CHAPTER 7

36 3 0
                                    

~Raeseok’s POV

Shucks! Ba’t ba sila nakatitig silang lahat sa akin? Pwede niyo bang ipagpatuloy ang mga ginagawa niyo?

“Wow! Ang ganda naman ni Rae!” sabi ni Host #1 at nag-agree naman silang lahat. =__= Nagbihis lang, maganda na agad.

“So, dahil complete na kayo, we will proceed to our next game which will be called…”

Pabitin lang?

“THE WEDDING GAME!!” sigaw ng apat na mga hosts. Nagtilian naman ang mga audience. So? Ano nga palang nakakatuwa dun?

“Here are the mechanics: Ang partner niyo ay yung partner niyo kanina sa first game. Simple lang ang gagawin niyo. Kailangang buhatin ng mga lalake ang mga partners nila na parang bagong kasal. Then, kailangan niyong makapunta sa church. PERO, bago kayo makapunta dun, kailangan niyong harapin ang mga obstacles,” pag e-explain ni Host #3.

Nakakabad trip naman to. Si Tao pa talaga. =___= For sure, madi-distract lang yan kay Pia. Sana nalang walang masamang mangyari.

“OK. On your mark, set, GO~!!”


~Yuki’s POV

“Hayy! Ang bigat! Siguradong matatalo talaga tayo ngayon...” hopeless na sabi ni Luhan. Nagpaparinig ba ang bopol na’to?

“Nagsasabi kang mabigat ako, eh di mo pa nga ako binubuhat. Hoy! Tama lang kaya ang weigh—kyaaaaah~!” Bwisit ka Luhan! Buhatin pa naman ako ng biglaan?! BWISIT ka talaga.

“Tch! Ang dami mong dada diyan! Matatalo talaga tayo dahil nagsisimula na ang game,” sabi niya at naglakad na habang buhat-buhat ako.

“HOY! Matatalo talaga tayo dahil ang bagal mo maglakad! Try mo kayang tumakbo,” sabi ko sa kanya.

“Mabigat ka kasi.” Inaasar niya ba ako? Pwes, kung oo, hindi ako magpapatalo.

“Mabigat ba talaga ako, o sadyang mahina ka at walang muscles?” Akala niya lang siya ang marunong mang-asar, ako rin no.

“Wala palang muscles ha.” Bigla siyang tumalilis ng takbo habang buhat-buhat ako.

“KYAAAAAH~!” Natatakot ako. What if mahulog ako? Ayoko no. Napakapit nalang ako sa leeg ni Luhan. Alam kong nakakadiri, pero uunahin ko pa ba ang kaartehan ko kung ang buhay ko ang nakasalalay? DIBA? Ok, eksaherada na masyado. Basta, mamaya, maliligo ako ng alcohol sa backstage.

“Akala ko ba mahina at wala akong muscles?”


~Xiumin’s POV

Ang awkward naman nito. Bakit ba kasi si Mitch partner ko? Ok, bubuhatin ko na siya. Ba’t ba nanginginig ang kamay ko. Bubuhatin lang nga diba? Pero bakit na-o-awkward ako? Sige na nga bubuhatin ko na siya. Sana nga hindi ako magkamali. This is my chance!

Ito na bubuhatin ko na siya...

“KYAAAAH~!! Ouch.” Patay! Nabagsak ko si Mitch. Ba’t ba ang tanga ko. Yun lang nga ang gagawin ko, di ko pa talaga nagawa. Sinayang ko ang chance ko.

“M-mitch, s-s-sorry.. S-s-sorry!”

“Ganyan na ba ako kabigat?!” Galit na bulong niya sa akin at patagong pumunta ng backstage. Na-offend ko siguro siya dahil di ko siya nabuhat, lead dancer pa naman siya.

Ughhh, mali! Kailangan ko siyang habulin.


~Raeseok’s POV

“Kung si Pia ka lang talaga, bubuhatin kita with love.” Nakakairita na tong si Tao ah. Kanina pa dada nang dada ng Kung si Pia ka lang. Leche naman to. Bakit kasi siya partner ko?

One True Love [EXO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon