21-Axis

3.2K 60 0
                                    

Ally’s POV

Hindi ko akalain na ang ganitong pakiramdam mararamdaman ko ng dahil sa isang lalaking walang ginawa kundi inisin ako, asarin ako, paiyakin ako, saktan ako. Hindi ko na alam na ganito pala kasarap magmahal ng lalaking hindi mo gusto. Sabi nga nila expect the unexpected at ito ang isa sa mga bagay na hindi ko inaasahan, sino ba naman kasing matinong maiinlove sa lalaking walang ginawa kundi gawin impyerno ang buhay mo, Pero bilog nga ata ang mundo. Dahil minahal ko ng higit sa sarili ko ang lalaking kaharap ko ngayon.

“Why are you looking at me?” Nakasimangot niyang sabi. Hahaha ang arte niya hano?

“Ngayon ko lang narealize”. Tumayo ako.

“Na?”

“Pangit ka pala” Nakapokerface ako ng sabihin ko yan, kitang-kita ko yung panglalaki ng mata niya, Affected much oh? Subukan niya lang naman lumandi tanggal lahat sakaniya ang lahat ng pwedeng tanggalin >:D

“Gwapo ako” Sabi niya ng nakatingin sakin.

“Hindi nga kita crush eh” diretsahang kong sabi.

“Baby naman” Nakita kong tumulis sang nguso niya, Hahahaha ang gwapo ni Jaydee shet!

“Seryoso jaydee”

“You’re inlove with me, okay lang kahit na hindi na ako gwapo ang mahalaga lang ay ako ang mahal mo” Shet naiispeechless ako mahal sa pinagsasabi mo.

“Talaga?” I love teasing him, dati naghihisterical siya pagsinabihan mo siyang pangit but now? Ibang jaydee na ang nakikita ko. Ibang-iba na kase sa date.

“Yeah, naisip ko din na hindi ko na kailangan ng mukhang ito dahil sawang-sawa na ako kung pwede ko nga lang ibigay sa iba ibinigay ko na” Sobrang yabang =__= Nakakaurat ang pinagsasabi mo mahal.Hinampas ko siya ng throwpillow sa mukha, baka sakaling matauhan.

“Hoy Jetron Daze Villanueva sobrang taas ng confidence mo ha?!Baka makarating ka na niyan sa langit”. Nakataas ang kilay ko sabi sakaniya.

“Baby naman, gusto ko na ngang ipamigay ito eh, para hindi ka nagseselos sa tuwing may titingin sa mukhang to” Napatitig ako sakaniya, sino nga naman nagsabi ng isang lalaking ubod ng gwapo at mahal ng kababaihan mamahalin ako ng ganito?

“Hindi naman ako nagseselos eh” Totoo yun, dahil kahit kailan hindi naman niya ipinaramdam sakin na dapat akong magselos.

“Bakit?”

“Dahil hindi ka gumagawa ng dahilan na ikaseselos ko Jet, You always makes me feel na mas maganda ako sa iba, na mas mabait ako, na mas mahal mo’ko”. Hinawakan niya yung kamay ko, pakiramdam ko sa tuwing hawak niya ang kamay ko, ako yung pinamswerteng babae sa buong mundo.

“Because you deserved to be treated that way baby, treated to belove and to care”. Nginitian ko siya, saan pa ba ako makakahanap ng lalaking ganito? Gwapo na, Sexy na, Magaling pa magenglish! :”>

CHASING HEART : The Player(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon