CHAPTER FOUR - AYOKO!

1.8K 41 1
                                    

Chapter four - Ayoko
-
Lexie point of view
~
Aiiisshhh bwisit talaga, nakakainis, natapos na ung laro nila kulugo, nahulog pa ako sa bleachers kakatulak ni kuya, kasi naman pinipilit nya akong magcheer, nagchicheer na nga ako, ang arte arte pa! Oh diba? Nakakainis, sabagay, wala naman palang araw na hindi ako naiinis

Kasi naman, pati dun sa sinabi nyang thankyou bebe ko ewww yuck talaga, hindi ko maimagine errr muntik pa nga akong atakihin sa puso nung sinabi nya yun jusmiyo

Basta ako, kay ano lang ako, royal kaya ako kay Crush no, ay este loyal pala😂✌

"hi bebe ko? ^_-" ay shett kumindat pa ang loko, kala mo naman bagay nya kumindat eh, panget kaya, nagmukha syang ewan, sa totoo lang, hindi ako nagbibiro

"ewww, mamatay ka nga sa mga pinagsasasabi mo!" sabay rolled eyes ko sa kanya

Feeling naman nya eh, napilitan lang naman ako kaya ko sya pinagcheer, kung hindi lang naman dahil dun sa sinabi ni kuya na ipagkakalat nyang----aahhhhhhh ayaw ko na ngang maalala yon pero tong makulit na bunganga ko! Ang daldal grabe😂

"aba, choosy ka pa! Ayaw mo non, tinatawag kita bebe ko? *smirks* btw. Walang nagbago sayo ang panget mo talaga nakakairita"

"EHEM!!! YUCK ako choosy? Haha kapal mo! Sobra!! Tsaka para sabihin ko sayo! HINDI AKO PANGET DAHIL DYOSA AKO NG KAGANDAHAN! DYOSA AKO SA LAHAT NG DYOSA!"

"bakit? May tao bang manipis? Tsaka anong sabi mo? HAHA patawa ka gagi! Ikaw? dyosa? Aba kailan pa? Ang panget mo! Kaya tanggapin mo nalang ang katotohanan!" aba loko to! Magpilosopo pa, sarap iprito sa kanal ya know?😆

"hmmp!!" inirapan ko nalang, uuwi nalang ako kaysa makipagaway sa kulugong yan, puro mga walang kwenta naman, buti pa sa bahay, kakain nalang ako tapos maglalaro kami ni botchog, botchog tawag ko sa aso ko, ung bulldog kong aso, kasi para kapag pumunta sa bahay yang apat na barkada ng kuya ko, ipapalapa ko sila😂tapos manonood ng harry potter tapos tapos tapos tapus na😂😂kaso pinahiram lang pala sakin si Botchog kaya kukunin din sya T.T
-
Nagcommute nalang ako, kaysa naman makisabay pa ako kila kuya, tyak na pupunta pa yon sa party nila kulugo no, ay dapat pala sumama ako kasi madaming pagkain don, kaso wag na kasi nandon si Aaron, kung sanang wala sya hayysss

Pagdating ko ng bahay naligo muna ako bago kumain

"Hshaiqiqmnshxywoqonsbxua *cough*" ahh nagulat ako don ah, kasi si Kuya, nasa harap ng pinto akay akay si Aaron, mukhang lasing na lasing, ano na namang gagawin nyan dito? Wag nyang sabihing dito nya patutulugin yan? Tss no no no no way!

Lumapit ako tas nakita ko pati na din si Cedric, buhat buhat nya si Cloud na mukang lasing din, tas si Calvin naman nasa kotse, tss -,- nasira na naman gabi ko, nakita ko na naman kasi sila eh!

"oh! Dalhin mo si Aaron sa kwarto mo, ihahatid ko pa tong si Cloud" utos sakin ni Kuya, sabi na nga ba eh, dito nya to patutulugin, eh teka bakit sa kwarto ko pa? -,-

"AYOKO NGA! WAG AYOKO SA KWARTO KO, KUNG GUSTO MO DYAN SYA MATULOG SA SALA" oh Capslock pa yan

"dadalhin mo o dadalhin mo?" ang sama ng tingin sakin ni Kuya, eh bakit ba kasi sa kwarto ko pa? Payag naman akong dito sya matulog eh kaso wag lang sa kwarto ko, no way

"ayoko, kuya naman eh, bat hindi nalang sa kwarto mo?" naasar ako, oo promise naasar talaga ako, kapag kasi si Kuya na nagutos sakin as if naman may choice pa ako, syempre sya na masusunod non sa ayaw at sa gusto ko

"ano? Sagot! Isa...." hala, nagbilang na sya! Huhuhu as if may choice ako, hmm

"oo na, as if naman madadala ko yan! Eh ang bigat nyan eh" reklamo ko, baka pagbinuhat ko yang Aaron na yan, gumagapang nalang ako, oo na malaki nga ung katawan nya, syempre joke lang yung sinasabi kong payatot sya no, laki kaya ng abs nya, parang ung abs lang ni Jimin ng bts😂

"asus! Mas matimbang ka pa nga sa kanya eh, tsaka wag ka ngang reklamo ng reklamo dyan! Dalhin mo na sya sa kwarto mo!"

"kala mo naman!" bulong ko, tas aawww ang bigat nya, haysss! Bat naman kasi sa kwarto ko pa? Eh pwede namang sa kwarto nya!

*unat ng braso* hayssss sa wakas, nakarating na kami sa kwarto ko, arrgghh! Nagdadalawang isip tuloy ako kung papasok ko ba sya sa kwarto ko

Bat naman kasing anong kagaguhan ang alam ni Kuya?

Arghh, as if naman may choice ako, teka, pwede ko namang ipasok nalang sya sa c.r at don sya matulog sa bathtub diba? >_<

Hehehe joklang! ✌✌

Hawak sa doorknob, bukas ang pinto, shett ayss

Ginuyod ko sya, hanggang sa kama ko, ang bigat nya kasi eh, nakuba na ako sa kanya

"bat naman kasi kailangan pang sa kwarto ko kita papatulugin? Pwedi naman sa c.r!!" reklamo ko, as if sasagutin nya ako, tulog nga eh diba? Tsk..

Hayss! Sa wakas, nahiga ko na sya ng maayos, paano na to? San naman ako matutulog? Alangan naman dito sa lapag? Eh kung ihulog ko nalang kaya sya sa hagdan?
-
Habang nagmumuni muni ako, napatitig na pala ako kay Aaron, infairness ang cute nya pala...pag tulog HA-HA pag tulog lang naman sya cute eh, tapos ang cute pa ng pilikmata nya, ang haba kasi eh, nga pala nasa malapit ako sa kama, kung saan nakapatong ung baba ko, gets nyo ba? teka linawin ko ah, baka kasi ano eh, ganto yan nakaupo ako sa lapag tas ung baba ko naman nakapatong sa kama, kaya ang lapit ko kay Aaron

Napatingin din ako sa labi nya, ung red lips nya sheettt bakit ba tinititigan ko tong kulugong to? Anyare? Dapat sinipa sipa ko na to eh! Pero bakit...aysss antok lang to! Inaantok na ako, haysss

Teka silipin ko nga muna si Kuya kung nasa kwarto na sya, para kapag wala pa sya, edi don ako matutulog, okay lang na matulog ako sa lapag basta't ayokong makatabing matulog si kulugo no, err kaya so grrrr

Hawak sa doorknob-----"anong gagawin mo dyan hah? Balak mong dyan nalang matulog?" (╥_╥)ay shett

"ah hehehe hindi kuya, ikaw naman, sisilipin sana kita kung tulog ka na, syempre nagaalala ako sayo eh, hehehehe sige gudnyt labyuuuu" hehehe tas tumakbo na ako sa kwarto ko, nakakatakot kaya ung itsura ni kuya, nanlilisik ung mata nya, lagi naman eh, para tuloy syang nakadrugs, laging nanlilisik ung mata eh>_<

Bumuntong hininga ako habang nakatingin kay Aaron "oo na, matutulog na nga ako sa lapag eh" nababaliw na ako -_-|| kinakausap ko sarili ko eh

Kinuha ko ung unan, na nasa gilid ni Aaron, tinabi ko sa may kamay nya, tapos pinatong ko ung ulo ko sa kama, bale naka upo ako sa lapag tas ung ulo ko nakahiga sa kama, gets nyo? Kung hindi basahin nyo ulit kase

*yawn*😀✌✌

Crazy Thing Called Love (On-going)Where stories live. Discover now