CHAPTER 2

74 6 0
                                    

~Luhan’s POV

Di ko alam kung bakit ginawa ko yun. The first second, nag-aaway kami. Then, the next…. -___-

F*ck! F*ck! Ba’t ko ba talaga yun ginawa? Ano ba pumasok sa isip ko?

Nawala ako sa pag-iisip ko sa mga nangyari nang marating ko na ang pupuntahan ko. I was welcomed by a warm gust of air and the loud blast of music. Ang dami palang mga tao ngayon. Pero kahit marami sila, diri-diretso parin ako sa paglalakad. Alam na alam ko kaya ang bar na ito. Lumapit ako sa bartender at umorder.

“Isang tequila nga,” sabi ko.

“Any mix-ins, sir?” tanong nung bartender.

“Wala.”

Habang nire-ready na nung bartender  ang tequila ko, bumalik na naman sa isip ko ang mga nangyari kanina.

ARGH!  First kiss ko pa talaga! Taena!

“Papa Sehun, what’s bothering you?”

=__=

O_o

Sehun?

Papa Sehun? Nandito na naman si Sehun. Ano naman kaya problema nun?

“Sir, here’s your drink,” sabi nung bartender.

Kinuha ko na ang tequila ko at nagbayad, nagbigay narin ako ng tip sa bartender. Ngayon, hahanapin ko na si Sehun.

Hindi nagtagal ang paglalakad ko sa bar. Agad kong nakita si Sehun sa isang table. At hindi lang isa ang kasama niyang babae, kungdi TATLO. Malaki na talaga siguro ang problema ng batang to this time. Nagtataka nga ako kasi nagsimula na yang pambababae niya 3 weeks before magdebut ang EXO G. May problema ba siya sa isa sa mga miyembro ng EXO G? Pero hindi naman niya ginagalaw...... sexually... yung mga babae niya. Parang pampalipas oras lang, di niya nga hinahalikan eh. Ano kaya talaga problema niya?

“Hoy Sehun! Problema mo?” sigaw ko sa kanya.

Nagulat naman siya. “Hyung? W-wala.” sigaw niya pabalik. Halos di na kasi kami magkarinigan sa lakas ng music.

Lumapit ako sa table nila at hinila si Sehun paalis sa mga flings niya. “Ba’t tatlo na yan?”

“Hyung, trip ko lang.” pasipol niyang sagot.

Parang may mali talaga sa kanya ha. “Sigurado ka?”

“O-oo naman, hyung!”

“Kung ganoon, pwede pa-share?” Hindi ko alam na lumabas yan sa bibig ko. Pero pwede na rin. Kailangan ko kasi ng pampalipas. Pero hindi ko sila aanuhin ha.

“Ano ba naman hyung! Maghanap ka dun ng sa’yo. Malaki problema ko no!” sabi niya. Ha! Nadulas rin siya.

Binatukan ko siya. “ Anlabo mo naman! Sige utusan mo nalang ang mga flings mo na kunan ako ng babae.”

“Hyung? Ikaw ba yan?”

~Sehun’s POV

Ano kaya problema ni Luhan hyung? Gumagaya na siya sa trip ko ha. Ito na kasi ang ginawa kong pampalipas ng problema: ang pambabae. Pero di ko sila inaano ha. Hindi ako ganyan ka-manyak. May problema lang talaga ako.

Gago yang Kris na yan ah! May nangyari na pala sa kanila ni RaeSeok!

Hindi parin mawala sa isipan ko ang nalaman ko. Pero hindi ko rin naiintindihan kung bakit ko yung ikinagalit. Kahit mag-ano pa silang dalawa diyan sa dorm wala akong pake! Diba?

One True Love [EXO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon