabi ko ngang mas matuto pa ako sa youtube kaysa sa mismong lesson.

Napapikit ako habang tinutugtog ang chorus nito.

Ngunit hindi ako mapakali dahil feeling ko ay may ibang tao dito sa music room bukod sa'kin.

Napatigil ako sa pagpi-piano at dumilat.

Pagkadilat ay luminga linga ako sa gilid at napagtantuang wala namang ibang tao rito sa loob bukod sakin.

Napabuntomg hininga nalang ako at nagpatuloy sa pagtugtog ng piano.

Sinabayan ko ang pangalawang chorus nito habang nakapikit.

Morgan Starr: The InitiationWhere stories live. Discover now