23-Closure

3.2K 54 0
                                    

Ally’s POV

Hindi ko inisip na minsan mangyayari samin to, na para bang isang bagay lang nasira lahat ng pinagsamahan namin, isang hindi bagay na hindi napagusapan at sumira ng masayang relasyon. Kung napakinggan kaya ako ni Jetron aabot kaya kami sa ganito? Malamang hindi, malamang masaya kami ngayon. Shet bakit ba naiiyak ako? Hindi naman niya ako namimiss pero siya naman mis na mis ko na, ano kayang ginagawa niya.

“Mayang”. Napatingin ako si Axis, hindi ako sakaniya nakatira ieexplain ko, nandito lang ako ngayon sa condo niya.

“Axis”. Yumakap ako sakaniya, hindi pa kami nakakapag-usap dahil kagaling-galing niya lang galing sa bugbog na naranasan niya kay jaydee.

“Stop crying, sorry mayang ko”. Ngumiti ako sakaniya ng bahagya hinawakan ko yung kamay niya at inayang maupo sa couch nila.

“Axis hindi na kasi pwede tayo”. Nakatingin ako sakaniya, nakita ko yung pagbahid ng sakit sa mukha niya sorry axis I will hurt you but not Jet.

“You really love him Mayang?”. Tumango ako, alam kong mabait si axis at maiitindihan niya ako.

“Pero bakit hanggang ngayon hindi ka niya kinukuha sakin?”. Nagtatakang tanong niya.

“I guess so pinabayaan na niya ako”. Sana naman hindi may ilang pursiyento pa ako napag-asa na isang araw babawiin niya ako.

“I can help you mayang”. Nakatingin ako sakaniya.

Sinabi sakin ni Axis ang plano, ang plano daw namin dalawa ay ipapakita naming kay Jetron na hindi ko na siya mahal na kahit konting panahon lamang ay nahulog na ang loob ko kay axis, Tapos aayain niya ako magpakasal.

“Ayoko Axis”. Ayoko isipin na gagawin ko ang mga bagay na iyon hindi ako desperada kung mahal niya ako kahit hindi ko gawin ang mga bagay na iyon kusa siyang babalik sakin.

“Paano kung hindi na siya bumalik”. Nakagat ko ang ibabang labi ko. isa lang naman ibig sabihin pag hindi na siya bumalik ibig sabihin nun hindi na niya ako mahal yun lang yun.

“Matatanggap mo ba kung sakaling hindi siya bumalik?”. Napalunok ako matatanggap ko nga ba I think no. Kahit kailan hindi.

“Hindi diba Mayang, come-on gusto lang kita tulungan, gusto ko bago ako umalis ng bansang ito, masaya ko iiwanan ang babaeng mahal ko”.

“Axis”. Nagluluha ako, kasi naman bakit ba kasi ang ganda ko?! May isang lalaking gagawin ang lahat para sakin.

“I’m fine mayang”.

“No Axis let try”. Nakangiti kong sagot, ang lalaking kagaya niya hindi dapat sinasaktan o ginagamit man lang.

“Let try what?”. Nagtatakang tanong niya.

CHASING HEART : The Player(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon