26-SoClose

3.5K 62 0
                                    

Ally’s POV

Gusto ko siya pakinggan pero alam kong masasaktan lang ako, kaya mas ginusto ko na lang hindi marinig ang sasabihin niya, it will be the last lalayo na ako pagkatapos ng isang araw na ito. Hindi ko siya guguluhin o ano pa man. Gusto ko lang makasama siya, makausap siya, mayakap siya. Gusto ko lang mahalin siya.

“Baby ready?”. Nakatingin ako sakaniya, napangiti ako, he still the same. Yung lalaking minahal ko ng husto siya padin.

“I’m ready!”. Nakangiti kong sabi, nagulat ako ng kabigin niya ako at yakapin ng husto.

“Kung alam mo lang kung gaano mo ako napapapsaya”. He whisper. Gusto ko maiyak. Yumakap din ako sakaniya ng mahigpit. Mahal na mahal kita my mind said.

Nakarating kami sa tagatay, hindi ko alam bakit dito pero pakiramdam ko hindi ko makakalimutan ang araw na ito.

“Nagustuhan mo ba?”. Nakangiti  niyang sabi. It was amazing, kung ako siguro siya araw-araw kaming masaya. At hindi ko na uulitin uli yung ginawa ko nung araw iniwan ko siya.

“Zipline tayo!”. Nakangiti kong sabi kay jaydee. Tumingin lang siya sakin at tumango. Grabe sobrang ganda dito sa tagaytay naglalakihang puno halos lahat ng makikita mong dahon ay nagsasayaw sa hangin.

Huminga akong malalim alam kong sandali lang to, pero sana huminto ang oras habang nasazipline kami ng lalaking mahal ko.

“Ready?”.

“Ready!”.

“Ahhhhh!!!!!!”.

“OHhhhh!”.

“Jaydee Maaaahaaaal Kitaaaaaa!”. Hindi ko mapigilang isigaw, nagulat ako ng humigpit yung hawak niya sa kamay ko. Then isang kumpas lang nakaraos na kami.

Naglakad-lakad kami ni Jaydee, ilang oras pa ba mayroon ako? Ilang oras ko pa siyang makakasama.

“What happen to you and axis?”. Napatingin ako sakaniya.

“Me and Axis? We try but wala talaga eh”. Hindi kayang magtaksil ng puso ko para sayo jaydee.

“Bakit?”.

“Ako kasi may kasalanan, pinilit ko pa lalo ko lang siyang nasaktan”. Napangiti ako. Gusto ko magtanong pero natatakot ang puso ko.

“Ikaw? Kayo ng Asawa mo?”.

“Masaya kami, sobrang saya”. Nakita ko ang pagningning sa mga mata niya, siguro nga masaya na siya.

“May plano na kayong magkababy?”. Kailangan ka pa naging martit allysandra? Bulong ng isip niya. Simula ng makilala ko siya.

CHASING HEART : The Player(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon