11-Forum

3.5K 65 3
                                    

Ally’s POV

“Wag mo na ako iiwasan ha? Ayoko ng pakiramdam ng namimiss kita”.

“Wag mo na ako iiwasan ha? Ayoko ng pakiramdam ng namimiss kita”.

“Wag mo na ako iiwasan ha? Ayoko ng pakiramdam ng namimiss kita”.

“Wag mo na ako iiwasan ha? Ayoko ng pakiramdam ng namimiss kita”.

“Wag mo na ako iiwasan ha? Ayoko ng pakiramdam ng namimiss kita”.

“Wag mo na ako iiwasan ha? Ayoko ng pakiramdam ng namimiss kita”.

Arght! Naiinis na ako bakit ba palagi ko na lang naririnig yung sinasabi niya na yon? Nakakainis naman kase eh, ayoko ng ganitong pakiramdam feeling ko mababaliw ako!

Naiinis na ako, hindi ko talaga alam to eh! Bakit ba ako lang ang nakakaramdam ng punyetang lovesickness na ito? Bakit parang yung iba hindi sila nagkasakit ng ganito?

“Uy Ally”.

“Hi Aimee”.

“Uhm may klase ka pa ba?”. Sabi niya ng nakangiti, mukha talaga prinsesa yung babae na ito.

“Wala na”. Nakangiti kong sagot.

“Then great!”. Sabay hila niya sa kamay ko, saan niya kayo ako dadalhin sumakay kami ng kotse pero bago kami sumakay may humawak ng kamay ko.

“Hey brat saan mo siya dadalhin aber?”. Sabi ni Jaydee habang hawak ang kamay ko. . bigla nanaman kumabog yung puso ko dyusmiyo naman ano ba naman klaseng puso to kabog na lang ng kabog.

“It’s girl talk hindi ka kasama pwede ba hihiramin ko muna siya ngayon sosoli ko na lang bukas!”. Sabi ni Aimee at hinaltak ako papasok ng kotse. Nakita kong dumungaw si Jaydee sa kotse.

“Hindi pa man din kayo ang possessive na ha? Pukpukin ko ng bag sa mukha yan eh”. Sabi ni Aimee ng nakangisi. Hmm maya-maya pinaandar ni Aimee yung kotse feeling ko naiwan pa sa school yung kaluluwa ko.

“We’re here!”. Sabi niya nakapagpabalik ng ulirat ko. Hindi ko alam kung kanino itong bahay pero maganda talaga as in, walang-wala yung apartment ko eh -___-

“Nasaan ba tayo?”. Tanong ko kay Aimee.

“Nakila Maddie tayo”. What maddie? Hindi ko alam pero parang ayoko ng bumaba ng kotse.

“Come-on Ally we’re just having fun tara na sa loob”. Sabi niya habang hila-hila ang kamay ko.Nagpatianod naman ako.

“Ally”. Sabi ni Maddie at niyakap ako, parang nuong isang araw umiiyak siya ngayon naman ang saya-saya niya.

Umupo kami, ang ganda ng bahay ni Maddie wala na sigurong hahanapin si Jaydee kung sakaling sila, pero paano si Alex?

“Ally, hindi kami ni Jaydee pinsan ko siya kung yuon ang iniisip mo”. Napatingin ako kay Maddie magpinsan sila?!Diyusko napakatanga ko naman aish!

“Aminin mo na, Inlove ka sakaniya no!”. Nakangiting tudyo sakaniya ni Aimee. Ako? Inlove kanino?

“Hindi ah!”. Sabi ko paano ako maiinlove sakaniya? Eh nasasaktan niya nga ako tapos napapasaya pa! Kaya hindi ako maiinlove ako sakaniya.

“Oo halata naman, alam mo dahil sayo nagbago yung pinsan ko”. napatingin ako kay Maddie nakangiti ito sa akin. Ay nako ano ba naman kasing inlove ang sinasabi ng mga ito.

“Kaya hindi mo’ko kinausap nun nagseselos ka no?”. sabi ni Maddie sakaniya. Nagseselos heck? Hindi niya nga alam paano magselos eh, paano siyang magseselos.

“Nung nakita mo kami, imbis na lumapit ka samin hindi ka lumapit at halatang malungkot ka,sabi ni Jaydee nagwalk-out ka nung pumasok siya sa room at hindi mo siya kinakausap”. Sabi ni Maddie.

“At ally nagseselos ka ng mga oras na iyon, Masakit hindi ba? Parang may tumutukso sa puso mo”. Napatingin ako kay Aimee paano niya alam?

“Naramdaman ko iyan, maraming-maraming beses na,”. Hindi kaya siya napapagod.

“Mahal mo siya diba?”. Sabi Maddie na

“Kase kumakabog ang puso mo tuwing nakikita mo siya”. Geez maghuhula ba sila?

“Naramdaman namin yan Ally. . Lagi ganyan ang puso ko tuwing nakikita ko si Yuki nuon natatameme pa nga ako”. Napangiti ako sa sinabi ni Aimee natatameme siya? Ako nauutal siguro nga mahal ko na si Jaydee.

Pero kung sakaling mahal ko siya, may katugon naman kaya ang nararamdaman ko para sakaniya?

“Ipaglaban mo siya Ally ha?”. Sabi ni Maddie habang hawak ang magkabilang kamay ko, ngumiti ako at tumango, Ipaglalaban ko siya hanggang sa makakaya ko.

Ganito pala ang pakiramdam ng may mahal, parang lahat ng oras hindi mo mapipigilan ngumiti. Masarap pala magmahal. . kahit na hindi pa si Jaydee ang gusto kong prinsipe hindi mo pala pwedeng sabihin sa puso mo na “Ooops wag yan hindi ka bagay diyan”. Dahil kahit ano pang sabihin mo o ipilit mo hindi iyon mangyayari kapagtaliwas ang kagustuhan ng puso mo sayo.

At ngayon tanggap ko na, Mahal ko si Jaydee. . Sana lang kahit papaano kahit konti may chance ako na mahalin niya, kaya pala ako may lovesickness dahil sa lalaking yon.

Nako Jaydee mahal kita! Shet.

=

Ayii alam na ni Ally, ano kayang mangyayari sakanila ni Jaydee? Hehe abangan mo! :)

Vote & Comment. <3 Salamat po!

©Unhart.

CHASING HEART : The Player(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon