CHAPTER 8

46 4 1
                                    

~Hyemi’s POV

Masaya talaga sa Happy Campsite parang nakalimutan ko nga ang mga kasentihan at ka-emo-han ko nang dahil sa mga events and games. PERO...

Nakakadrain lang nga ng energy.

“O-oy, Hyemi. Okay ka lang?” tanong sa akin ni Xiumin gege.

“A-ah. Opo. Pagod lang ako,” sabi ko at totoo naman eh. Ang tanging gusto ko lang ngayon ay umuwi sa dorm at matulog. Yeah, matulog sa kama ko na puno ng fluffy pillows, tapos may cotton blanket na mabango and naka-on ang AC. Tapos may mga stuff toys pa at--

“Hyemi? Yoo-hoo?”

“Ah! Anak ng unan! Ano?”

“Ok ka lang ba talaga?” nag-aalalang tanong ni Xiumin at hinawakan ang noo ko. “Wala ka namang lagnat, pero parang namumutla ka yata?”

“Sus! Wala yan! Pagod lang ako, di naman kasi ako sanay na magkaroon ng ganito ka hectic na sched.”

“Ah, ako rin dati eh. ‘Yaan mo, masasanay ka rin niyan,” sabi niya.

*TING!*

Parang oras na para i-on ang tsismosa switch ko. *annoying laugh* “Gege, maiba tayo. Ano ba nangyari sa inyo ni Ate Mitch?” Ginawa ko ang best ko para maging inosente ang mukha ko. Sana tumalab.

“Ah yun. Wala lang yun.” Eh? Ba’t parang wala lang? Akala ko pa naman merong nangyari. “Sige Hyemi, aalis na ako. May 3 hours pa bago ang fansigning natin. Pahinga ka muna,” sabi niya at umalis na ng dressing room. Eh? I don’t get it. May tinatago ba siya or wala talagang nangyari. I'm going to find out... HEEHAHEEHAHEEHA!

~Yuki’s POV

+______+

Wala ng mas nakakainis pa sa feeling na gustong mong manuntok pero di pwede. Uggh! BBBBBBWIIIIIIIIISSSSIIIIT!

“Hoy Yuki, ba’t ang pangit mo? Tas mabigat ka pa talaga tas ang pangit mong sumayaw!”

Luhan, isa pang pang-aasar mo ay kakalimutan ko na talagang may fansigning pa tayo mamaya. Baka basag na yang mukha mo pagdating natin dun sa fansigning event.

“Yuki, p—“

“ANO BA?! ALAM MO BANG BWISIT NA BWISIT NA AKO SA’YO?!” Di ko na napigilan sarili ko. Di ko na nga tiningnan si Luhan dahil baka mas lalo pa akong manggigil sa pagmumukha niya.

“Ummm... Yuki? Okay ka lang ba?” Lay? Eh? Saan siya nanggaling?

Baka...

Lord, sana naman hindi nangyayari ang nasa isip ko.

Lumingon ako at nakita ko si Lay na parang naguguluhan. “Yuki? May nagawa ba ako sa’yo?” tanong niya.

Patay. “Um-ah-um.. W-wala naman....” tulong naman. Hindi ko naman alam na si Lay pala ang kumausap sa akin kanina. Akala ko si Luhan yun. Luhan. Si Luhan ang may kasalanan nito. Humanda siya sa akin mamaya. Nakita ko siya sa gilid ni Lay at nakangiti pa ha. Ang bwisit na yun. Grrrr.

“Ba’t parang galit ka nung kinausap kita?” tanong ni Lay.

“Ah yun.. Ahh... Kasi... kasi...” oyy, kailangan ko na talaga ng tulong, urgent ‘to.

“Kasi may naalala lang siguro siya sa isang play nila dati. Diba, Yuki?” singit ni Luhan. Ha? Ano daw? Tiningnan ko siya ng matalim at kinindatan niya lang ako.

One True Love [EXO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon