CHAPTER TWENTY THREE - JEALOUS

1.3K 27 0
                                    

Chapter twenty three - Jealous
-
Lexie point of view
~
Tapos.....

*ring....ring....ring....ring

Yahhh!! May tumawag sa phone nya, kainis!! Yun na un eh! Yun na un!--hala anong un na un? Taena. Walang yun na un!

Nanigas ako dito sa kinatatayuan ko habang pinapanuod ko sya habang may kausap sa cp nya..

Mababaliw ako promise! Kita nyo, ang dami dami ko ng sakit, una ung biglang bumibilis ung oras, tapos nanginginig ako tapos, bumibilis ung tibok ng puso ko tas ngayon naman naninigas? Hala, malala na nga ako, pinagpapawisan pa ako susme. Ang lakas lakas na nga ng aircon eh -,-

Ng ibaba nya ung phone nya, lumapit sya sakin tas sinandal ung kanan nyang kamay sa pader, lumapit sya sa mukha ko sabay sabi ng

"Itutuloy na ba naten?"  yahhhhhhh nanlaki ung mata ko, susmaryosep, pinagpapawisan ako oh god! What to do? What to do?

"Hah?-anong--itu-tuloy natin?" luh, bakit nanginginig ung boses ko???😱😱😱shemay naman ohhh!!

"ung kanina"

"hah anong--kanin--a un--ung kis--ay anoo?"

"HAHAHAHAHA ung cooking lesson!" luh? Nudaw? Ay! Un lang pala susmaryosep ginoo

"si-sige" wait? Bakit hanggang ngayon nanginginig parin ung boses ko? Nyare?

Dumiretso nalang ako sa lamesa at pinagmasdan lang si Aaron, oo pinagmasdan ko lang sya hanggang sa matapos nya ung niluluto nya

Eh sa wala naman akong alam gawin edi pinanuod ko nalang sya magluto, ang sarap pa ng amoy, lalo tuloy akong nagugutom -,- patay gutom ako eh

"oh eto tapos na"

Kkkyaaaaaaaaaaa nanlaki ung mata ko my gahdddddd naglalaway na ako...😱😲😲ang charapppppppp spaghetti, my peyburit😂

Hindi ko na sya hinintay pang magsalita basta inagaw ko nalang sa kanya ung hawak nyang plato na may lamang spaghetti, natawa pa nga sya eh kasi nadulas ako pero nasalo ko ung plato yehh ang galing ko no? Hinayaan ko nalang syang mamatay kakatawa dun, basta gutom ako eh, teka nga, san pala sya kumuha ng spaghetti? Ang pagkakaalam ko wala kahit anong makakakin dito eh

Aahhhh--ang sharapppppp yooooooo

"kahit kailan talaga! Patay gutom"

"pake mho vah? *ehemmmmm* ang charap charap kaya sakah ghutom iz mi eh" nabubulunan pa ako dahil punong puno ung bibig ko. Eh pakielemero kasi eh kala mo

"Hahaha" tumawa! Baliw yata, tumatawa ng walang tinatawanan, naku..tsk tsk

-

Whaaaaaaaa nabitin ako, humingi pa kasi eh!

"huy layas ka nga dyan hihiga ako!" utos ko sa kanya, pano ba naman kasi ang sarap ng higa nya dun sa sofa -,-

"pagkatapos kitang ipagluto!! Wala kang utang na loob!"

"wala talaga! Kaya layas!"

"ayoko nga, kung gusto mo dito ka, patong ka sakin!"

"YAHHHHH!!! BASTOSSSSSS"

"HAHAHAHHA ano namang bastos don? Green minded ka lang eh, sabagay ganyan talaga epekto kapag pinagnanasahan mo ang isang tao! Yahhhh"

"KAPAL MO ULUL. EDI IKAW NA DYAN! SOLOHIN MO!" hmp! Ang bastos nya! Pumatong daw ako sa kanya, aba ang kapal, kung gusto nya dun edi dun sya, sa lapag nalang ako uupo -,-

Habang feel na feel ko ung panonood ng doraemon bigla nya nilipat ung channel kkkyaaahhhh

"HOY! Bat mo nilipat hah? Nakita na ngang nanonood ung tao eh!"

Crazy Thing Called Love (On-going)Where stories live. Discover now