~Raeseok’s POV
“Kris gege, si Sehun ba ang kausap mo?” tanong ko sa nakatalikod na si Kris.
Agad naman siyang lumingon at tiningnan ako with wide-open eyes. “H-ha? A...a-h... oo! Si Sehun nga,” sabi niya.
Bigla namang nagchurn ang tiyan ko. Parang di ko alam kung masisiyahan ba ako kasi kausap niya ang lalaking yun o magagalit dahil kinakausap niya ang kaaway ko. “Bakit mo siya kausap?”
“A-eh-ah-eh-ah.. may chine-check lang siya.” Ha? Di ko siya ma-gets.
“Anong check? Bigay mo nga yan sa akin,” sabi ko habang pilit inaabot ang cellphone ni Kris. Pero sa kasamaang palad, di ko naabot. Nakalimutan ko kasing 6-footer nga pala ang higanteng si Kris.
“Ooops! Wag na!” sabi niya at tinaas ang dalawang kamay niya. “Sige, bye Sehun!” at pinatay niya na ang cellphone niya.
“Ano pala yun?”
“Wala. HAHA. Tsismosa ka na pala ngayon, Love,” natatawa niyang sabi.
“E-e-excuse me? Ako? Tsimosa? Di no! Concerned lang ako.”
“Kanino? Sa akin o kay Sehun?”
G*go ‘to si Kris ha, kung pwede ko siyang batukan, well, ginawa ko na siguro (kaso matangkad siya: HIGANTE siya). Bakit naman kasi ako magiging concerned kay Sehun? Sinabihan nga niya akong malandi tas mako-concern ako sa kanya? IMPOSSIBLE!
“Of course, sa iyo no! Sino naman si Sehun para maging concern ako? Mas close kaya tayo.”
“Thanks, Love.” sabi niya habang nakatingin sa akin. Um? Ano bang sasabihin ko. Isip. Isip. Isip. Isip. Isip. Isip. Isip. Isip. Isip. Isip. Isip. Isip. Isip. Isip. Isip. Isip.
Okay, I give up! Wala akong maisip na sasabihin.
“Ah... uh... eh...” Inaamin ko, AWKWARD to masyado. “Ba’t ba ganyan ka magsalita? Tingnan mo ang awkward na tuloy!” panunumbat ko kay Kris. Siya naman talaga may kasalanan eh!
“HAHAHAHAHAHA! Ang cute mo pag ganyan ka,” sabi niya habang ginugulo ang buhok ko.
“O-oy! Wag!” sinita ko si Kris dahil sinisira niya ang hairdo ko.
Ngumiti lang siya at nagpatuloy sa paggulo ng buhok ko. Aba ha! Ilang oras tong pinagpaguran ng stylist ko tas guguluhin niya lang... sus! Kung di ko lang siya bestfriend, kanina ka po siya nasapak. “Kris gege, alam mo bang pinagpaguran ko tong buhok ko, pati ng stylist ko? Then, guguluhin mo lang? Mga tatlong oras kaya tong inayos tas sisirain mo lang?”
“HAHAHAHA!” At nagawa niya pang tumawa ha, habang ginugulo parin ang buhok ko. Nawiwili na siguro siya sa ginagawa niya. Pwes...
“YAAAAAAAAAH~!” Ooops! Banmal!
[A/N: banmal – informal speaking]
“Ano sabi mo?” Bakas sa mukha ni Kris ang pagkabigla. Patay.. Someone, save me naman. Matitigok ako ng maaga dito. Ayaw pa naman ni Kris na nagba-banmal ako. Pero kasalanan niya naman diba? Diba?
“Pumunta na kayo sa dressing room! Magretouch na kayo! Malapit na matapos ang commercial break kaya double time! Nandun na ang mga susuotin niyo sa dressing room!” sigaw ng isa sa mga managers namin.
BINABASA MO ANG
One True Love [EXO]
FanfictionIsang Rookie girl version ng EXO. May magka-inlove-an kaya sa kanila at ng EXO? O hindi kaya mag-work out ang desisyon ng management nila sa paggawa ng isa pang version ng EXO? Read before you judge! >>