27-Lovedance

7.3K 112 2
                                    

Jaydee’s POV

Iniwan nanaman niya ako tangina naman bakit palagi na lang? Bakit palagi niya na lang ako iniiwan? Bakit ganon? Ang dali-dali naman sakaniyang iwanan ako eh. Andali-dali

Pinapanuod ko siya habang papalayo, maghihintay ba pa ako Ally? Bakit palagi na lang ako ang naghihintay? Bakit palagi na lang akong napagiiwanan? Bakit palagi kang tumatakbo? Hindi ba pwedeng dito ka lang? Kasama ko.

Bumalik ako sa loob ng condo, siguro nga kailangan niya, kailangan niya pero ako kailangan niya rin ba? Sapat na ba na mahal niya lang ako? Sapat na ba iyon?

Gulong-gulo narin ako, hindi ko na alam paano mang maayos ang gagawin ko, paano pa kaming maayos bakit sa tuwing gusto ko maging okay kami lagi na lang gumugulo?

Tanginang buhay to! Kailangan ba kami magiging maayos? Nahihirapan narin ako.

Ally’s POV

“Hindi kita iiwan babalikan kita hayaan mo muna ako magisip gulong-gulo na ako, tandaan mo babalik ako”. Tumalikod ako sakaniya at nagsimulang lumayo, kailangan ko ng oras para makapagisip hindi kasi maitindihan ng utak ko. Hindi talaga as in.

Bumaba ako malapit sa may kanto ng apartment ko, pumasok ako sa loob, kailangan ko isipin kung ano ang gagawin ko bukas kapag nakita ko ulit siya, alam ko nasasaktan ko nanaman siya pero naguguluhan naman kasi ako.

Ako pala yung asawa niya, natutuwa ako kasi ako yun pero nakakainis naman kasi malamaman na ganun -_- Na hindi man lang naging romantic yung  kasal naming nakakainis lang isipin ah! Hindi man lang nangyari yung dream wedding ko. Oo nga siya yung gusto kong groom pero mahalaga parin yun!

Pero naiisip ko, ako nga ba ang makasarili o si jaydee? Si jaydee na laging andiyan para sakin? O Ako na laging nasasaktan pag ang usapan na si Jaydee. Minsan iniisip ko dapat bang ako yung pinakasalan niya? Dapat bang ako yung babaeng makakasama niya habang buhay? Dapat ba ako? Karapatdapat ba ako?

Pero karapdapat din ba si jaydee para sa sakit at pagmamahal ko? Pero kahit naman hindi siya karapatdapat gusto ko parin siya ang makasama ko sa pagtanda ko.

Yung tawa niyang nakakabuhay sa mga ugat ko, Yung mga halik niya nakakapagpatibok ng puso ko, Yung boses niyang hinahanap-hanap ko sa tuwing nagiisa ko.

Gusto ko siya makasama habang buhay ako~ Kahit ata sa second life pa siya padin ang gusto ko makasama. Kaya lang kapag wala pa akong ginawa ngayon siguradong ako ayaw na niyang makasama. Pero kasi naman hindi ko na alam.

Ring~~

Calling Maddie

“Hello”.

“Hay salamat sinagot muna, gusto mong malaman kung anong nakikita ko?”.

CHASING HEART : The Player(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon